CHAPTER 3 -The day after a dreamy day

2095 Words
Naalimpungatan ako nang may naramdaman akong kung anong mainit na bagay ang naglalakbay sa aking balikat. Pilit kong minulat ang aking mga mata. Malalam na ilaw na nanggagaling sa lampshade ang nakagisnan ko, biglang rumagasa ang mga ala-ala ng nangyari kahapon. Biglang muling nag-init ang aking pakiramdam. Nakahiga akong patalikod kay Edward. Pinipilit kong hindi gumalaw sa kabila ng pag-iinit ng aking katawan. Nagkunwari akong tulog. Hanggang sa napapitlag ako nang may gumalaw na mainit na kamay sa ibabaw ng aking dibdib na marahang nagmamasahe.  "OOohh.." Hindi ko napigilang mapasinghap. Nang mapagtanto niyang gising na ako, marahan niya akong hinila upang makatihaya ako.  "E-Edward..." Halos pabulong lang na lumabas iyon sa aking bibig. "It's time to wake up now babe..." Tinukod niya ang kaniyang magkabilang braso sa gilid ng aking ulo. Muli kaming nagkatitigan. Bumaba ang mukha niya sa aking mukha saka marahang pinaliguan ng mga mumunting halik ang buong mukha ko. "A-anong oooras na?" Nagawa ko pa ding itanong sa kabila ng pagkaliyong nararamdaman ko. "It's 5:00 am." Maikli nitong sagot habang patuloy pa din sa pag halik sa aking mukha. Halos 3 oras pa lang ang tulog namin, ngunit ito na naman ay nagsisimula na namang magliyab ang aming mga katawan. "H-hindi ka ba n-napapagod?" Wala sa sariling tanong ko. Habang bahagyang napapaliyad ang likod ko nang bumba sa punong tenga ko ang mga halik niya. "I'll never get tired of your body babe.." Saka walang ano mang tuluyang hinila nito ang comforter na nakabalot sa katawan ko at tuluyang tumambad ang hubo't hubad kong katawan. Lumuhod ito sa kama saka may pagmamadaling tinanggal sa pagkakabuhol ang tuwalya sa kaniyang bewang saka ito tinapon sa kung saan. Wala itong sinayang na oras at agad itong pumosisyon sa gitna ng aking hita. At muling nagsanib ang aming mga katawan. Paulit-ulit niyang inangkin ang aking katawan, sa kama, sa sahig, sa couch, at maging sa dingding. Wala itong kasawaan sa pagpapala sa aking katawan. Maliwanag na nang pabayaan niyang akong makabalik sa tulog. "Oh, mabuti naman at naisipan mo pang umuwi, aba, ano oras na?" Bungad agad ng aking step-mother pagpasok na pagpasok ko sa gate ng aming bahay. Itinigil nito ang pagdidilig upang harapin ako. "Maganda umaga po Tiya Melba." Hindi ko na lang pinansin ang kaniyang mga tinuran, at magalang pa rin siyang binati. "Ano, saan ka na naman lumandi? Manang mana ka talaga sa nanay mong haliparot!" Walang prenong litanya nito. Noon pa man, hindi na maganda ang pakikitungo nito sa akin ngunit mas naging malala nang mamatay ang tatay ko. Anak ako ni tatay sa labas, bunga ng pagkakamali. Namatay ang totoo kong ina noong tatlong taong gulang pa lamang ako kaya napilitan si tatay na iuwi ako dito. Kaya naman sa akin nabunton ang galit ni Tiya Melba sa ginawang panloloko ni tatay. "May tinapos po akong trabaho Tiya. Mauna na po ako sa loob at may pasok pa po ako." Pagpapalusot ko saka nagmamadaling nagmartsa papasok para maiwasan ang kung ano pa mang komprontasyon. Syempre pa, hindi ko pwedeng sabihin ang totoo dahil lalo niya lang akong pag-iinitan. "Kahit anong OT mo wala kang mararating! Hindi ka tumulad kay Max na may magandang trabaho sa Maynila. Naku, naku,.." Nauulinlingan ko pa rin ang mga panghahamak niya sa akin at sa aking yumaong ina. Si Max ay half-brother ko. Anak siya ni Tiya Melba at tatay. Isa na itong matagumpay na abogado at balita ko'y maganda na ang buhay sa Maynila ngunit tila nakalimutan na ang kaniyang ina. Ganun pa ma'y lagi parin siyang pinagmamalaki ni Tiya kahit halos hindi siya kinakausap ni kuya Max.  Agad kong isinara ang pinto ng kwarto ko saka mariing napapikit. Kung ako ang tatanungin, gustong gusto ko nang umalis dito, ngunit hindi ko magawa dahil ayon kay Tiya, kailangan ko munang bayaran ang gastos niya sa pagpapalaki sa akin. Ni hindi ko natapos ang kurso ko para maging guro dahil agad niya akong pinatigil pagkamatay ng tatay ko. Kahit gaanong pakiusap ko'y hindi siya pumayag. Anito'y bakit pa ako mag-aaral eh magpapabuntis lang din naman ako. Nagmamadali kong inayos ang sarili ko upang maligo. May pasok ako ngayon sa pabrika. Hindi na ako nag agahan at siguradong samut saring panunumbat na naman ang aabutin ko kay Tiya. Nagmamadali akong nagtungo sa sakayan ng dyip patungo sa aking pinagtatrabahuhan. Alas 9 ang pasok ko, at medyo late na ako. Patakbo kong tinungo ang guard ng aming building upang makapag time-in. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang hindi pa ako ganun ka-late. Agad kong tinungo ang aking department. At isang mapanuring titig ang ibinigay sa akin ng mataray kong manager na si Ma'am Tinay. Hindi ko nga malaman kung bakit ang init init ng dugo nito sa akin. "Late ka na naman! Aba mukhang namimihasa ka ata!" Walang kaabog abog na sita nito sa akin. Walang araw na hindi ako nito pinuna. Napakuyom ang kamao ko. Gustong gusto ko siyang sagutin, pero pinigil ko ang aking sarili, kailangan ko ang trabaho ko. "S-sorry po Ma'am." Mahina kong sabi. Nilunok ko lahat ng gusto ko sabihin sa kaniya. "Yan, dyan ka magaling sa pagso-sorry! Pumunta ka na nga dun sa trabaho mo, kaaga aga sinisira mong umaga ko." Paismid na sabi nito saka pairap na nagmartsa palayo sa kinatatayuan ko. Napabuntong hininga na lang ako at dumiretso sa employees' locker room saka nagbihis, isinuot ko din ang aking hairnet, facemask, at gloves saka dumiretso ako sa posisyon ko matapos kong masiguro na maayos na ang aking sarili. "Ano, binulyawan ka na naman ni Bruhilda no?"  Pasimpleng bulong sa akin ni Let-let. Katrabaho ko at malapit kong kaibigan. Sa lahat ng katrabaho ko, si Let-let ang nakapalagayan ko ng loob dahil sa normal na pagiging madaldal nito. "Oo, galit na galit, gustong manakit." Ganting bulong ko nang hindi tumitigil sa paglilinis sa mga pinyang dumadaan sa amin. "Masyado ka kasing maganda, na-iinggit tuloy." Pilyang muling bulong nito na bahagya kong ikanatawa. Agad na lumipad ang matalim na titig  sa amin ni Ma'am Tinay kaya nama'y mabilis pa sa alas kwatrong pasimple kaming naghiwalay, mahirap nang mabulyawan na naman. Sa kabila ng kaliwa't kanang kamalasan na naranasan ko ngayong araw ay hindi ko pa rin magawang tuluyang malungkot, masyadong naging maganda ang aking weekend para masira ni Tiya Melba o Ma'am Tinay. Tuwing bumabalik sa balintataw ko ang mga maiinit na tagpong pinagsaluhan namin ni Edward, para akong idinuduyan ng paulit-ulit sa langit. Isang manipis na ngiti ang kumawala sa aking labi. "Ang ganda ng umaga natin ah. Ibang iba ang glow." Tudyo ni Nelson na bigla na lang luwitaw sa likod ko saka pumuwesto sa tabi ko at tumulong na sa ginagawa kong paglilinis ng pinya. Katulad ko'y trabahador din siya dito sa pabrika. "Hindi naman, sakto lang." Simpleng sagot ko pero hindi nawawala ang matamis kong ngiti. "Oh sige sabi mo eh. Pero mas bagay sayong ngumingiti, lalo kang gumaganda!" Saad nito na lalo kong ikinangiti. "Naku Nelson pano mo naman nalaman na nakangiti ako eh nakasuot ako ng facemask tsaka kahit anong bola mo, hindi kita ililibre noh! Kulang pa ang sahod ko pang-abot kay Tiya." "Bakit sa labi lang ba nakikita ang pag-ngiti ng isang tao? Para sabihin ko sayo ineng halatang halata sa kislap ng mata mo ang malapa mong ngiti. At tsaka, sino ba kasing nagsabi sayong magpapalibre ako aber? Eh kung sinasagot mo na ba ako, eh di sana'y ako na ang manlilibre sayo. Kahit araw-araw pa." Mayabang na turan nito. Napaikot ko na lang ang aking mga mata. Matagal na itong nagpapalipad hangin na hindi ko naman pinapansin. "Nelson, pagtapusin mo muna ang mga kapatid mo bago ka dyan manglibre ng iba. At tsaka, hindi tayo talo." Prangkang turan ko sa kaniya.  "Kaya ko namang pagsabayin ang pag-aalaga sayo at pagpapaaral sa kanila eh." Nabakas ko ang bahagyang lungkot sa boses niya. Mabait naman ito at responsable ngunit hindi ko lang talaga makapa sa puso ko ang pagtinging higit pang pagkaka-ibiggan. Tinanggal ko ang isa kong gloves saka hinawakan ang isa niyang braso. "Nelson darating din ang panahon na mahahanap mo ang tamang babae para sayo. Maniwala ka." Kahit paano naman ay malapit din sakin si Nelson ay hanggat maaari ay ayoko siyang paasahin o saktan. Nakaunawang tumango ito at marahan itong ngumiti. Nagulat ako nang may bigla tumikhim sa likuran namin. Si Ma'am Tinay iyon na tila may isinesenyas. Naguguluhan akong napatingin sa paligid. Nagulat ako nang mapansing nakayuko na lahat ng aking kasamahan. At sa muling paggala ng aking paningin, napatda ako ng makita ko ang isang pangkat ng kalalakihan sa b****a ng aming working area, kaya naman pala ganun na lamang ang reaksiyon ng aking mga kasamahan, lahat ng mga ito'y may mataas na katungkulan sa kompanya, at lahat sila'y nakapako ang tingin sa amin ni Nelson, kasama na ang pares ng mata ng aming pinaka-boss si Edward. Anong ginagawa ng mga ito doon? "Good morning sir!" Natatarantang bati ni Nelson saka yumuko. Habang ako'y nanatiling parang itinulos na kandila sa aking kinatatayuan. Nagsalubong ang mata namin ni Edward, at base sa itsura nito, hindi maganda ang mood nito. Salubong ang mga kilay at maasim ang mukha?May problema ba sa department namin? Marahan akong siniko ni Nelson na nakapagpitlag sa akin. Napansin kong halos lahat ay nakatingin na din sa akin. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. "G-Good morning sir!" Agad akong bumati sa mga ito. Isang nanunuring tingin ang iniwan ni Edward sa amin bago tumalikod. Agad namang sumunod dito ang kasama nitong managers. "Wala ka na ba talagang gagawing tama?!" Halos pahisteryang palatak in Ma'am Tinay na ikapitlag ko, base sa pamumula ng kaniyang mukha, syento pursyentong gigil na gigil ito sa akin. "Dahil sayo'y nawalan ng dignidad itong area ko! Ano na lang iisipin ni Mr. Smith, na hinahayaan ko lang kayong maglandian sa oras ng trabaho?" Pasigaw na paratang nito. "Hindi po kami naglalandian Ma'am." mariin kong sagot. Hindi ko na kinayang manahimik na lang. Sumosobra na ang panghahamak nito sa akin. "Abat sumasagot ka na ha---" "Excuse me Anna Cruz Mr. Smith wants to see you in his office right now." Hindi na nito naituloy ang kung ano pa man ang sasabihin niya dahil sa pagdating ng personal secretary ni Edward na si Mr. Tolentino. Parang nag-ibang tao si Ma'am Tinay. Para itong sinapian ng anghel at naging maamo ang mukha, isang mapang-akit na ngiti ang pumalit sa maladragon nitong itsura kani-kanina lang. Halatang nagpapa-cute! "May I know why Mr. Smith wants to see her. I'm her superior." Maagap na sabat ni Ma'am Tinay na may halong pagpapasexy ang pagkakabigkas saka malanding hinawi ang hindi naman kahabaan nitong buhok.  "I don't think Mr. Smith needs to explain anything to you." Pormal at pasupladong sagot nito. Gusto kong bumulalas ng tawa sa naging reaksiyon nito. Pahiya ka noh? Nawala ang ngiti sa mga labi nito at tila nagilta sa pagkapahiya. "Let's go Ms. Anna?" Tila balewala naman ang naging reaksiyon nito kay Mr. Tolentino saka muling bumaling sa akin. Tumango ako, tinanggal ko muna ang aking facemask at gloves. Nagpauna nang naglakad patungo sa exectuive elevator si Mr. Tolentino at tahimik lang akong sumunod. Nang marating namin ang executive floor, halos malula ako sa lawak noon. Hindi ako makapaniwala na opisina lang ni Edward ang buong palapag na iyon. Iginiya niya ang sa isang pribadong bahagi ng palapag. Napag alaman kong iyon ang pinakang opisina ni Edward. Kumatok muna ang tatlong beses si Mr. Tolentino at nanatiling nakatayo sa harap ng pinto. "Come in." Saka lamang ito kumilos nang marinig instruksiyon ni Edward na nagmumula sa intercom.  "Good morning Sir! Ms. Anna Cruz is here." Magalang na imporma nito kay Edward. Seryosong seryoso ito sa binabasa at hindi man lang kami tinapunan ng tingin. "Let her wait in the waiting area." Simpleng saad nito. Agad naman akong iginiya nito sa isang bahagi ng opisina na may couch. "You wait for him." Bilin ni Mr. Tolentino saka ako iniwan doon. "Anything more sir?" Naulinlingan ko tanong nito kay Edward. "None. Just make sure not to disturb us from the time being." "Yes sir." Saka ko narinig ang pagbukas sara ng pinto. Parang hindi ako mapakali. Ito ang unang pagkakataon na nakatungtong ako sa opisina niya. At masasabi kong ibang iba siya sa lalaking nakasama ko noong nakaraang linggo. Biglang nilukob ng kaba ang aking dibdib. Napakislot ako nang maramdaman ko ang kaniyang presensiya sa aking tabi. Bigla akong napatayo. "B-bakit mo ako pinatawag?" "Because of this.." Walang kaabog abog na hinila niya ang aking katawan palapit sa katawan niya at kinuyumos ako ng halik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD