CHAPTER 7

3813 Words
KINAUMAGAHAN AY MAAGANG nagising upang pumasok sa eskwela sapagkat biglaang nakaramdam nang kasipagan. OMG! Hindi kaya may malubhang sakit ako? Isang himala ang mga ganitong pangyayari dahil kahit kulang sa tulog ay buhay na buhay ang aking dugo, marahil sa rasong maghapong nakapiling ang pinakamamahal na hubby in the future? "I love you baby, and if it is quite alright, la-la-la-la! ~ Lala! Lala!" I'm singing out of my heart. Kasalukuyang naglalakad sa pasilyo upang tumungo sa classroom nang mapatigil dahil mayroong sumagi sa isip. 'Tch! He has a huge debt to me...' Kung mapapansin siguro ng ibang tao, baka isipin nilang nasisiraan ng ulo dahil sa paghalakhak mag-isa. Tipong hanggang makarating sa silid-paarala'y lutang ang pakiramdam. 'It so hard to move on. Like, duh?' "Hey, what's going on with you? Day dreaming again and again, Nana?" susog ni Samantha mula saking harapan. "Oh gosh! I miss you so much, best!" tumayo sa kinauupuan upang yakapin ang kaibigan nang mahigpit. "Wait, I can't breathe, Jana! Hindi ka naman OA, ha? Parang kahapon ka lamang um-absent. Like, hello?" "What's wrong with appreciating our friendship ba?" irap dito. "Anong rason mo bakit wala ka kahapon, aber?" nameywang ang dalaga kaya tinakpan ko ang bibig ng dalawang palad saka nagtatatalon sa kagalakan. "What happened, Jana Buenaventura-Xi? Puwedeng magkuwento ka muna bago ka magpaka-eksaherada, ha?" nakasimangot na saad ni Samantha dahilan upang umupo nang maayos sa silya at inipit ang ilang hibla ng buhok sa likod-tainga. I deeply inhaled right before spilling the tea to my bestfriend and I was about to parted my lips when she cut me off. "Kuwento na dali!" she frowned. "Masyadong atat, girl?" using my sarcastic voice. "Ang dami mo kasing seremonyas bago ka magkuwento. Like hello?" "Fine! I was so sluggish yesterday and, and,---!" "And? And what?" dugtong ni Sammy. "Gosh, Samantha!" "Calm down then tell me in a subtle way, please?" pakiusap ng kaibigan sapagkat hindi mapigilang ma-hyper sa mga nais sabihin. "I and Troy played inside my room for the whole day---as in the whole day," pagmamayabang sa kaibigan saka nanlaki ang mata ng matalik na kaibigan sa narinig mula sa'kin hanggang sa ilang segundo ring natigilan, ngunit nang matauhan ay hinila ni Samantha ang hibla ng buhok sa hindi malamang kadahilanan. "You did what, Nana? We're too young for that, gosh! Hinayaan mong babuyin ka ni Troy?" napatili ang dalaga saka hinatak-hatak ang aking buhok tila gulat na gulat. "Ouchy! stop pulling my hair!" maarteng saad sa babae ngunit kaagad namang tumigil sa ginagawa nito subalit halatang-halata ang pamumula ng kanyang buong mukha. "Jana, how can you do this to yourself?" halatado ang ugat sa leeg ni Sammy. "Shh! Huwag kang maingay baka sabihin nila totoo 'yang kadramahan mo!" singhal dito. "Huh?" "Hindi pa tapos magkuwento nagda-drama ka na. We'd just played scrabbles. Like, duh?" paliwanag dito saka napakamot sa ulo bago muling magsalita. "OMG! I thought you reached that kind of level, best" She rolled her eyes. "Everyone, our professor is here!" anunsiyo ng isang kaklase kung kaya naputol ang aming kuwentuhan lalo't pumasok ang guro sa unang subject. Hindi naging mahirap sa'kin maka-cope up dahil nagbasa ako ng notes bago matulog kundi walang maisasagot sa long quiz na inihanda ng butihing propesor. Kalauna'y sunu-sunod ang naging lecture ng mga guro hanggang sa matapos ang pinakahuling subject. Kailangang magpursige sa ngayon sapagkat nalalapit na'ng assessment sa unang semester ng taon. Ipinagpapasalamat ko dahil hindi natapat ang pagiging abala ng klase sa nalalapit na kaarawan. 'And, I'm also excited with our semestral break!' Maya-maya'y tumunog ang school bell kung saan hudyat na'ng buong maghapong klaseng tapos na sa wakas. "Jana, are you going with me or not?" tanong ng kaibigan. "Huh? Ah,eh, mauna kana saka bukas na lamang tayo magkita dahil may gagawin pa 'ko," pagdadahilan ko rito na sadyang ikinakunot-noo ng kaibigan kaya para walang mangyaring tanungan ay nagmamadaling umalis sa harap ni Samantha. 'Buti na lamang hindi na siya nag-usisa!' Binagtas ang daan patungo sa entrada hanggang sa matanaw ang family car na kasalukuyang nakaparada sa gilid ng XIA. "Thank goodness he isn't late." I'm talking about our well-versed driver thus I actively sauntered to the side of the car. "Oh, Señorita? I'm waiting for you about a minute ago?" sumipat si Mang Kardo sa relong pambisig. "Thanks, Mang Kards. Anyway, could you drive for me to Makati?" pakisuyo sa matandang lalaki. "Alright, señorita!" anito hanggang sa kalaunan ay matamang binabaybay ng sasakyan ang daan patungong Makati. ** KASALUKUYANG NASA OPISINA at kaharap ang aking sekretarya habang sunud-sunod na dinedetalye ang mga naka-schedule na meeting sa araw na iyon. Hindi maiwasang matambakan dahil sa kahapong hindi pagpaparamdam kung saan kagagawan ng pilyang si Nana. Sa mga nangyayari sa market expansion ng ibang korporasyon ay matibay na rason para seryosohin ang pagpapatakbo ng negosyo, sapagkat bulung-bulungan ang matinding pagbulusok pababa ng ekonomiya sa mga darating na panahon dahilan upang marami sa mga kapwa negosyante ang na-foreclose ang kompanya. Kaninang umaga'y tumawag si Don Eduardo at ibinalitang hindi pumayag ang Montenegro Incorporated sa hinihinging kondisyon ng matanda. It's been a really big crisis to my empire! Naputol ang malalim na iniisip nang matapos ang paglilitanya ng babae ukol sa mga marapat gawin ngayong araw. "Is that all for today?" "Indeed, Sir." she respectfully answered. "Okay, you can go now." Magalang na nagpaalam ang aking sekretarya dahilan kaagad asikasuhin ang mga papeles na kailangang pirmahan, ngunit hindi pa man nagtatagal ay muling kumatok ang babae kaya minabuting ihinto ang ginagawa saka papasukin ito. "Yes, Allaine?" "Sir, you have a visitor," maikling saad nito. "Hi Troy!" sumungaw sa hamba ng pintuan ang pamilyar na babae. "Alyssa, what are you doing here?" tanong sa dalaga kapagkadaka, hanggang sa tuluyang pumasok ang modelo rason upang senyasan ang sekretaryang bumalik sa kaniyang tanggapan na mabilis namang naintindihan ng huli. "How are you, babe?" anas ko sa malambing na tono matapos makapagsolo sa opisina. "I've been calling you ever since yesterday, where were you?" 'That's one of my pet peeves! A woman who's playing the role of an investigator or an FBI agent.' "I just had my appointment somewhere. By the way, what brought you here?" usisa ko subalit imbis diretsahang sagutin ay umupo ang dalaga sa nakalaang upuan para sa mga bisita. "Nothing. Am I not allowed to visit you?" she smirked. "Of course-- I mean no, though, I have so many things to finalize for the whole week," pagbibigay rason para makahalata ang babaeng walang ganang makipaglandian sa ngayon ngunit 'di man lamang natinag si Alyssa tila hindi nakuha ang nais kong ipunto dahil sukat akalaing tumingin lamang sa suot na relong pambisig saka iniba ang pinag-uusapan. "Aren't you going to take your lunch first? Look, I know a place where you could try the best food in Metro." she has merely excited about the site. "Alyssa, I have so much paperwork right now. Maybe we could do it by next time, honey!" Bahagyang bumakas ang iritasyon sa mukha ng dalaga marahil sa'king pagtanggi subalit hindi pa'rin natinag at talagang ipinagpatuloy ang pangungumbinse. 'Ugh, she's literally getting into my nerves!' "How about shopping? Please just an hour or so?" she pouted which makes her cringe. For a moment, he thought about whether to grant Alyssa's request but realized that the girl might cause more trouble if he did not agree to her wish. "Fine, just one hour!" "Make it two. By the way, are you going to Michael's welcome party for his mom?" "Yeah, of course. How 'bout you?" balik-tanong dito. "They gave me an invitation but I've decided not to attend his party," she arched her one eyebrow. "Oh I see. Anyway, shall we go now?" tanong ko rito saka kumapit ang dalaga sa braso habang inaalalayan palabas ng opisina. Sinadyang ilihis ang usapan tungkol sa darating na pagsasalo sapagkat komplikado ang kinakaharap ng isang miyembro ng HOMIGEN na si Michael, lalo't ang kaibigan ni Alyssa ang may pakana sa kaguluhang naganap sa Cagayan na mayroong kaugnayan sa binata kung saan naging mabigat na dahilan ng maagang pagluwas sa Maynila. Ilang sandaling nagmaneho patungong golden mall hanggang sa makatapak kaagad sa loob subalit hindi pa man nag-iinit ang mga paa sa nilalakaran nang kaagad magturo ang babae. "Oh, I love those designer bags, Troy!" "You want that?" I confirmed then she nodded at me but abruptly changed her mind. "Wait, I think these bags are much better. What do you think babe, which one is slayin'?" 'Do I look like a salesman?' ** KANINA PA PAIKUT-IKOT sa halos lahat ng mamahaling botique rito sa pinakamalaking mall sa makati ngunit hindi mahanap ni isang cocktail dress na pasado sa'king sosyal na panlasa. I have nothing to prove when it comes to my taste as a Xi heiress...like duh? I have decided to attend at Ayala's welcome party hence I badly need a wonderful, slayin' outfit of the year. Although at first, I came up my mind not to entertain any enjoyment because of ghosting incident between me and Troy but it was all hastily vanished because of what we had done inside my room. 'Dapat pala nagpasama na lamang kay Samantha!' Inilibot ang mata sa ilang mga high-end shops hanggang sa mangilan-ngilang tindahan din ang nadaanan nang mayroong mahagip ang mga mata na isang hindi kaaya-ayang eksena sa kabilang bahagi ng mall. 'What is the meaning of this? My future hubby is having an advance mistress? Di hamak na mas bagay kaming dalawa kompara sa butiking kilay na 'yan...like duh? Manigas na kilay niyang iginuhit ni Michael Angelo o Picasso!' Hindi maiwasang sumabog ang puso dahil sa panibughong nararamdaman sa nasasaksihang kahayupan ni Honeyboo kasama ang kanyang kerida de kilay subalit sandaling natigilan at mapanganib na gumuhit ang ngisi sa'king labi sapagkat may naiisip na kapilyahan. 'Mukhang alam ko na kung anong pambayad mo Troy Chua!' I've got my phone inside my louis vuitton clutch and then dialed his precious digit though, I'm still standing at the front of whatever store across their site. 'The taste of that woman is so gross and looking at them makes me become a witch na. Like, duh?' Hindi tinigilan ang kaka-dial hanggang sa magtagumpay na makita ang lalaki sa di kalayuang kinuha sa bulsa ng pantalon ang kanyang phone kaya kaagad kong kinubli ang cute face gamit ang ilang pinamili kanina. Muling sumilip ng bahagya sa eskaparate kung saan tanaw ang dalawang harot at mas nagpuyos ang damdamin nang binulungan ni Troy si Kilay bago lumabas ng naturang tindahan. "Yes, hello?" "H-Hello, Troy?" napaigtad nang sagutin ng binata. The effin Chuaboy! "Nana, why are you calling? Is there any trouble huh?" tanong ng lalaki subalit nag-ipon muna ng multiple oxygen dahil baka maubusan aba'y mahirap na. "Where are you today?" "At the mall. Why?" simpleng saad nito. "I'll gonna ask the payment of your credit--as in, now na!" "Hey, hey, I don't remember anything about the credit you were talking about. Are you having a delusional problem, Jana?" he chuckled over the phone. "Excuse me? For your information Mr. Chua, I am not delusional nor crazy!" singhal sa lalaki. "Then, what the hell are you talking about, Miss Daydreamer?" pambubuska nito. 'Ang sarap nitong hambalusin ng dalag na pinamimili ni Inday!' "You brute who simply lose the game yesterday, remember? Therefore, you need to face your consequences." giit sa binata at halos maglabas ng usok ang magkabilang butas ng ilong dahil sa inis at baka kung hindi nakapagpigil ay naihampas pa rito ang lahat ng pinamiling gamit. "Honey, I've already chose the best bag for me," dinig sa background ang maarteng boses ng babaeng kilay. "Wait, hon!---Jana, let's talk later I'll hang up the phone." "You will pay me or not? Kapag di mo 'ko binayaran hindi ako uuwi sa bahay at tiyak malalagot ka kay Daddy! Ciao, Troy Chua!" pananakot sa binata. "I will go there so stay where you are, okay? f**k!" he hissed. 'Sus, takot karin naman pala kay Don Eduardo my fatherboo!' Lumingon sa kaliwa't kanan si Troy kaya lalong nakaisip nang kalokohan. "Good, I'll just stay behind you." simpleng saad sa binata. "Are you nuts? Where exactly are you? I'm not kidding around, Nana!" napipikong untag ni Troy sa kabilang linya. "I'm deadly serious." Nanatiling nakatalikod si Honeyboo kaya naisapang lumapit sa kinatatayuan ng binata saka matamang binalandra ang lahat ng shopping bags sa pagmumukha nito. "Can you carry all these 'cause I'm a bit exhausted kasi," sulpot ko sa mismong gilid ni Troy. "How did you get here?" with his parted lips. "OMG! Do you have to ask me the obvious? I used my car. Like, duh?" kuntodo irap sa binata saka pinagdiinan sa guwapong mukha ni Troy ang mga panimili rason upang kahit labag sa loob ng lalaki'y padaskol na hinablot ang mga iyon. 'Try to say negative words or else I'll kiss you to shut up!' pipeng pagbabanta sa binata. "I told you that I've already chose some perfect bag, hon'. Try to look at this---" itataas sana ng babaeng kilay ang bag na hawak subalit naestatwa nang makitang nasa tabi ako ni Troy. She approached us wearing an animosity based from her facial expression then the woman arched her one super-thin eyebrows like a skycraper building in Makati. "Ah, eh, Honey, do you still remember, Jana?" nauutal na litanya ni Troy at matamang tumango ang dalaga bago nagmaldita este inunahang batiin ito. "Hi, it's nice to see you again, Ate Alyssa. Small world, isn't it? Ha-ha! " I also smugged the corner of my lips. 'You will never shake me with your maldita looks 'cause I am bratty than you! Like, duh? "Same here. Oh, see you around 'cause Troy and I will be lurking around. Right, Honey?" 'Ilusyunadang froglet! Ginawa mo pang bubuyog si Honeyboo ko?' Panandaliang nakipagmatagisan nang tingin sa babaeng tipid ang kilay subalit imbis magpakabog ay ngumisi lamang kay Alyssa kaya mas nabahiran nang pagkairita ang kanyang ekspresiyon. "I apologize if Kuya Troy will no longer be able to accompany you 'cause he has a huge credit therefore, I've decided that he'll go shopping with me today which will serve as his full payment?" using my sarcasm. Malakas na tumikhim ang binata na kasalukuyang nasa pagitan naming dalawa marahil nararamdaman siguro ni Honeyboo ang namumuong tensyon sa'min ng babae. "Maybe we could shop together? What do you think, ladies? That is a good idea, right?" he uttered. "No!" "No way!" Magkapanabay naming tugon sa suhestyon ng lalaki dahilan upang maunang maglakad ang maarteng dalaga palayo. Samantala, matamang nanatili sa pwesto si Honeyboo subalit nang maramdaman siguro ni bruhang hindi sumusunod si Troy ay doon lamang marahas na lumingon "Hon, let's go!" untag ni Alyssa subalit dumako ang mata ni Troy sa gawi ko. "Remember what I've told you? I'll make it surreal once you step your foot forward with that woman," naningkit ang aking mata sa inis kaya lalong napabaling ang tingin ni Troy subalit maya-maya'y kinalma ang sarili ngunit mapapansin ang seryosong ekspresiyon sa mukha ng binata. "Alyssa, I'm so sorry but I must need to accompany Nana though, you can use my centurion card to buy whatever you want," matigas ang pagkakabigkas ni Honeyboo saka akmang kukunin ng binata ang wallet subalit pinigilan ng babaeng kilay. "No need! I can buy my own stuffs, and the hell with the both of you!" tuluyang nag-walk out ang dalagang mahahalatang galit sa bawat hakbang nito. 