Chapter 4

2346 Words
Gaya ng napag usapan namin ni Scarlett, pumunta kami sa matandang mag-asawa. Nagluto ako ng pasta, habang si Scarlett naman ay gumawa ng roast beef. Sinusubukan kong ituon ang atensyon ko sa ginagawa, ngunit napapalingon ako aking asawa bawat minuto. "Uy, Timothy!" she snapped in front of me. Natauhan ako dahil sa kanyang ginawa. "Kanina ka pa tulala d’yan." Napakurap ako. Lumapit ako sa kanya at agad siyang niyakap ng mahigpit. "Gustong gusto kasi kitang pinagmamasdan," kahit na pawis ang kanyang leeg, napakabango pa rin niya. "Sige na…" tawa niya. "Maliligo muna ako." "Pwedeng sumabay?" "Naligo ka na kanina, Mr. Serrano," tinulak niya ako sa dibdib. "Bihisan mo na ang anak natin. Iniiwan 'mo na naman siyang mag-isa." "Nasa sala lang naman siya. Busy sa paglalaro. Magpaka busy rin muna tayo." Tinulak niya ulit ako at tuluyan na akong napabitaw sa yakap. "Ang kulit mo…" kinurot niya ang aking braso. "Mamaya na lang, okay? May pupuntahan pa tayo." "Fine," pagsuko ko. Kinintalan ko siya ng mabilis na halik sa labi. "Huwag mong tagalan. Baka mamaya pumasok pa 'ko…" Bumaba ang tingin ko sa katawan niya. "Ikaw talaga!" napailing siya sa sinabi ko. "Sige na, akyat na ko." Pinuntahan ko na lang si Ellie sa sala. Naroon lamang siya sa kanyang tent, naglalaro. Nang makita niya ako ay nagliwanag agad ang kanyang mukha. "Pa… pa…" nilahad niya ang kanyang mga kamay para magpa buhat. Kinarga ko kaagad siya. Hinalikan ko ang kanyang leeg at pisngi. "Hmm… magbibihis na ang prinsesa namin," sabi ko habang pinapaulanan siya ng halik. Mas lalong lumakas ang kanyang pagtawa. Binihisan ko na si Ellie. I changed her diaper. Pinaliguan ko rin baby cologne ang kanyang leeg at tiyan. Kinuha ko ang maliit na dress, kagaya ng kay Scarlett at isinuot iyon sa kanya. Nang matapos ko na siyang bihisan ay lumabas na rin sa banyo si Scarlett. Bumaba ang mga mata ko sa katawan niya. Tanging puting tuwalya lamang ang nakatakip dito. Suddenly, the temperature of our room went high. Kung hindi ko lang hawak ang anak namin, kanina ko pa siya sinunggaban at siniil ng mapusok na halik. Tinanggal ko agad ang kung ano mang nasa isip ko. Naglakad si Scarlett patungo sa closet. Nag iwas agad ako ng tingin. Kahit hindi kami nag uusap, kahit na hindi pa naglalapit ang aming mga katawan, umiinit na ng husto ang aking pakiramdam. Itunuon ko ang aking atensyon kay Ellie. Nilalaro niya ang lace sa kanyang damit. Kung minsan ay nilalagay niya ito sa kanyang bibig kaya agad ko itong tinatanggal. "Magbihis ka na," para akong napaso nang maramdaman ang kamay ni Scarlett sa aking balikat. Nag angat ako ng tingin sa kanya. Nakabihis na siya. Sht… napalunok ako. "Uh, sige," tinanggal ko ulit ang tingin sa kanya. Siya na ngayon ang humawak kay Ellie. Ako naman ay tumungo na sa closet para kumuha ng damit. "Huwag mong tagalan," paalala pa niya. Inupo niya sa kanyang kandungan si Ellie. Humarap sila sa akin. Tinanggal ko ang aking t-shirt. Tanging boxer shorts na lamang ang suot ko ngayon. Tumuwid ulit ang tingin namin ni Scarlett sa isa't isa. Kinuha ko ang aking pantalon at sinuot iyon. Sunod kong kinuha ay ang kulay gray na longsleeve. Sinuot ko na rin iyon, sinara ko ang mga butones habang nakatitig sa aking asawa. She's biting her lower lip. I cleared my throat. "Let's go?" tanong ko nang matapos na. Bumaba sa sahig ang tingin ni Scarlett nang marinig niya ako. "Uh… yes," mahina niyang sabi. Tahimik kami habang naglalakad sa daan. Hawak ko ang mga pagkain na inihanda namin. Habang si Scarlett naman ay buhat si Ellie. Huminga ako ng malalim. I pressed the doorbell. Sa unang pindot pa lang, bumukas na ang ilaw sa balcony. Lumabas si Lola Rosa. Nagmamadali siyang pumunta sa gate nang makita kami. "Oh! Nandito kayo," masayang salubong niya sa amin. "Noong minsan pa namin kayo hinihintay." "Pasensya na po," nilingon ko ang aking nasa tabi. "Si Scarlett po, ang asawa ko." Nagkatinginan silang dalawa. "Ako nga pala si Lola Rosa," anang matanda. "At aba'y tama nga itong si Timothy, maganda ang kanyang asawa." "Salamat po…" mahinang sagot ni Scarlett. "May dala rin po kaming pagkain," sabi ko, sabay pakita sa mga dala. "Tara… pasok na kayo." Nadatnan namin sa dining ang matandang lalaki at si Monica na nagsasalo sa hapunan. Pareho silang natigilan at napalingon sa amin. Nagkatinginan kami ni Monica, ngumiti siya ng tipid sa akin. "May bisita tayo," ani Lola Rosa. "Si Timothy at Scarlett. Kasama ang kanilang mga anak." Tumayo ang matandang lalaki. Lumapit siya sa amin. "Carpio Andrada," nilahad niya ang kanyang kamay sa akin. "Pero tawagin niyo na lang akong Lolo Pio." Ngumiti ako at tumango. Nilahad rin niya ang kanyang kamay kay Scarlett. Magalang itong tinanggap ng aking asawa. Lumipat ulit ang tingin ko kay Monica. Nakatingin siya kay Scarlett. Natauhan lamang siya nang utusan siya ni Lola Rosa para kunin ang mga dala namin. Hindi siya makatingin ng maayos sa akin habang kinukuha ang mga pagkain. "Maupo na kayo," alok ni Lola Rosa. Hinila ko ang isang silya para makaupo ang aking asawa't anak. Umupo ako sa kanilang tabi. Ang matandang mag asawa naman ay nasa harapan namin. Bumalik na si Monica, may dala siyang dalawang pinggan at kubyertos. Nilagay niya ang mga iyon sa harapan naming mag asawa. Umalis ulit siya para tumungo sa kusina, at sa pagbalik niya'y dala na niya ang pasta at roast beef. Nilapag din niya ang mga ito. Umupo siya sa dulo ng mesa. Sa gilid niya ay si Lola Rosa, sa kabila naman ay si Scarlett. "Kumain na kayo," ani Lolo Pio sa amin. Nilagyan ko ng kanin ang plato ni Scarlett. "Tama na…" aniya nang malagyan ko ng tamang dami ng pagkain ang plato niya. "Maalaga palang asawa itong si Timothy," sambit ni Lola Rosa. "Naaalala ko, noong kabataan natin ay ganyan rin ako. Diba, Rosa?" "Baliktad ata, Pio? Ako ang mas maalaga sa ating dalawa…" tumawa si Lola Rosa. Natawa rin kami ni Scarlett sa sinabi ng matanda. Nakikipag agawan ng pagkain si Ellie kay Scarlett. Muntik na niyang masagi ang baso na may lamang juice. Mabuti na lang ay mabilis itong nahabol ni Monica. "Uh… salamat," ani Scartlett. Tango lamang ang isinagot ni Monica. Nagpatuloy na kami sa hapunan. Kinuha ko muna si Ellie kay Scarlett para makakain siya ng maayos. "Ilang taon na nga pala kayong mag-asawa?" yanong ni Lolo Pio habang kumakain. "Dalawang taon na po," sagot ni Scarlett. "Oh, bago pa lang." Tumango ako. "Oo nga pala," sambit ni Lola Rosa nang mukhang may maalala. "Nagustuhan niyo ba 'yung kare-kare na ipinadala ko kay Monica?" Nagkatinginan kami ni Scarlett. Kumunot ang noo niya, tila hindi alam ang sinasabi ng matanda. Nakalimutan ko nga palang sabihin ito sa kanya dahil sa pagtatampo ko kay Lucas. "Ah, opo…" tiningnan ko ulit si Lola Rosa. Inayos ko ang pagkakaupo ni Ellie sa aking mga hita. Narinig ko ang munting buntong hininga ni