Kabanata 1

2318 Words
Dahan-dahan ang paglalakad niya patungo sa kanilang pintuan. Tumingkayad pa siya para hindi maging maingay ang kaniyang mga hakbang. Kinukubli niya rin ang sarili sa mga muwebles na madadaanan para hindi agad siya makita. "Saan ka pupunta?" Nagulat siya kasabay nang isang buntong-hininga. Nilingon niya rin ang kaniyang ama at nakitang titig na titig ito sa kaniya. Ngumuso naman siya para sana magpa-awa effect dito ngunit ito na yata ang tatay na mahirap paamuhin. "Lalabas po, Pappi," sabi niya sabay ngiti ng alanganin dito. "Ang bahay na ito, may batas. Kapag bawal lumabas, bawal lumabas!" litanya ng kaniyang ama. Nainis tuloy siya rito. Sawang-sawa na kasi siya sa dialogue na iyon ni Kim Chiu. Nag-viral kasi ito kamakailan sa social media at halos lahat ng tao sa Pilipinas ay memoryado iyon. "Akala ko ba sa classroom lang may batas?" pabalang na tanong niya sa ama. Pinagtaasan naman siya nito nang kilay at pinameywangan. Halatang inis na ito sa kaniya ngunit alam niyang nagpipigil lamang itong kurutin siya sa singit. Bakla ang tatay niya. Hindi normal para sa iba. Wala naman siyang pakialam sa mga ito dahil pinalaki siya nitong mag-isa na hindi alintana ang hirap ng buhay. Twenty-three na siya at tapos na nang pag-aaral sa kursong teacher ngunit sabi ng kaniyang Pappi ay huwag na daw siyang maghanap ng trabaho. Nakakainis nga para sa kaniya. Ginawa pa kasi siyang batugan nito. Ngayon sana ang alis niya para maghanap ng trabaho ngunit ayaw naman siyang palabasin nito. "Dyeske, ka talagang bata ka!" Napakamot ito sa ulo, kapagkuwan. "Hala! Pumasok ka sa kuwarto at mag-comply ka sa batas ko, para payagan kitang lumabas!" sabi pa nito sabay palo sa kaniyang puwetan. Sumimangot siya dahil doon. Nakakainis kasi ito minsan dahil masyadong itong istrikto. Para siyang bata na bantay sarado. Her Pappi doesn't like the way she dressed. Though, she wore her clothes the way she wanted, but for her Pappi; she looked like an old aged woman from the nineties. Naiintindihan naman niya kasi ito. Stylist ang Pappi niya sa mga kilalang celebrity kaya ganoon na lang ang pandidiri nito sa mga gusto niyang damit. But, she could not do anything about it because it was her fashion. She loved the way she wore them. She looks classy and timid. She sighed. Tinungo niya ang kaniyang silid na mabigat ang kalooban. Pagkakataon niya na sanang magkaroon ng trabaho. Hiring kasi ang Monterio Empire kaya doon ang tungo niya. Sayang naman kung hindi siya makakapunta. Magcomply ka sa batas! ulit ng kaniyang utak sa sinabi ng ama. Mag-comply means baguhin ang pananamit niya. Mukhang hindi na nga yata siya makakalabas dahil sa nangyari. Kinuha na lamang niya ang cellphone sa tuktok ng tokador at tinawagan ang kaibigang si Carla. Nakailang ring pa ito bago may sumagot ng tawag niya sa kabilang linya. Napapakunot pa ang noo niya nang hindi ito nagsalita at panay kaluskos lang ang naririnig niya mula dito. "Ohhh! I'm c*****g!" narinig niya, kapagkuwan. "f**k! Faster... Andrius... Ahh!" Napakurap siya. Gulat sa kaniyang narinig. Mabilis pa sa alas-kuwatro na pinatay niya ang tawag. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang humiga siya sa kama. Sobrang lakas nang t***k ng puso niya sa nangyari. Mukhang may ginagawang milagro ang kaniyang kaibigan ngunit naisipan pa talaga nitong sagutin ang tawag niya. Napailing siya. Naeskandalo siya bigla. "Arghhh! Nakakainis!" sigaw niya. Sinabunutan pa niya ang sarili dahil hindi na matanggal sa isip ang nangyari kanina. Inaamin niyang wala siyang karanasan sa mga bagay na iyon, kaya gulantang ang kaniyang pagkatao. My virgin mind! sigaw ng kaniyang utak. Nasa ganoon siyang posisyon nang pumasok ang kaniyang Pappi sa loob ng silid. Nagtaka kaagad ang hitsura nito nang tingnan siya. Kunot na kunot ang noo nito habang nililibot ng tingin ang buong kwarto. Nang mapadako ang tingin nito sa kaniyang aparador ay nilapitan nito iyon at binuksan. Inilagay din nito ang daliri sa ibaba ng baba nito at malalim na nag-isip. "Ano na naman ang gagawin mo Pappi?" pag-agaw sa atensyon na tanong niya dito. Napakaseryoso kasi nang hitsura nito at mukhang may binabalak. Tumayo din siya at nilapitan ito. "Bibihisan ka! Mukha kang manang, Anya. Napakaganda mong bata. Anong nangyari sa'yo? Hindi ka naman dating ganiyan?!" maarte nitong tugon sa kaniya. Hindi man lang siya nito nilingon bagkus, may kung ano itong inaabot sa loob ng aparador. Isang yellow-gold na high waist skirt na hanggang tuhod ang haba at isang dark blue three-forth style voluminous blouse ang ibinigay nito sa kaniya. Tiningnan niya ang mga ito at napagpasyahang isuot iyon. Nang matapos siyang magbihis ay napangiti siya sa repleksyon sa salamin. Naaayon pa rin sa style na gusto niya ang ibinigay nito. Hapit nga lang ang skirt sa kaniyang ibabang bahagi ng katawan ngunit ayos na rin naman. Hinayaan niyang nakalugay ang kaniyang hanggang balikat na buhok, pagkatapos ay isinuot niya ang thick black rimmed eyeglasses. Isinuot niya rin ang kaniyang white heels. Perfect! hiyaw niya sa isip. Napangiti rin siya ng ilang sandali habang pinagmamasdan ang hitsura. Siguradong papayagan na siyang lumabas. Maganda naman talaga siya. Likas na matangos ang kaniyang ilong habang may hugis puso naman ang kaniyang labi. Almond-shape naman ang kaniyang kulay itim na mga mata na bumagay sa maliit niyang mukha. Pantay din ang kaniyang mga ngipin na mas lalong nagpatingkad sa kaniyang hitsurang pisikal. "Pappi, labas na po ako!" bungad niya dito sa kanilang sala. Nanonood na naman kasi ito ng Crash Landing on You, isang K-Drama. Kung mayron mang hobby ang kaniyang Pappi, ito ay ang manood ng mga korean drama. Fan na fan ito ni Lee Dong Wok na minsan pa ay biniro siya nitong pupunta ng Korea para lang makita ang idol nito. Nilingon siya ng ama sabay ngiti. Pinasadahan pa nito ng tingin ang kaniyang kabuuan. Alam niyang nagustuhan nito ang nakita dahil tatango-tango ito. "Perfect! Ka-level mo na si Se-ri. Sana magkaroon ka na nang Captain Ri!" "Sino naman 'yon, Pappi?" nakakunot ang noo na tanong niya dito. Hindi naman niya kasi ito maintindihan. "Wala! Umalis ka na. Panira ka talaga ng moment! Minsan mag-marathon ka rin sa K-drama, Anya. Napaka-morbid mo!" pa-irap na wika nito. "Ang face mask, huwag mong kalimutan!" dagdag pa nito habang ang atensyon ay nasa pinapanood. Napakamot siya sa ulo. Isa kasi sa hindi niya hilig ang manood nang drama. Naiinis kasi siya kapag umiiyak na ang bida dahil napapaiyak rin siya. Kaya ang una at huli niyang K-drama ay ang Goblin ni Gong Yoo. Pero, crush niya si Lee Min Ho. Suot ang facemask habang lulan ng taxi papuntang Monterio Empire ay hindi niya mapigilang kabahan. First time niyang mag-aapply ng trabaho kaya wala siyang ideya sa anumang mangyayari. Nasanay kasi siya na ang kaniyang Pappi ang nagtatrabaho para sa kanila. Ngayon lamang siya lalabas sa kaniyang comfort zone. "Miss, nandito na po tayo." Natigil ang anumang iniisip ng dalaga. Binalingan niya rin ang driver ng Grab taxi. Kanina pa pala nakahinto ito pero hindi man lamang niya napansin. Nagbayad muna siya bago bumaba. Nang nasa tapat na siya nang building ay tumingala siya para tingnan ito. Napakataas ng Monterio Empire Chain of Hotels. Ito ang main office ng emperyo. Dito siya mag-aapply ng trabaho. This is it! pagkausap niya sa sarili. Kailangan niya ng fighting spirit para sa kaniyang inaasam na chance. With finger crossed, she walked straight to the entrance. Napapatingin na lamang ang guard sa kaniya at mga empleyado doon. Agaw pansin naman talaga siya sa kaniyang hitsura. Classy na medyo nerdy. She has the body too, plus the height. Minus na nga lang ang face mask na nasa mukha pa rin niya. Ang totoo, hindi naman siya manang manamit dati. She was not used wear clothes like an old aged woman. But, that was from the past and she doesn't want to remember it. She loves her new fashion now, and it was enough. Anya shrugged the thoughts off. Past is past, 'ika nga ng iba. Pinagpatuloy niya ang paglalakad hanggang marating niya ang kinaroroonan ng receptionist. Tinanggal niya ang face mask nang makaharap ito. She smiled, instantly. "Excuse me. Saan po ang interview para sa mag-aapply na sekretarya?" magalang na tanong niya dito. Ni-head to foot muna siya ng receptionist bago tumango na tila ba nag-iisip. Sa tantiya ng dalaga ay nasa mid-thirties na ang edad nito. Nakasalamin sa mata at may istriktong awra. Kung hindi lang siya desidido na magtrabaho ay mangingimi siyang lapitan ito. "You're hired," walang kagana-ganang sambit nito. Ni hindi man lamang niya iyon nakitaan ng reaksyon. Stoic lang ang hitsura nito na para bang de susi. "Ano po?" hindi makapaniwalang tanong niya. Totoong nagulat siya sa sinabi nito. Masyado kasing madali ang lahat. Sinong tatanggap ng empleyado ng ganoon na lang? Ni hindi man lamang nito hinanap ang credentials niya. Sa naisip ay nagkusa na siyang ipakita iyon. Inilahad niya dito ang kaniyang mga credentials ngunit tinitigan lang nito. Pagkatapos ay siya na naman ang binalingan. "No need. You're perfect for the job. You can start now." Gulat na napanganga na lamang ang dalaga. Anong sinasabi nang babaeng ito? Hindi naman siguro ito prank lang? Tiningnan niya ang paligid. Maayos naman ang lahat kaya imposibleng jino-joke time siya nang mga ito. "Sure po ba kayo?" tanong niya ulit dito. Tumango lang ito bago siya inabutan ng isang pirasong papel. "That's Mr. Monterio's office. He's expecting you." Gulat pa rin siya sa sinabi ng babae. She was hired as Mr. Monterio's secretary in an instant. Wala man lang effort. Napaka-imposible. "Salamat po!" Kinuha niya ang papel at tiningnan iyon. Nasa floor twenty ang office ni Mr. Monterio at mukhang doon din ang office niya. Nagsisimula na siyang maglakad nang magsalita ang receptionist ng hotel. "Lucky bastard! May nag-apply pa!" Hindi niya ito pinansin at dumiretso na sa elevator. Pinindot niya ang floor twenty at isinandal ng bahagya ang kaniyang ulo sa dingding. Stressful ang araw niya pero mas nakaka-stress pa pala ang biglaang pagkakatanggap sa trabaho. Sana lang ay mabait ang kaniyang magiging boss. But, from what she heared from random people; Mr. Monterio is a ruthless businessmen. Halimaw daw ito. Busy siya sa pag-iisip nang may pumasok na lalaki sa elevator galing sa fifteenth floor. Tinitigan siya nito saglit bago tuloy-tuloy na pumasok sa loob. Tinaasan niya ito nang kilay dahil halatang pinagmamasdan siya nito. "What?!" inis na tanong niya dito. Hindi siya nito pinansin at ngumisi lang nang nakakaloko sa kaniya. Dobleng irap tuloy ang natanggap nito mula sa kaniya. Nang tumuntong sa twentieth floor ay sabay pa silang lumabas. Sakto namang may tumawag sa kaniyang cellphone habang naglalakad. Kinuha niya kaagad ang aparato sa bag at sinagot iyon. "Bruha! Asan ka na?" "Pwede ba, Carla. 'Wag mo muna akong disturbuhin ngayon may importante akong ginagawa," sagot niya dito. Pinaikot pa niya ang mga mata na para bang nakikita siya nito. Nakakainis talaga si Carla, ang best friend niya. Wala kasi sa timing ito kung minsan. Mas lalo pa siyang nainis dahil sa narinig niya dito kaninang umaga. "Sige, mukhang busy ka nga! Dalawin kita minsan sa bahay niyo ng magkabuhay ka naman. Get a life, Anya!" sabi nito sabay tawa bago tinapos ang tawag. Napabuntong-hininga siya nang matapos ang tawag. Tuloy-tuloy ang kaniyang paglalakad kaya hindi na niya napansin ang bulto ng katawan sa kaniyang harapan. Nabangga niya ito at nawalan siya ng balanse. She expect to fall in the ground but it didn't happen. Naramdaman na lamang niya ang katawan na hawak ng iba. When she opened her eyes a browned eyed man held her waist to stop her from falling. "Are you okay?" may pag-aalala na tanong nito. "Yeah! Thank you," sagot niya sabay iwas ng tingin dito. She desperately stopped herself from blushing. She just didn't know if it was effective. She felt ashamed. First day of work and she already looked dumb in front of this stranger. "Good! By the way, I'm-" Natigil ang pagsasalita nito nang may isang lalaking lumapit sa kanila. The man she's been with inside the elevator awhile ago. Ang nakakalokong awra nito kanina ay nawala. He looked lethal and serious. Mukhang nakakatakot at pangingilagan. "What are you still doing here, Montreal?" his loud voice roared all over the place. Napaismid kaagad siya dahil doon. "Relax, Andrius. I was just being polite here." Turo sa kaniya ng lalaking nakabanggaan. Agad siyang binalingan ng lalaki at tulad kanina ay ni-head to foot na naman siya nito. Napansin niya rin ang bughaw nitong mga mata. "And who are you?" Nakakunot-noo ito nang tingnan siya. "I'm Anya. Newly hired secretary," sagot niya dito. Tinaasan niya rin ito ng kilay. "What?! You're my new secretary?" gulat na tanong nito sa kaniya. Nagulat man siya sa pahayag nito ngunit hindi niya pinahalata. Kung masungit ang boss niya ay magsusungit din siya dito. "Oo, bakit? Ayaw mo?" Tumawa ang lalaking kasama nila. "Looks like I will visit you more often, asshole!" sabi nito sa boss niya bago siya binalingan. "Attorney Kraius Montreal, at your service," wika nito sabay lahad nang kamay sa kaniya. Tinanggap niya iyon bilang paggalang dito. Mahigpit naman nitong hinawakan ang kaniyang kamay sabay kindat. Gusto niya itong irapan. Presko din ang isang ito na isa sa ayaw niya. "Stop that getting to know each other thing. You! Get out of this place." Sabay turo nito kay Attorney Montreal. "And you!" lumunok muna ito bago nagsalita, "Come with me and start your work," sabi nito sa kaniya bago sila iniwan. Napailing na lamang siya. Mukhang doble stress ang mangyayari sa kaniya sa mga susunod na araw nang pagtatrabaho sa Monterio Empire. May masungit na boss pa siyang kailangang pakisamahan. She sighed. How could she handle him?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD