Kabanata 1
Life's Quotes
Posted 13 minutes ago
“Ngumiti kahit may problema.”
Napatigil ako sa pag scroll sa facebok ng may dumaang isang post.
I envy those people who can still smile despite having a problem in life. Paano kaya nila nagagawa iyon? Paano nila nagagawang maging positibo sa kanilang pang araw-araw kung malaki ang dalahin nila sa kanilang buhay. Paano?
Dahil kung sa aking kalagayan. Hindi na madadaan ng ngiti ang mga problema ko sa buhay, dahil hindi ni isang ngiti ay hindi na mababago nito ang kapalaran namin. Kahit gusto kong takasan ang lahat at mag tago, alam kong walang magagawa ito. Dahil alam ko na kahit anong gawin namin, ay matatagpuan at matatagpuan pa rin kami ng mga Hidalgo.
Hindi ko namalayan na ilang oras na pala akong naka titig lamang sa bubong namin na butas-butas na at ilang taon nang hindi napapaayos. May mga ilang hibla pang liwanag ng buwan ang sumisilip dito na wari mo'y nakikibahagi sa lumbay na aking nadarama.
Kanina ko pa sinusubukan na matulog ngunit kahit anong gawin kong pikit ay hindi ako magawang dalawin ng antok.
Nagdesisyon ako na tumayo at pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Nadaan ko pa ang kwarto nila Mama at Papa na nakabukas. Hindi ko maiwasang silipin sila.
Mahimbing ang kanilang tulog. Magkayapos. Tila ayaw humiwalay sa isa't isa. Napangiti ako sa aking nakikita.
“Salamat… salamat sa lahat nay tay… pangako gagawin ko ang lahat malagpasan lang natin ang problema natin.” Bulong ko habang nasa pintuan, nakamasid sa aking mga magulang.
Ng makuntento. Dumiretso na ako sa kusina at uminom ng tubig bago bumalik muli sa aking kwarto at sinubukan matulog.
Magiging maayos din ang lahat.
–
Kasabay ng pag sikat ng araw ay ang mga tilaok ng manok. Maaga akong nagising. Hindi ko lubos akalain na makakatulog ako, gayong hirap na hirap akong matulog kagabi.
Kinusot kusot ko ang mga inaantok ko pang mga mata bago bumangon sa banig na higaan. Binuksan ko ang bintang ng aking silid at panandalian pinagmasdan ang kabuuan ng bukirin. Natatanaw sa aking silid ang sakahan ng aking ama. Malawak ito at punong-puno ng kulay gintong mga palay.
“Ikaw ang nag bigay sa amin ng pagkain at tumustos sa problema… ikaw rin pala ang magbibigay ng problema sa amin.” Pagkausap ko sa lupang taniman ng aming pamilya.
I sighed.
Itinali ko ang maitim at mahabang buhok ko bago lumabas sa kusina. Doon ay naabutan ko si Nanay at Tatay. Nakaupo at tila may pinag-uusapan.
“Good morning. Nay, Tay.” Bati ko sa dalawa.
Agad naman silang napatigil sa kanilang pinag-uusapan.
“Magandang umaga, anak. Umupo ka muna dito.” Anyaya ni Nanay Fhe.
Ipinaghila niya ako ng isang bangko. Pinaglagay na rin niya ako ng pinggan sa aking harap.
“Saglit at ipagkakanaw kita ng kape.”
“Salamat po, Nay.” Usal ko bago sumandok ng kanin at kumuha ng itlog.
Nabaling ang atensyon ko kay Tatay Pert na ngayon ay nakatingin sa akin at tila malalim ang iniisip.
“Tay. Baka naman matunaw na ako niyan. Ano na naman po ang iniisip niyo?” I let out a laugh.
“Wala anak…” bumuntong hininga siya. “Naaawa lamang ako sa iyo… na nararanasan mo ang mga problemang ganito, gayong wala ka namang alam dito.”
My heart aches from his statement. Ibinaba ko ang mga kubyertos na hawak ko at inalo ang likod ng Itay.
“Tay, diba sabi ko naman sayo? Pamilya tayo dito, ang problema ng isa, problema ng lahat. Ang solusyon ng isa maaring maging solusyon ng lahat. Kaya wag niyo na pong isipin iyon. Bubuti rin ang lagay natin.” Pagpapalubag loob ko sa kanya.
Tumango lamang si Itay. Sakto namang dumating ang Inay dala ang bagong kanaw na kape. Umupo siya sa tabi ko at nagsasalo salo kami sa pagkain.
“Anak. Nakahanap ka na ba ng trabaho?” Biglang tanong ni Inay.
Napatigil ako sa pagkain. I bit my lower lip. Thinking what to say.
Napabuntong hininga ako. “Wala pa po eh, nay. Ang ibang kumpanya ay wala raw hong bakante. Pero mag hahanap po ulit ako ngayong araw. Baka sakaling matanggap ako.”
Nginitian ako ni Inay. Hinawakan niya ang kamay ko sa ilalim ng mesa.
“Anak… wag mo masyadong i-pressure ang sarili mo ha? Alam mo namang kahit anong mangyari ay proud kami sa iyo ng Itay mo.” She uttered while caressing my hands.
“Totoo iyan anak. Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa amin. Proud kami palagi sa iyo.”
I smiled at them. Sila nalang talaga ang tanging lakas ko. Ang tanging rason kung kahit gaano kabigat ang aming pinagdadaanan ay nakukuha ko pa rin lumaban.
Ipinagpatuloy namin ang pagkain. Ng matapos ay ako na ang naghugas ng pinagkainan. Si tatay naman ay lumabas na para asikasuhin ang taniman, habang si Nanay naman ay nagtungo na sa likod bahay para mag laba ng mga damit.
Pagkatapos ko mag u***g ay agad naman akong pumunta sa aking silid at inihanda ang mga papeles at mga gamit na kakailanganin patungo sa bayan. Ngayong araw ay susubukan ko muling mag hanap ng trabaho. Ipinagdarasal ko na sana ay palarin ako.
Para sa aking pamilya.
Matapos maihanda ang aking mga dadalhin ay agad ko namang kinuha ang aking tuwalya at dumiretso sa banyo. Madaliang ligo lamang ang aking ginawa dahil mahalaga ang bawat oras.
Kasalukuyan akong nakaharap sa isang salamin ngayon. Kitang kita ngayon ang aking mukha at itsura. Ang mapupungay na kulay brown na mga mata. Ang mapulang labi. Ang matangos na ilong. Namumulang mga pisngi. At hindi gaanong kabilog na mukha ang nakatambad sa akin.
I smiled. Hindi ko ikakaila na nabiyayaan ako ng magandang itsura. Hindi na ako magtataka dahil noong makita ko ang litrato ng mga magulang ko noong kabataan ay talaga namang may pinagmanahan.
Minsan nga ay lagi akong pinipilit ng ilang mga kapitbahay namin na sumali sa isang beauty pageant. Ngunit wala naman akong interes sa ganoong mga bagay. Bagama't may mga premyo, ay hindi naman ako ganoon ka confident pa kahit na may itsura. Isa pa ay gagastos ka pa sa mga isusuot at mag aayos sa iyo. Kaya bakit pa ako sasali? Problemado na nga ako sasali pa sa ganoong mga bagay.
Sinuklay ko ang mahaba at itim na straight ko na buhok at itinali ito ng matuyo. Naglagay ako ng kaunting powder sa aking mukha. Nag lagay rin ako ng kaunting rose pink na lipstick para kahit papaano ay hindi ako mukhang maputla.
Ng matapos ako pag aayos ay muli kong tinignan ang sarili sa salamin. Napagdesisyunan ko na mag suot nalamang ng isang blue fitted jeans at tinernohan ng blue long sleeve blouse na paborito ko dahil regalo sa akin ng Itay. Nag sandals nalang din ako dahil nasira na ang sapatos ko dahil sa mga naunang lakad ko sa pag hahanap ng trabaho.
I was ready to go handa na ang lahat ng aking dadalhin. When suddenly. My phone beeped.
Agad ko naman itong kinuha sa aking bulsa at tinignan kung sino ang nag mensahe.
From: Unknown Number
Your family still have 12 days to pay for the debt, Miss Constancia. I'm expecting that I don't have to introduce myself again right? I know you already know who I am.
Gumapang ang kaba sa aking buong sistema ng mabasa ang mensahe. Malakas ang kabog ng aking dibdib at nanginginig na naman ang aking mga kamay.
It was the guy who called me last night! Saan niya ba nakuha ang aking number! At bakit niya ba ginagawa ang mga to! Napaka hayop!
Agad ko na naiblock ang numero na tumawag at nag text sa akin.
Huminga ako ng malalim bago lumabas ng bahay at nag paalam kay Nanay.
Ngunit bago pa ako makaalis ay kinutuban ako. Mas maigi nang safe sila Inay at Itay. Makapangyarihan ang mga Hidalgo at kaya nilang gawin kung ano man ang gusto nilang gawin.
“Nay. Kahit anong mangyari, wag na wag kayong mag entertain ng kahit sino mang tao na hindi niyo kilala ha?” Paalala ko kay Nanay.
Kahit na nalilito ay sumang-ayon lamang ang Nanay. Hindi ko sinabi ang rason kung bakit ko nasabi ang bagay na iyon, ngunit mas maigi na ang nakakasiguro.