Andrius POV He was eyeing Anya's every move. Napapangiti pa siya habang tinatanaw ito. Nagpresenta kasi itong tulungan ang kapatid niya sa pagluluto ng brunch nila. Napangisi siya lalo nang maalala na hindi ito marunong magluto pero malakas ang loob nitong magpresenta. Napailing siya. Anya is really something. "Someone is smitten here." Pag-agaw ni Zeus sa kaniyang pansin. Hindi kasi niya namalayang kanina pa ito nakatitig sa kanya. Umupo ito sa katapat niyang stool at pinanuod din ang dalawang babaeng abala sa paghahanda. "Stop teasing me, Zeus. We're not close." sabi niya dito na hindi man lang ito nililingon. "Seriously Andrius? You're still mad at me? Move on, dude." sabi nito sabay tawa. Mas lalo naman siyang nainis dito. "Tssk." sagot naman niya dito. Totoong inis pa siya