'Buti nga sa'yo, feelingerang bulldog! This is the most victorious day of your precious life, Jana Buenventura-Xi. He chose you more than that woman with super-thin eyebrows. Like, duh?' Samantala, sadyang nagdiriwang sa kagalakan ang buong sistema dahil sa nangyari nang mamalayang naunang maglakad si Honeyboo habang bitbit ang aking mga shopping bags. "Hey! Wait for me, Troy!" lakad-takbo ang kinilos upang sabayan ang binata bagamat hindi man lamang lumingon o dili kaya gumanti sa mala abot-bagang na ngiting nakalaan para rito. 'Suplado!' ** ANONG KLASENG BABAE 'TO NI WALANG KAPAGURAN? Halos hindi kami tumigil kakapasok sa mga matipuhang tindahan ng kung anu-anong burloloy. 'Super eccentric humane ability!' Magmula kaninang piliin si Nana kulit para samahan sa pamimili ay hindi na kami natinag sa kakalibot sa kung saan-sang botika ng mga damit. "Could we thwart for a sec?" reklamo sa dalagita. "We shouldn't waste our time 'coz I haven't seen any dress that will quench my trendsetter taste. Please, Troy?" maarteng saad ni Nana. "For god sake, Jana! How many times do we have to saunter around just to search your trendsetter taste? I suggest going to Hongkong or anywhere else instead. Tch!" "Good idea, thus I suggest you should go with me too. How's that?" pilyang ngiti sa binata dahilan upang nais nang itapon ang dalaga sa malayong lugar upang hindi makasira ng araw lalung-lalo na sa mga iniisip ni Nana, kaya sinisisi tuloy ang sarili sa pagbibigay suhestiyon dahil hindi imposibleng patulan ng dalagita ang kalokohang iyon. Hanggang sa naputol ang pagpoprotesta sa isip ng muling magsalita si Jana. 'Ang sarap talagang tapalan ng masking tape sa bibig ang batang 'to!' "O-M-G! I think I've already found what I'm looking for..." eksaheradang saad nito. Nang nasa loob ay kaagad pinakuha sa saleslady ang bestida upang masukat. According to the store owner, it's an Emerald green cocktail dress which was created by the famous styler in London. "Could you wait me here 'coz I'm just going to fit this thingy?" masiglang saad ng dalaga. Hindi kumibo at iniiwasang hindi mahalatang kanina pa naiirita sa mga kalokohang ginagawa ng dalaga. 'I don't understand why every women or ladies are so conscious about their looks, about the make-ups and dresses they have to wear!' It took a minute of waiting when somebody phoned me up. "Lo' buddy, what's up?" "Are we all going to attend Michael's party for his mom?" "Of course, just to support him." sagot ko. "Alright. By the way, are you escorting, Alyssa?" simpleng tanong ng kaibigan. "Nope, she decided not to come..." "I see. I'm just checking on you buddy so I could fix my schedule of activities for the whole f*****g week," anang kausap. "No problem with---" "Troy, what do you think of my dress?" I incidentally hung up my phone and cut off my conversation with Richmond when I saw how Jana looked so dashing in her Emerald cocktail dress. I was merely bedazzled when she turned around in front of me so she could shown-off her outfit. 's**t! What the hell happened to you Chuaboy? Wake up dude she's just a seventeen-year-old crazy lady!' ** "TROY WHAT DO YOU THINK OF MY DRESS?" tanong ko sa binata. "It, it was---uhm, okay?" "As in, okay? Mediocre? Dull? Bland? Wala bang "Ang ganda mo, Nana!" o kaya "You look so gorgeous with your dress or--," natigilan sa kasasalita saka bahagyang naningkit dahil humagalpak ng tawa si Troy marahil sa mga suhestiyon o papuring marapat marinig mula rito. 'Is there something funny?' "Come on, maybe you're just starving to death?" pang-aalaska ni Honeyboo. "Ha-ha! You're so funny! I'm not hungry nor dreaming. Like, duh?" pikang-pika sa binata kung kaya dumaan sa harapan ni Troy saka sinadyang apakan ang paa niyang nakahara sa daan. "Ouch! L-Lagot ka sa'kin, Jana Buenaventura-Xi!" nakangiwi ang mukha ng lalaki habang sapu-sapo ang paang nasaktan. Hindi maiwasang mapalakas ang hiyaw ng kumag kaya mabilis nakakuha nang atensyon sa mga taong naroroon. Good for you conceited man! Pagkapahiya ang nakalarawan sa kanyang ekspresyon subalit hindi nakatakas ang masamang tingin ng binata na parang anumang oras ay mambubuntal, rason upang ipag-krus ang daliri saka itinapat sa gwapong mukha ni Troy bago tuluyang pumasok sa fitting room. 