Scarlett. Hinawakan ko ang kamay niya na nasa ilalim ng mesa. Malamig na tingin ang ibinigay niya sa akin. Napalunok ako. Marami pang mga tinanong ang mag asawa sa amin. Tinikman rin nila ang aming mga dala at pinuri ang mga ito dahil sa masarap. Nang humikab na si Ellie ay nagpaalam na kami sa mga matanda. Hinatid nila kami hanggang sa labas ng kanilang gate. "Bumalik ulit kayo rito, ha? Sa susunod ay tanghalian naman para hindi mapuyat ang anak ninyo," ani Lola Rosa. "Opo," sagot ko. "Sige po, alis na kami…" tiningnan ko silang lahat, nang kami na ni Monica ang magkatinginan ay nag iwas agad siya ng tingin. Sinundan ko si Scarlett nang mauna silang maglakad ni Ellie. Tahimik pa rin siya. Hindi man lang ako binigyan ng kahit na isang lingon. Hanggang sa pumasok kami sa loob ng aming bahay, hindi pa rin siya nagsasalita. Hinawakan ko ang kanyang braso at marahan siyang pinaharap sa akin. "Anong problema?" kumunot ang noo ko. "Wala," inagaw niya ang kanyang braso. Tumalikod na siya at umakyat na sila ni Ellie patungo sa aming kwarto. Ano ba ang ikinatatampo niya? Dahil ba doon sa hindi ko nasabi sa kanya ang tungkol sa ipinadala ni Lola Rosa? Was it a big deal? Sumunod ako sa kanila. Binibihisan na niya ng pantulog si Ellie nang pumasok ako. Tumabi ako sa kanya at niyakap siya mula sa gilid. Pinatong ko ang aking baba sa kanyang balikat. "Timothy, ano ba… binibihisan ko si Ellie." I sighed heavily. Ako na mismo ang bumitiw. "Sabihin mo kasi kung anong problema," mahina kong sabi. "Hindi 'yung sasabihin mong wala, pero halata naman sa galaw mo na meron." Hindi niya ako pinakinggan. Kinarga niya si Ellie at nilagay na sa kanyang crib. Pagkatapos niyang gawin iyon ay pinagtimpla naman niya ng gatas ang aming anak. Sinundan ko lamang siya ng tingin. Nalilito na kung ano nga ba talaga ang problema. Tumungo ako sa closet para makapagpalit na rin. Hinubad ko ang aking pantalon at longsleeve. Kinuha ko ang aking boxer shorts at iyon lang ang sinuot. Nagtama pa ang mga braso namin ni Scarlett nang kumuha rin siya ng sarili pantulog. Kinuha niya ang itim na nighties at walang alinlangan akong tinalikuran para makapag bihis sa banyo. Malalim na hininga ang pinakawalan ko. Sinilip ko muna si Ellie sa kanyang crib. Masarap na ang kanyang tulog. Tumaligid siya ng higa at niyakap ang kanyang pahabang unan. Bumukas ang pintuan ng banyo. Ang akala ko ay hihiga na si Scarlett sa aming kama, ngunit nagulat ako nang buksan niya ang glassdoor patungo sa veranda. Sumunod ako sa kanya. Ang malamig na hangin ay sinalubong ako. Ang maliliit na ilaw mula sa ilalim ay nagsilbing tanawin. "Sabihin mo na kasi… ano bang problema?" bulong ko. Hindi na ako nagdalawang isip na yakapin siya mula sa likuran. "Hindi mo sinabi," may bahid ng pagtatampo ang kanyang boses. "Pumunta na pala dito 'yung apo ni Lola Rosa." "I'm sorry," I kissed her neck. "Nawala na kasi iyon sa isip ko dahil nagselos din ako kay Lucas noong araw na iyon." Isinandal niya ang kanyang likod sa hubad kong katawan. "Mukhang may gusto sa 'yo si Monic," aniya. "Tahimik lang siya kanina, pero nahuhuli ko siyang tumititig sa 'yo." Pinaulanan ko ng halik ang balikat at leeg niya. "Hindi naman ako titingin pabalik sa kanya dahil may asawa na ako." "B-but seriously…" may halong daing na ang kanyang pananalita. "Ayokong may pumasok dito na hindi pa natin ganoon kakilala. Hindi naman sa wala akong tiwala… pero… basta." "Opo. Hindi na mauulit. Ipapaalam ko agad sa 'yo pag may bagong bisita dito sa baha," ngumiti ako habang hinahalikan pa rin siya. Gumapang ang mga kamay ko papunta sa kanyang dibdib. Suminghap siya dahil sa ginawa ko. "Timothy…" dumapo ang hawak niya sa mga kamay kong nasa kanyang dibdib. "Pumasok na tayo…" Pinakinggan ko ang kanyang sumamo. Binuhat ko agad siya. Nakatitig kami sa isa't isa. Mabilis ang pagpapakawala niya ng hininga. Marahan ko siyang ibinaba sa aming kama. Pumaibabaw ako sa kanya. "Mahal na mahal kita. Hinding hindi ako titingin sa iba," hinalikan ko siya sa leeg. Hinila niya ako para magtagpo ang aming mga labi. Umungol siya nang maramdaman ang mainit kong halik. She gave me so much desire and passion. I licked her lower lip before entering her mouth. Ang init ng aming katawan ay naghahalo na at nagsindi ito ng apoy sa pagitan namin. Binahagi ko ang kanyang mga hita. Ipinosisyon ko ang aking sarili sa pagitan ng mga ito. Her legs were already exposed, as well as her sexy red lace underwear. "Timothy…" ungol ni Scarlett nang bumaba na naman ang halik ko sa kanyang leeg hanggang dibdib. I licked her smooth skin. I was about to remove her nighties, but then… Tinulak niya ako nang marinig ang iyak ni Ellie. Agad siyang tumakbo sa crib ng aming anak at binuhat ito. Napatingala naman ako dala ng frustration. Ngayon pa talaga, anak? Habang may ginagawa si Mama at Papa? Pinatulog ulit ni Scarlett si Ellie. Sa tuwing ibababa niya ito sa crib ay umiiyak ulit siya. Kaya naman kinarga na muna niya ang aming anak hanggang sa maging malalim na ang tulog. Lumapit ako sa kanila. Inayos ko ang strap sa suot ni Scarlett. Ngumisi siya sa akin nang magkatinginan kami. Ibinaba niya ulit sa crib si Ellie ngunit umiyak na naman siya. Sinubukan niyang ibaba sa aming kama, wala kaming narinig na iyak mula sa kanya. "Gusto niyang matulog sa tabi natin," ani Scarlett. Napakamot ako sa aking batok. Kung ganu’n… wala muna ngayong gabi? Inayos ni Scarlett ang higa ni Ellie sa aming kama. Nasa gitna namin siya. Nakatagilid ng higa si Scarlett. Sapo ng kanyang palad ang gilid ng kanyang ulo habang pinagmamasdan ang anak namin. "Lumalaki na ang anak natin," inayos niya ang buhok ni Ellie. "Oo nga. Parang kailan lang nang ipanganak mo siya." "Ayoko pa siyang lumaki," bahagya siyang tumawa. "Parang mas gusto ko na baby na lang siya." Inayos ko ang aking higa. Umunan ako sa aking braso. "Scarlett…" tawag ko sa aking asawa. "Hmm?" Nanatili ang mga mata niya kay Ellie. "I was just thinking… should I pursue Medicine?" tanong ko. "I want your opinion." Mukhang nakuha ko naman ang atensyon niya. Nagkatinginan kami. "Gusto mo ba?" "Well, yes…" sagot ko, sinamahan ng marahan na tango. "Paano kami… ni Ellie?" kinagat niya ang ibabang labi. Lumungkot ang kanyang mukha. "Dapat noon pa lang ay pinag isipan mo na ang tungkol d’yan… " Tumango ako. She has a point, though. Dapat pinag-isipan ko na itong mabuti noong hindi pa kami kasal… at noong wala pa si Ellie. "That's why I want to hear your opinion," sabi ko. "Iyon lang naman ang importante sa akin. Ang opinyon mo…" Nilagay niya ang kanyang kamay sa aking pisngi. "I can work for us. For our family. Kahit hindi ka na mag Medisina…" "It's not about the money, though. But okay…" ngumiti ako. "Kung 'yan ang gusto mo." "I love you, Timothy," malambing niyang sabi. "I love you too…"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD