Kabanata 1 • Hindi na muli

2094 Words
Nag dinner lang kami ni Vest sa Top at agad na rin kaming umalis. He asked me to go out. “Mukhang tama ang hinala nating may madidiligan ngayong gabi.” Nagpigil agad ako ng tawa pagkatapos kong mabasa ang mensahe ni Elyn sa group chat namin. Lulan ako ng sasakyan ni Silvestre at hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. I trust him naman since magkakilala naman kami no'ng college. And to think na hindi lang kami basta magkakilala lang. We are more than just friends. But less than a lovers. Mga nasa parteng gitna. “Ang bilis mo naman yatang sumama, Eli? Seryoso kang magpapadilig ka talaga sa lalaking just now mo lang nakilala?” mensahe rin ni Shane. “Hindi siya just now. Magkakilala na kami dati pa. Blockmate ko siya no'ng college,” reply ko sa kanila. “Blockmate lang?” si Tinay. “Sekretong malupit,” agaran kong reply ulit. “Ay! May tinatago! Hindi 'yan blockmate lang. Baka naman mate lang?” si Tinay. “Saan daw punta niyo?” tanong ni Elyn. “Hindi ko alam. Sige na, kwentuhan ko na lang ulit kayo bukas,” huling reply ko bago ko pinatay ang cellphone ko. Naramdaman ko kasi ang paghinto ng sasakyan ni Silvestre. Nag angat ako ng tingin at nakitang nasa tabing dagat na kami. “M-maliligo tayo?” agad kong tanong. Humalakhak siya imbis na sagutin ako. “No. We're not, Lish. Tatambay lang.” Kinagat ko ang labi ko kasabay ng marahan kong pagtango. Bakit dito? Tatambay na nga lang sa maginaw na lugar pa. Bumaba siya ng sasakyan kaya gano'n din ang ginawa ko. Hindi na ako naghintay pa na pagbuksan niya ng pinto since mukhang hindi niya gagawin. Nagdiretso siya sa likurang bahagi ng sasakyan niya at agad niyang ibinaba ang tail gate ng pick up niya. Yakap yakap ko ang sarili ko nang sundan ko siya. Naupo siya roon kaya ginaya ko siya. Itinukod niya ang mga kamay niya sa likuran at saka siya tumingala sa kalangitang napupuno ng bituin. Mukhang hindi uulan ngayon dahil sa dami ng mga kumikislap na bituin. Napatitig ako sa mukha niyang sa tinagal-tagal na panahon ay nakita kong muli. Dati na siyang gwapo no'ng college pa lang kami. Isa siya sa pinakagwapong nilalang sa paaralan namin. “Ang laki ng ipinagbago mo,” sabi ko habang wala pa ring hiya-hiyang nakatitig sa mukha niya. “I know I looked more manly and hotter, Elisha. You don't have to be rude by staring.” His baritone tells me how he changed a lot. Nagbago ang boses niya at ang paraan niya ng pagsasalita. Parang bagay sa mga boss ng malalaking kompanya ang peg. Nilingon niya ako at nagdiretso ang tingin niya sa balikat ko. Napatingin din tuloy ako doon. Tumikhim siya pagkatapos ay hinubad ang suot niyang coat saka niya 'yon iniyakap sa akin. “I just can't believe it. Pinagtagpo ulit tayo ng tadhana,” sabi ko. Tipid siyang ngumisi. “Coincidence lang.” “What if not?” Kunot noo siyang lumingon sa akin. “What are you trying to say?” “What if may dahilan kaya tayo nagkita ulit?” malawak ang pagkakangiting sabi ko. Tunog excited ako at hindi ko 'yon magawang itago mula sa kanya. Umismid siya. “Hindi naman masyadong malaki ang Pilipinas. Normal lang naman yata na magkita tayo ulit.” “No. It's not. Pareho tayong taga-Cebu. Tapos nagkita ulit tayo dito sa Manila.” “Look. Hindi ko alam kung anong pinupunto mo o kung saan patungo ang usapang 'to. But, Elisha sa lahat ikaw 'yong pinakanakakaalam kung bakit napunta ako dito sa Manila,” seryosong sabi niya. Natigilan ako't napalunok habang nakatitig sa kanya. Yeah. Ako nga. Ako 'yong dahilan. “S-sorry,” sabay iwas ko ng tingin. Kinagat ko ang labi ko. Itinuon ko ang paningin ko sa bawat hampas ng alon sa dalampasigan. Pareho kaming natahimik ng ilang sandali. Hindi ko na tuloy alam kung paano ko pa siya kakausapin ulit lalo na't inungkat niyang muli ang tungkol sa nakaraan. Kumunot ang noo ko. Wait... Is he haven't moved on from me yet? “I'm sorry... I shouldn't have said that.” “No. It's okay,” agap ko sabay lingon sa kanya. Nagtagpo ang aming mga mata. Tumitig ako sa kanya. Gusto kong malaman at makita sa kanyang mga mata ang nais kong makita. Is he still in love with me? Hanggang ngayon ako pa rin ba? Bahagyang kumunot ang kanyang noo habang nakatitig sa akin. Napakagat ako sa labi ko. Bumaba ang paningin ko sa medyo mamasa-masa niyang labi. Napapikit ako ng mariin at napaiwas. No! Hindi ko siya kailangang halikan para ma-confirm kong ako pa rin ang laman ng puso niya. That's too cliche. “Elisha, what's wrong?” Lumapat ang malapad niyang palad sa braso ko na siyang nagpaigtad sa akin. Napahinga ako ng malalim. No! Hindi ko nga kasi gagawin. I will never kiss him. “Hey! Are you okay?” Gosh! Ikaw na ang bahala sa akin, Lord! Nilingon ko siya at diretso kong inangkin ang kanyang labi. Naramdaman ko ang bahagyang pagtalon ng mga balikat niya dahil sa pagkagulat. Nakita ko pa kung paanong nanlaki ang kanyang mga mata bago ako mariing pumikit. Bakit hindi siya gumagalaw? Pareho kaming hindi gumagalaw. Hindi ko na alam kung anong sunod kong gagawin. His lips were closed. Ang lakas ng loob ko kanina pero ngayong magkadikit na ang mga labi namin ay hindi ko na alam kung paano akong gagalaw at kung paano kong ipapasok ang dila ko sa loob ng bibig niya. Nagmulat ako ng mga mata habang magkadikit pa rin ang mga labi namin at nakita kong nakatitig pa rin siya sa akin. Agad akong humiwalay na tila napapaso. “What are you doing?” Nag iwas ako ng tingin at tumalon pababa mula sa pagkakaupo. “N-nag... M-may...” Napayuko ako. “Sorry.” Mahina kong pinukpok ang ulo ko. Ang tanga ko! Bakit ko ba kasi ginawa 'yon? Sabi ko na nga ba, hindi lahat ng kiss applicable sa ganitong senaryo. “Why did you kiss me?” Bakit kasi labi 'yong pinuntirya ko? Hindi ba dapat ay 'yong puso niya ang pinakinggan ko? Dapat pala 'yong puso niya. Pinukpok ko ulit ang ulo ko. Ang bobo, Elisha! Hindi nag iisip muna! Narinig ko ang paggalaw niya kaya nilingon ko siya. Tumalon din siya pababa at ngayo'y hinarap na ako. Nagbaba ako ng tingin sa dibdib niya at hindi na ako nagdalawang isip pa na yakapin siya. Pinakinggan ko ang t***k ng puso niya at sobrang lakas ng kabog niyon. Sobrang bilis din na parang mga yapak ng kabayong nasa karera. Sobrang bilis. Confirmed! May feelings pa rin siya sa akin. “You're acting really strange, Elisha Tulian.” Humiwalay ako sa kanya at agad siyang tiningala. “Mahal mo pa ako no?” Kumunot ang noo niya. “May feelings ka pa rin sa akin,” dagdag ko. Pinakatitigan niya ako ng ilang sandali bago unti-unting sumilay ang ngisi sa kanyang labi. Napangisi rin ako. Halata sa mukha niyang hindi siya makapaniwalang nalaman kong ako pa rin ang laman ng puso niya. “Kung mahal mo pa pala ako. Bakit hindi mo ako hinanap? Handa na ako ngayon, hindi tulad noon. Pwede na akong ligawan. Pwede na akong mag boyfriend o kahit kasal pa 'yan. Handa na akong mag asawa, Vest!” Ang kaninang ngisi niya ay ngayo'y naging ngiti. Umiling-iling siya habang nakatingin sa akin na tila ba naaaliw siya sa akin. “Do you want to drink?” aniya. Naningkit ang mga mata ko. Tapos ano? Lalasingin niya ako? Tsh! As-if malalasing ako. Mataas ang alcohol tolerance ko no! Hindi gaya ni Ate Cresha. “Sure,” nakasilay ang ngising tugon ko. Itinaas niya ang isang daliri niya. “One second,” aniya at tinalikuran ako. Tinungo niya ang loob ng pick up niya at may kinuha roon. For sure, the beers. Napayakap ako sa sarili ko at nakangiti kong hinarap ang dagat. Ito na nga 'yon. Tama si mama at papa na kusang darating ang pag ibig sa tamang panahon. Kakatok siyang muli kung tunay ngang para siya sa akin. Hindi lang ako makapaniwalang si Vest 'yon. Naalala ko noon kung paano ko siyang ipinagtabuyan pagkatapos ng nangyari sa amin. “Are you denying me now? Bakit hindi mo ako magawang harapin at kausapin? Bakit mo ako iniiwasan, Lish?” Kunot na kunot ang noo ko habang mabilis ang lakad ko palayo kay Silvestre na ngayo'y hinahabol ako matapos ang nangyari sa amin kagabi. Tirik na tirik ang araw at dito pa talaga niya ako naisipang habulin sa open field ng school. Hinawakan niya ako sa siko at marahas niya akong hinarap sa kanya dahilan upang kamuntikan na akong mapasubsob sa dibdib niya. “Damn it! Ano ba, Mr. Polo?” Kumunot ang noo niya. “Mr. Polo? Tinatawag mo na ako sa apelyido ko ngayon?” Umiling-iling siya. “So far from the way you moan my name last night, Ms. Tulian.” Napaatras ako palayo sa kanya. Napalunok at kunot noo ko siyang inilingan. “It was a mistake.” Mas lalong nangunot ang noo niya. Ang galit ay halata na sa kanyang mga mata. “Mistake? The make love?” “s*x lang 'yon. Wala lang 'yon. For experience lang.” “I took your virginity. Ibinigay mo sa akin at alam kong dahil 'yon mahal mo rin ako.” “Oh! Na-confused ka yata sa mga kilos ko. I'm sorry ha? Pinagbigyan lang kita kasi alam kong gustong-gusto mo akong matikman kaya ka tumagal ng dalawang taon sa panliligaw.” “Elisha, mahal kita!” halos isigaw niya 'yon. Napalingon-lingon ako sa paligid. Naghahanap ng mga estudyanteng maaring makarinig sa amin. Buti na lang ay wala masyado. Nilingon ko siyang muli. “We were too young for that, Silvestre!” “We were too young for s*x too pero ginawa natin. I know mahal mo rin ako. Hindi ko lang alam kung anong pumipigil sa 'yo,” aniya. Napabuga ako ng hangin. Ipinakita ko sa kanya kung gaano ako kapagod sa kanya. “Hindi kita mahal. I already told you I just did it for experience. Swerte mo lang at ikaw ang napili ko. Siguro naman sapat na 'yon pambayad sa dalawang taon mong panliligaw. Again, wala akong feelings sa 'yo. Hindi kita mahal at hinding-hindi kita kailanman mamahalin. Kaya tigilan mo na ako,” sabi ko at agad na siyang tinalikuran. Naglakad ako palayo sa kanya at agad na tumulo ang mga luha ko. Sana lang ay huwag na niya akong hahabulin. Kasi kapag hinabol niya pa ako ngayon, hindi ko na alam kung anong sunod na mangyayari. Mawawala ako sa katinuan at siguradong makakalimutan kong ginagawa ko ito dahil ayaw kong matulad kay Ate Cresha. Ayaw kong magpakatanga sa pag ibig katulad niya. Tanga siya at walang utang na loob. Ipinagpalit niya kami sa lalaking hindi pa naman niya masyadong kilala. “Ang lalim ng iniisip natin, ah?” Napalingon ako kay Silvestre na ngayo'y tinabihan ako't inabutan ng isang lata ng beer. Napangiti ako. “Medyo stress lang sa trabaho,” tugon ko saka sinubukang buksan ang beer. “It's already open,” sabi niya na nakatingin sa beer na hawak ko. Napatingin din ako doon at nakitang bukas na nga. Bahagya ko 'yong itinaas. “Cheers?” Ngumiti siya sa akin saka ibinangga ang beer niya sa beer ko. “So... Kumusta buhay mo?” tanong niya. Uminom pa ako sa beer bago siya sinagot. “Maayos naman. May hinihintay pero mukhang dumating na.” Nagpigil agad ako ng ngiti. “Well, I'm happy for you.” Uminom siya ulit sa beer niya pagkatapos ay muli akong tiningnan. “Mas lalo kang gumanda. Blooming. Masaya lovelife?” nakangising aniya. Ngumiti ako. “Wala akong lovelife. Pero sana...” Bumuga ako ng hangin. “Galawin na ni tadhana 'yong baso this time.” Nagkibit-balikat siya habang naglalaro pa rin ang ngiti sa kanyang labi. “Bata ka pa naman. Hindi mo kailangang madaliin si tadhana.” “Tanda ko na. Mga ka-batch natin noon, may mga asawa't anak na. Napag iwanan na nga ako... Tayo!” Tuluyan siyang natawa sa sinabi ko. I don't know what's wrong with him. Pero mukhang natutuwa siya sa mga nangyayari. I bet, masaya rin siyang ginalaw na nga ni tadhana ang mga kapalaran namin. Ipinagtagpo kaming muli and this time... Hindi ko na siya muli pang pakakawalan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD