Hindi maipinta ang mukha ni Laarni habang tinitingnan ang sina Kyre at Vivoree na nag-uusap tungkol sa negosyo. Ang dami kasing tanong ng babae tungkol dito na hindi niya alam kung kailangan ba talagang itanong yon. Siya na hindi maka-relate ay nagmistulang third wheel sa lakad nilang ito. Buti na lang at nandito rin si Sheena. Nilibot nila ang buong plantasyon at ngayon ay nasa factory sila kung saan ginagawa ang strawberry juice. Kaya pala M & Berries flying troops ang pangalan ng volleyball team nila dahil ang ibig sabihin pala nito ay M stand for Mendoza at ang Berries ay mga iba’t-ibang klase ng prutas tulad ng strawberry, blueberry, mulberry, dewberry na mula pa sa sariling nilang farm na nasa Baguio. “Alam mo, Miss Lani. Parang ayaw ko dyan kay Vivoree. Nakita ko ang galawan ni