'Cover me Batman from the monster outside this cubicle!' ** NANG MABILI ni Nana ang berdeng bestida'y nag-yayang umuwi rito sapagkat sasabakan ang tambak na papeles na sadyang nabinbin dahil sa kasutilan ng dalagang katabi ngayon sa sasakyan. 'Condolence to your eyebags, Troy Chua!' Napag-alamang kasama pala ni Jana si Mang Kardo rason upang paunahin ang pobreng matanda dahil nagpresentang ako na lamang ang maghahatid kay disastrous girl kapag natapos itong mag-shopping. Habang daan, tahimik lamang na nakamasid ang paslit bagamat halatang hindi mapakali at maya't-mayang sumisipat sa gawi ko animo mayroong nais sabihin o itanong. "Don't look at me that way. You have something to tell?" nakadiretso ang aking mata sa tinatahak na daanan. "Huh? Me? N-Nothing! No, I mean there is?" "What?" naiiritang tanong dito. "Earlier, I heard that you're going to attend a party..." naiilang na panimula ng dalaga. "Eavesdropper is an ill-mannered gesture young lady hence it's none of your business," aroganteng saad dito. Kitang-kita sa gilid ng mata ang awtomatikong paghaba ng nguso nito, hanggang sa napuno nang pabulong na pagrereklamo ang loob ng sasakyan, kaya hindi rin maiwasang matawa sa dalaga dahil sa ilang ulit niyang padaskol na hinablot ang sariling phone sa loob ng bag. Muling nangatwiran si Nana paslit na talagang interesado sa pinag-uusapan namin ng kaibigan. "Funny! Ha-ha! I'm just simply asking you. Like, duh? It will not also be the reason for your death!" habang nakataas ang kilay. "Nope. Baka kung anong kalokohan pa'ng maisip mo para lamang sundan ako o mas malala pa sa iniisip ko bilang guwapong nilalang." pambubuska sa dalaga. "For your information, I've already gotten over with you and besides, I have a huge party to attend next week. Like, hello?" she exaggeratedly glared at me before she turned aside her head to the view outside. 'She's a laughingstock when I feel bored sometimes!' Napalagay ang loob sa mga sinabi ng dalaga ukol sa hindi nito pagsunod sa kasiyahang dadaluhan. Thank goodness! Ilang minutong tinahak ang ilang kanto bago pumasok at huminto sa tapat ng mansyon. "We're here, Nana kulit!" anunsiyo sa babae subalit hindi man lamang kumilos si Nana kaya dumaluhong upang sitahin sana ang dalaga. 'She's sleeping like a goddess?' Pinagmasdang maigi ang kabuuan ng babae habang natutulog hanggang sa makaramdam ng kakaibang init sa nababanaag na kainosentihan. This is literally an unexplainable guts and I wasn't able to name these kind of mind boggling emotions toward Jana Buenaventura-Xi. 'Sana palagi na lamang siyang tulog para mukhang anghel.' Jana is honestly look so vulnerable and sweet when she was sleeping though, that's the craziest thought about this particular terrestrial being. Muntik matawa sa mga naglalaro sa isip patungkol sa dalagang katabi subalit naestatwa ako'ng bahagya nang kumilos si kulit bago unti-unting dumilat ang kaniyang chinitang mata. "Where are we?" she batted her long eyelashes. "I've been waking you up a thousand times, Nana. Tutuluan mo pa yata ng nakakadiring laway mo 'tong kapapalit lamang na seat-cover ko," pagsusuplado sa dalaga. "Woah! You conceited jerk!" using mean words but instead of rebutting too I just heartily laughed at Jana Buenaventura-Xi kulit bulilit. Sa pagkapikon ay nagmamadaling lumabas si Nana sa sasakyang pagmamay-ari ko, saka binalibag ang pinto at walang lingong-likod na dumiretso papasok sa loob ng mansiyon. 'Keep it up, Chuaboy!'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD