Anya POV Mabangong amoy kaagad ng sinangag ang bumungad sa pang-amoy ni Anya, pagkababa pa lamang niya ng hagdan. Nakapag-ayos na siya ng sarili at handa na para magtungo sa trabaho. Sinilip niya ang sala at nakitang wala roon si Andrius kaya dumiretso kaagad siya sa kusina. Saktong pagbukas niya ng pinto ay bumungad sa kaniya si Andrius na ngiting-ngiti. Ngunit mas nagulat siya ng mabungaran din ang nagsusumigaw na pandesal nito. 'Ulam' sigaw kaagad ng mahadera niyang utak. "Good morning, baby." Kumindat pa ito sa kaniya habang hawak-hawak ang isang sandok. Pagkatapos siyang batiin ay bumalik na agad ito sa ginagawa. Ilang segundo siyang tulala habang nakatitig sa perpekto nitong pigura. Nakahubad kasi ito at tanging jogging pants lamang ang suot. "Laway mo! Tumutulo na!" Bigla

