Anya POV "Aray!" Napaigtad siya bigla ng may kumurot sa kaniyang tagiliran. Nang lingunin niya ito ay bumungad kaagad sa kanya ang kaniyang Pappi. Sumimangot siya sabay nguso, ngunit pinameywangan lang siya nito at tinaasan ng kilay. "Anong nangyari sa'yo nang nakaraang gabi? Ba't hindi ka na nakauwi?" sabi nito habang sinisipat siya mula ulo hanggang paa. "Grabe kung makatingin Pappi ah, judgemental?" sabi niya dito sabay subo ng pagkain. Nasa kusina siya ng bahay nila at nagmamadali nang araw na iyon dahil late na siyang nagising kaninang umaga. Bukod kasi sa sobrang pagod niya noong nagdaang gabi kasama si Andrius ay masakit parin at tila nangangalay ang kanyang mga hita. Namula siya sa kaniyang naisip. Bigla ang pagbangon ng hiya sa kaniyang dibdib. Ni hindi niya rin magawang

