Anya POV Anya was busy checking herself when her Pappi came inside her room. He was looking all around the corner and looked at her with disbelief. "Ay! Ano to? Bakit parang nagpapaganda ka? May date?" Tukso nito sa kanya pagkatapos ay umupo ito sa kanyang kama. Tinitigan siya nitong mabuti mula ulo hanggang paa. Naupo muna siya sa silya na nasa harap nang kanyang tokador bago ito binalingan. Sinimangutan niya ito pagkatapos. "Aalis po ako Pappi." "Aalis? At saan ka naman, pupunta? Huy! Anya. May curfew parin kahit nag-GCQ na tayo!" eksaherado nitong sabi sabay tayo. Nilapitan siya nito at pinameywangan pagkatapos. Nagdadalawang-isip kasi siya kung sasabihin niya ba dito kung sino ang kikitain niya. It was her boss, obviously. Hanggang ngayon hindi parin siya makapaniwala na mg

