NAGLULUKSA ANG PUSO nang dahil sa narinig na usapan kaninang umaga. Eavesdropper like me should be killed because this is definitely a monday mourning.
"Best!" muntik masubsob dahil sa eksaheradang pagbati ng aking bruhang kaibigan.
"Hey, what happened? You seemed sad?" tanong ni Samantha.
"I'm not in the mood, Sammy." I took a deep sigh.
"Woah! Nana, ikaw ba 'yan? Teka, baka nasasaniban ka, best? Ilabas mo si Jana sa katawang lupa ng babaeng 'to!" she laid her hand on my shoulder but I just glared at her before I sat on my chair.
'Psh, bad trip!'
Kasalukuyang nasa loob ng classroom ngunit wala pang mga dumarating na professors kaya't malayang mag-ingay o gumala ang halos karamihan sa kamag-aral. Buong akala'y titigilan ni Sammy dahil sa ipinakitang kawalang gana subalit imbis ay umupo nang nakaharap sa'kin.
"I don't understand why are you acting strange today. Like, duh? I'm asking you Jana like, hello?" umirap ang kaibigan.
"Basta!"
"Hindi bagay sa'yo, Nana! Maganda ka, girl?" she folded her arms across the chest.
"Fine, Dad. Left me for a week because of some business matters." anas ko saka ngumuso sa kaibigan sapagkat hindi maiwasang malungkot.
"Hey, that's business and it's for your own sake. Like, hello?" she glared.
"Who told you that it's my concern? Sanay ako kay Daddy'ng palaging nasa ibang bansa." nagtataka sa mga sinabi ng kaibigan.
"What do you mean?" she frowned.
"Gosh! It's all about, Honeyboo. Ibinilin ako ni Daddy kay Troy ngunit ang magaling na lalaking 'yon ay pumunta ng CDO kasama ang babaeng masterpiece ang kilay. Like, duh?" I pouted.
Kulang ang asin dahil sa paglulupasay na parang bulate sa hindi mapigilang sakit sa damdamin ngunit imbis na maawa ang babae'y hinatak lamang ang ilang hibla ng aking buhok.
"Ouch, Sammy!" todo irap sa ginawa nito saka sinapo ang ulong nakatikim ng reward sa kaibigan.
"You're crazy, brat. Ang buong akala ko nag-aalala ka dahil sa Daddy mo!" kuntodo simangot ang kaibigan.
"But didn't you hear me? Troy was with that Alyssa Calderon!"
"I'm not deaf, so what?" she shrugged off.
"Bahala ka nga riyan, basta sa'kin big deal 'yon!"
Maya-maya'y nagpasiyang manahimik dahil sa kawalang interes ng kausap sa'king mga paghihimutok ukol sa lalaking napupusuan kaya walang inatupag kundi isipin ang kanilang mga ginagawa sa CDO, tila nahinto ang mundo dahil ni ayokong makipagkulitan o makipag-chikahan sa matalik na kaibigan. 'I'm totally grieving 'coz of Troy Chua's affair with his new girl who has an extremely thin-eyebrows. Like, duh? Saan kaya sa Cagayan De Oro? What if I ask Lyndon Santiago? Hindi kayo close kaya 'wag kang assumera, Nana!'
Malaki ang kumpiyansang maiiwas ang lalaki sa naturang babae ngunit nagkamali lamang pala ng akala dahil magkasama ang dalawa sa iisang bakasyon. 'Mababaliw na yata ako! This is absolutely unacceptable!' Hindi mapigilang matulala sa kisame't bilangin ang mga alikabok sa silid-paaralan habang walang tigil kalilitaniya si Ms. Linares sa mga itinuturo niya.
**
NAHAMPAS NANG NAPAKALAKAS ang mesang nasa tanggapan sapagkat hindi mapigilan ang galit sa mga kapalpakang nalaman sa mga executives at ilang pinagkakatiwalaang empleyadong kaharap.
"What the f**k is happening with you, guys? This project is no brainer!" singhal sa mga ito dahil sa init ng ulo kaya bakas ang mga nahihintakutang reaksyon ng mga taong nasa loob ng conference meeting.
"No one will f*****g answer me, huh? How come you've lost this huge project? I already gave you the full spoon-fed details that you would going to show up the day before the actual bidding!" halos pangapusan ng hininga sa salitang binitiwan sa mga taong naroroon.
"S-Sir, the competitor gave them a lot of perks compared to ours thus during and after the bidding session." pagpapaliwanag ng isang executive.
"Is that a valid reason, huh? Why don't you get through this!" singhal sa empleyado dahilan upang mas umigting ang galit sa rasong puwedeng mabigyan ng solusyon ang problema kaya't nagpasyang tumahimik na lamang ang lahat dahil sa klase ng tono nang pakikipag-usap sa mga ito.
"Hindi ninyo alam na maaring ikabagsak ito ng kompanya? We've just lost a filthy of bucks just to pursue this f*****g project!"
Panlulumo ang aking nadarama dahil sa mga problemang kinakaharap ng kompanyang ipinamana ng namayapang ama. My father built the Chua Imperial Incorporated for almost three decades. It rooted upon his efforts and sweat then it would possibly vanished because of this f*****g project? 'I'm totally blown away!' Ilang minutong katahimikan ang namayani sa loob bago nasabi ang mga salitang bumikig sa'king lalamunan.
"The meeting adjourned"
"We're very sorry, Sir Chua" hinging-paumanhin ng team leader.
Maya-maya'y isa-isang nagsitayuan ang aking mga kasamahan hanggang sa ako na lamang ang natira sa napakalawak na conference room; kagyat napahawak sa sentido dahil sa bahagyang pagkirot nito ngunit kapagkadaka'y mahihinang katok ang narinig mula sa pinto.
"Come in!"
Marahang tinulak ang dahon ng pintuan saka bumungad ang sekretarya.
"Sir, Mr. Xi wants to talk to you. He's in the lobby,"
"Tell him that I'll be ready in ten minutes. Just make himself comfy in my private office."
"Yes, Sir. This is noted." anang dalaga.
Ilang sandaling nakatanga sa kawalan bago kumilos upang maisaayos ang mga dokumentong nakakalat nang sandaling mahinto dahil sa nabuong plano sa isip. 's**t! Chuaboy, you're really a f*****g brilliant man!' Matapos ang lahat ng mga dapat gawi'y dali-daling tumungo sa pribadong opisina upang estimahin ang matanda, di katagalan ay tumunog ang intercom hudyat na nasa labas na'ng panauhin.
"Allaine inform Mr. Xi to get inside here," saad sa dalaga saka ibinaba ang cordless phone at umupo nang maayos sa swivel chair. Walang ilang minuto ng bumukas ang pinto't bumungad ang masayang mukha ng matandang lalaki.
"Good day, hijo!" bungad nito.
"Tito, I'm happy to see you. Come on have a seat." paanyaya sa ginoong maupo sa isa sa mga komportableng upuan sa harap. Ilang sandali'y walang ligoy na sinabi ng matanda ang pakay, samantala pinag-iisipan ko kung paano ipaparating dito ang aking mga balak.
"As I was saying earlier over the phone, I'll be going to america, hijo." anas nito subalit bahagyang nag-alinlangan sa mga susunod na sasabihin.
"I remember that you told me about it, Tito,"
"And, I wasn't expecting that it will gonna be for a long time." dagdag ng ginoo.
"For how long?"
"Almost a couple of weeks," saad ni Mr. Xi.
"Crap! It took you forever, Tito--- but how's your business here?" I asked him but the old man cleared his throat before he spoke.
"That's why I'm here and ask you a lil' favor, hijo"
'Kahit hindi ipunto ng matanda ang gustong sabihin ay isang maliwanag na katotohanang wala itong mapag-iiwanan ng negosyo kundi ikaw Chuaboy at sa pagkakataong ito'y naunahan ka na naman. Tss!'
"S-sure, what is it, Tito?"
"It's been a year that we've been together as an alliance with some businesses that's why I put my trust in you to manage my empire for a while," he said.
'Gotcha!'
"No prob--"
"And my daughter-- as well?" he awkwardly asserted.
Napadiretso nang upo dahil sa huling pabor na narinig mula sa kausap. 'Am I heard it right? Is it daughter or disaster? Mukhang ako naman ang nag-alinlangan sa responsibilidad at pabor na hinihingi ng matanda. You have to be professional 'coz you need Mr. Xi for the sake of your beloved company. Remember?'
Iyan ang malinaw na idinidikta ng utak ngunit sandaling naputol nang mabilisang dugtungan ng matanda ang sinasabi ukol sa nag-iisang anak.
"I-I know it's too much to ask, hijo. Lalo kung si Nana ang pag-uusapan, I'm very much aware with her naughty acts towards you" malinaw na saad ng ginoo habang nakalarawan dito ang pagpipigil matawa dahil sa mga kalokohang kinasangkutan ni Jana.
"Pasensya ka na sa anak ko, hijo. Mabait naman talaga si Nana. She is soft-hearted but sometimes misunderstood by others because of being stubborn. Well, she got those traits with her lovely mother." anito kapagkadaka'y kagyat nabahiran nang lungkot ang mukha ni Don Eduardo ngunit muling nagsalita habang nakatingin sa malayo.
"Nana is the only memory of my late wife, hence I will give everything into my little lady just to make her whole, though sometimes I ask myself if I'm doing it right but I guess, that's the only thing would father do to make his daughter completely happy. Kapag nakilala mo ang totoong siya? She's not only the bratty Nana, yet a girl having a big heart and also having a priceless smile. She looks tough with her facade but deep inside --- a vulnerable one." malumanay na saad ng ginoo saka sinabayan ng malungkot na ngiti kapagkadaka'y matamang bumalik ang tingin sa'kin subalit sa lahat nang sinabi ng matanda'y iisa lamang ang napagtanto, iyon ay ang mahal na mahal nito ang kanyang pilyang anak.
"Can you do it for me, Troy? I know that it is too much to ask, but you're the only person I trust," seryosong saad ng matandang lalaki.
"Uhm well, Tito kasi-----" nag-aalinlangang paliwanag sa pabor nito.
"By the way, I've heard that your team lost the bidding?" putol ng matanda sa nais sanang i-sagot dahilan upang lalong makadama ng kaba sa nabalitaan ni Don Eduardo.
Isang napakalaking kasiraan ito para sa mga investor na posibleng mag-pullout ng share kapag nalaman ang tagilid na kalagayan ng kompanya, at isa ang ama ni Nana sa mga major stockholder ng Chua Imperial Incorporated. Oh please stop this f*****g show-off!
"Y-yes Tito, but you don't have to worry about it 'coz I-i'm working on it"
"Montenegro seemed fortunate for snatching the project!" pilyong ngiti ang namutawi sa labi ng ginoo.
'GOT IT CLEAR! Mukhang alam ko na kung saan nagmana ang anak!'
Sa klase ng ngiti ni Don Eduardo'y walang naiisip na dahilan o bagay na maaring makatulong kundi ang matandang lalaki lamang, tila sa mga napag-usapan naming dalawa ang siyang naging pinakamatibay na daan upang mapapayag sa pabor na hinihingi nito, kapalit nang pagtulong sa Chua Imperial para makabawi sa halagang naitalo laban sa Montenegro Inc,. Montenegro Clan, are known for having a huge credit of honor in the Xi Family therefore, it's easy for the old man to return all the loss profits in just one snap of his finger.
*
KASALUKUYANG NAKASANDAL sa hamba ng pintuan habang nag-iisip nang malalim ukol sa binata. Ano kayang ginagawa ni Honeyboo ngayon? Ilang araw na'rin ang nakalilipas mula ng malaman ang pag-alis ni Troy kasama ang babaeng tag-tipid ang kilay, rason upang hindi maibalik ang sigla sa'king mga kilos. Halos marami na'rin sa mga kakilalang nakahahalata sa kakaibang awra lalung-lalo ang ilang mga taong malalapit sa'kin.
This is my first time making tuliro up to the highest level. It was all his fault thus I called these epochs as my blank days. And it only means, blangko ang utak! blangko ang puso! at higit sa lahat? My feelings are empty and it hurts like hell...like duh? Maging ang matalik na kaibigang si Sammy ay hindi nakakasama sa mga lakad, dahil sa pagmumukmok o paranoid moments kung saan nahuhulog sa malalim na pag-iisip kung anong ginagawa ng dalawang hitad sa Cagayan De Oro.
"Heto ako... basang-basa sa ulan walang masisilongan, walang malalapitan. Baka may luha pa akong mailoloha at nang maranasan ang aking kalongkotan!" makulot na birit ng aming kasambahay mula sa lavatory area.
"Inday!!!!!" sigaw ko rito.
"Po, senyoreta?" sagot ng babae.
"Will you please turn off your radio? I need some sort of serenity! Like duh, Yaya!" I rolled my eyeballs.
Mabilis sinunod ni Inday ang utos kaya nawala ang pumapailanlang na kantang nanggagaling sa loob ng lavatory kung saan malapit sa kinapupuwestuhan. Naisip din ang eksena kaninang umaga dahil parang may ka-conference meeting sa amang nakaantabay sa facetime. Panay ang bilin ng kung anu-ano kina Manang Cely sapagkat matatagalan daw siya sa USA kung kaya mas nakadama ng lungkot at pangungulila sa isiping hindi rin makakasama ang pinakamamahal na ama. Idagdag pa ang pinagsama-samang selos, bad vibes, tampo at badtrip periodt.
Bakit kasi kailangan isama si Alyssa Calderon? Pwede namang ako dahil unang-una, kaya kong mag-behave, saka bakit ni hindi niya sinabing aalis siya? Kunsabagay Nana, bakit naman magpapaalam sa'yo si Honeyboo, kung alam niyang makakagulo ka lamang?
Maya-maya'y lalong sumikip ang dibdib sa emosyong pumupuno sa'king murang puso.
"There was nothing to say the day she left, Yeah! I hailed a taxi in the rain, looking for ---------"
'Oh gosh, Inday! I told you not to create any annoying R&B tunes!'
Napasiyahang umalis na lamang sa kinasasandalan dahil sa pagkabugnot sa naturang helper, rason upang bumalik sa kuwarto para walang istorbo ngunit nang makarating sa staircase ay padabog ang pagpanhik subalit natigilan kapagkadaka, sapagkat narinig ang sunud-sunod na busina sa labas kung saan sinabayan nang pagbukas ng malaking gate. Is it my Daddyboo? But that's impossible henceforth, I directly went into the living room and just pretended that I would gaze through the view outside until I saw a red convertible car. 'Shocks, who the hell?'
Maya-maya'y narinig ang pagtunog ng doorbell sa maindoor kung kaya dali-daling kumaripas nang takbo patungo sa sariling kwarto. I ran as hastily as I could and I slammed the door then immediately lay down on the matress. Ang lakas nang kabog ng puso ko subalit hindi maintindihan kung bakit? Ilang sandaling naestatwa at nakiramdam hanggang sa hindi namalayang dinalaw ng antok, ngunit napabalikwas nang gising ng marinig ang pagtawag ng kasambahay at dahil sa bigat ng katawa'y hindi magawang daluhan si Inday sa labas.
"Senoreta! Senoreta!"
"Yes, Inday?" angil ko.
"Senoreta!" she kept on tapping the closed door.
"Ba-ha-la ka! I'm so sleepy pa nga Inday. Like, duh?" I thoroughly said but she stood still and didn't thwart on banging the leaf of my door. Di katagala'y sinubsob ang mukha sa malambot na unan kasabay nang pagtalukbong ng comforter sa kabuuang katawan habang ang puwesto ay nakatuwad, tipong ganoon ang posisyon nang marahil ay mabungaran ni Inday ngunit wala sa ulirat upang mapansin ang kahit sino dahil masyadong maraming gumugulo sa utak upang idagdag pa ang pangungulit nito. 'OMG!'
Naramdaman ang kamay nitong dahan-dahang hinihila ang aking isang paa.
"Inday, what are you doing ba? I'm so sleepy kaya 'wag mo kong hilahin?!" pagmamaktol dito ngunit patuloy pa'rin ang babae sa ginagawang paghila kaya sa pagkairita'y tumili'ng pagkalakas-lakas, 'yong tipong makabasag pinggan!
"Ahh!"
"Stop it!"
"Ahh!"
"I said stop it!" anito
"Ahh! Ump!" piping impit.
Marahas nitong tinakpan ang bibig ngunit pamilyar na men's cologne ang sumigid sa'king mapanuring ilong. Maya-maya'y napansin sigurong hindi na kumikilos saka lamang dahan-dahang inialis ang pagkakatakip. Sa pagkakataong iyon ay marahas na lumingon sa nagmamay-ari ng kamay upang talakan ng bongga. Sana?
"Anong----"
'Oh, my gracious!'
"T-Troy?"
"Who else?" he arched the corner of his lips.
"W-what are you doing here?"
"Do I have to elaborate, princess? kanina ka pa tinatawag ng helper ninyo pero hindi ka man lamang sumasagot? You have to eat in proper time," nakapaskil sa labi ng binata ang nakakalokong ngisi.
Ba't siya ganyan? Pagkatapos mong pasamain ang loob ko? Ngayon mang-aasar ka?
"No need. And please, just leave me alone 'cause I'm not hungry" untag sa binata.
"Woah! Hey, don't shout at me, Jana! I'm not even your helper!" reklamo nito.
"That's exactly my point! You don't have any business here," pagsusuplada sa lalaki rason upang matigilan dahil sa tema ng
pananalita ngunit kagyat nakabawi ang binata.
"Honestly, I don't care but sorry to tell you this -your father left you as my responsibility while he's not around so if I were you?----
Behave!"
"You don't have to follow him and besides, it's okay that I'm alone. Just do whatever you want!" pagsusungit ko rito.
"Huwag matigas ang ulo Nana! Sa ayaw at sa gusto mo, kakain ka!"
"I said NO! N and O. Will you please leave me alone?" sabi ko rito.
"Is that how you act as a grown-up lady? Psh! You look like a five-year-old tyke trapped in the body of a seventeen-year-old lady!"
"Oh, thanks for the compliment tho'!" saad ko saka tinaklob ang unan sabay hila sa comforter upang takpan ang aking mukhang halos mapuno ng luha at uhog dahil sa kakaiyak. 'OMG! I can't breathe? Why am I hurt?'
Hindi magawang pigilan ang pagdaloy ng luha sa'king mga mata hanggang sa marinig ang pabalibag na pagsara ng pinto. 'Grabe ka talaga Troy Chua ni hindi mo man lamang ako sinuyo? I hate you and I don't love you anymore! I hate you so much!'
Nang biglang maalala ang nakaw na halik na iginawad rito noong nakaraang araw ay biglang napadilat saka mabilisang tinanggal ang unan.
"Lord, binabawi ko na po lahat ng sinabi ko kanina. I'm just kidding around 'coz I'm still in love with him. Like duh?" I sighed then abruptly heard the grumbling sound of my paunch.
Di kalaunan ay napahawak sa kumakalam na tiyan saka naalalang hindi pa nalalamnan ng pagkain ang kabuuang sistema magmula kanina ngunit dahil sa pride ay nagdadalawang isip bumaba. Ano kung kakain ka, Nana? Baka nga umuwi na si Honeyboo dahil hindi ka mapilit kumain? Halos hindi na matiis ang gutom kung kaya dahan-dahang bumaba upang tumungo sa kumedor subalit nang mabungaran ang mga nakahandang pagkai'y napalunok nang marahas tila natakam ng sobra. 'Wow, it all taste good for sure!'
Maya-maya' y madaliang umupo at sumubo ng gazillion yung tipong halos mabulunan sa daming pagkaing nakapasak sa bibig.
"Hindi ka nga gutom."
'I can't breathe!'
Halos lahat yata ng pagkain ay nalunok dahil sa sobrang pagkagulat kung kaya ramdam ko ang matinding pamumula ng buong mukha hanggang sa mabilisang sumenyas ng tubig sapagkat bahagyang nabulunan. 'It feels like I'm going to die right now as in!'
Dumaluhong ang lalaki para abutan ako ng tubig hanggang sa maya-maya'y nakaramdam ng kakaibang klaseng ginhawa sa bahaging likod. 'OMG! I'm gonna die of killing 'coz he touches my back. Like duh?'
"Are you alright?" tanong ng lalaki.
I just nod.
"Bakit kasi hindi ka kumain ng maayos? Niyayaya ka kanina nag-iinarte ka pa? You weren't a princess and I'm not your father either." sarkastiko ang pagkakasabi nito.
"Edi sana hindi mo na lamang ako tinulungan! Salamat, ha? Tatanawin kong utang na loob sa'yo pagliligtas mo! Tss, arrogant brute!" singhal ko kapagkadaka'y matamang tumayo saka iniwang nagdadabog ang lalaki habang tuluy-tuloy ang mga nagbabadyang luha sa'king precious tear duct. 'Certified ungentleman!'
Nang makabalik sa kuwarto ay kaagad nagmukmok at humiga habang nakataklob ang unan saka humagulgol to the max, tipong ngawang baka ang kinalabasan. 'Bakit ba napakasama mo Troy? He's not worthy of your attention, Jana!'
Maya-maya'y unti-unting bumigat ang talukap ng mata hanggang sa makatulog na lamang sa ganoong puwesto ngunit ilang minuto ang nakalipas ng maalimpungatan sa tunog nang bumukas na pinto kaya mas lalong iniayos ang pagkakataklob ng unan subalit kalaunan ay marahang lumundo ang gilid ng kama tanda na mayroong umupo rito .
"A-are you still mad at me?" malambing ang kanyang tono.
'Your punishment would be a silent treatment!'
"Hey, Jana? Little baby?" Troy's trying to control his chuckle while trying to remove the pillow.
"C'mon, I'm sorry if I did something wrong. Hey Jana, I'm so sorry, please?" bulong ng binata na tila nanlalambing. 'Siguro mga kaunting pilit pa bibigay na!'
"Nana, let's eat together, please? Ikaw naman kasi napakapilyang bata." untag ni Troy.
'What the heck! I'm not a f*****g child!'
"Sinabi nang---"
Naputol ang dapat sana'y sasabihin nang biglaang lumingon dahilan upang hindi sinasadyang maglapat ang aming mga labi na halos magpatalon sa'king batang puso. Sa pagkakataong iyon ay walang nagawa kundi pumikit at damhin ang pag-inog ng sariling mundo. Halos maramdaman ang dahan-dahang pagsaliksik ng binata sa'king mga labi ngunit sa isang iglap ay natauhan ang lalaki't marahas niyang inilayo ang sarili saka mabilisang tumayo ngunit mahahalatang umiiwas ang mga mata.
"I-I'll wait for you downstairs and fix yourself, Nana." seryoso ang tono ni Troy.
"Y-yes."
Samantala, nakakabasag na katahimikan ang pumuno sa buong kuwarto nang lumabas ang binata habang hindi mapakali't ilang minuto ring hindi nakahuma sa nangyari dahil sa...
'Oh my god! Did he kiss me?'
Piping-tili ang naging reaksyon upang hindi mahalata ang pamumula ng buong mukha. I also touched my ledges then screamed out my high-intensity of kilig. 'Di katagala'y nagmamadaling tumayo at humarap sa salamin saka iniayos ang buhok gamit ang daliri pagkatapos ay masiglang lumabas ng kuwarto.
'Did he just kiss me?'