Sa buong duration ng byahe namin ni Pat pat ay nakapiring ang aking mga mata, kaya ng tanggalin ang mga ito ng marating namin ang aming destinasyon na ewan kong saang lupalop ng bansang Pilipinas naroroon dahil surprise daw kuno niya sa akin. At hindi siya nagkamali dahil sobrang nakakaamaze talaga ang place kung nasaan man kami ngayon.
Inilibot ko ang aking paningin sa property na pinagdalhan sakin ni Pat pat according to her pagmamay-ari raw ito ng matalik niyang kaibigan at hindi ako na-inform na may matalik pa pala siyang kaibigan bukod sa akin.
This place looks nice. Pagpasok palang ng gate isang malaking arko na ang sasalubong sayo na nababalutan ng mga orchids with different colors of flowers. Sa gilid naman ng arko ay mga halamang wala namang bulaklak ngunit tila mga plastic ang mga dahon kaya kaaya-ayang pagmasdan. Puro bermuda grass naman ang inaapakan.
Sa pagpasok namin ng arko may usherettes pang sumasalubong sa amin na naglalagay ng parang koronang bulaklak sa ulo ng mga babae at kwentas na bulaklak para sa naman sa mga lalaki. Sari saring bulaklak ang naroron sa gilid ng nilalakaran namin ay puting Rosas ang nakatanim na halatang alaga sa trim. Sa bawat papasuking cottage, naman ay may arko ng mga bulaklak well organized talaga ang lahat.
"Wow, ang ganda naman dito." Hindi maitago ang pagkamanghang komento ko, maganda naman talaga.
"Yes, para kang nasa Paradise diba?"
"OMG, Nakakainlove naman ang lugar na ito. Promise." inikot ko pa ang pangin ko sa paligid.
"Asus, matagal ka nang inlove Shang wala lang katugon."
"Pinaalala pa talaga."
"Erase erase muna natin yan dahil may ibang momment tayo ngayon. Sabi ko na nga ba, magugustuhan mo ang ganitong place."
"Yep,i love nature. Alam na alam mo talaga ang taste ko. Para ngang pamilyar ang landscape nito sakin eh.
"Naman. BF tayo eh."
"BF lang ba tayo?"
"Bakit hindi ka ba na-inform, alangan namang lovers tayo?"
"Hindi eh, ang alam ko Bff tayo, not Bf." natawa siya.
"Couz. Long time no see, but now see now. " Bati ni Pat sa alanganing lalaki yata dahil napansin kong pumilantik ang mga daliri nito at animo model na nakaliyad pa paglumakad, but I'm not sure yet. At may kasama pa ito, na may dalang camera king hindi ako nagkakamali.
"Nga pala couz this is my Bff. Meisha. Meisha Resnik Colin. Louise for short.
"Shang cousin ko."
"Nice to meet you, sir." Bati ko agad sa kanya sir nalang kasi naka pang boy, get up naman siya.
"What? Sir? Seryuso?" nagulantang buong himaymay ng katawan ko ng mapasigaw siya. Hindi yata nagustuhan ng address ko sa gender niya.
"Patty" mukhang galit pa yata kay Pat pat dahil dito nakatingin habang tumitili sa pangalan nito.
"Bakit?" nagtatakang tanong naman ni ng kaibigan ko.
"Ayaw ko na back out na ako. Bala kayo dyan."
"Wait, wait, I'm so sorry. I didn't mean to disappoint you." Humingi nalang ako ng pasensya sa kanya.
"Wala ng magagawa ang sorry mo. Damage had already been done." Hala na offend ko talaga yata siya. Tumulo ng kusa ng luha ko, kasi mababaw talaga ang luha ko. Balat sibuyas nga daw, kasi ako lalo na ng magbuntis ako madalas talagang hindi ko mapigilang maiyak.
Ano ba tong nagawa ko? "I don't know how to address you, naman, kasi kaya sorry na. Please!" Baling kong sisi kay Pat pat na ewan ko tama ako parang napansin ko siyang nagpipigil na matawa e. O baka guni guni ko lang.
"Ikaw naman kasi Pat hindi mo ako in-inform.
"It's a prank." sigaw ng pinsan niya. Nanghihinang naupo agad ako sa bemuda grass habang sapo ang aking may kalakihan ng tiyan, parang nabunutan ako ng tinik, pero nanlambot pa rin ang tuhod ko. Parang natuwa na nanghina ako. "Peace," buti nalang prank lang pala, mga pasaway, na prank talaga nila ako.
"Oh my buti nalang, ayaw ko pa namang may nagagalit sakin pwera nalang kung sinasadya ko?"
"I want to apologize for that behavior of mine, madam."
"Okay ka lang ba, walang masakit sayo. Bakit ka ba umupo dyan pahihirapan mo pa pa ang sarili mong tumayo." inalalayan naman ako ni Pat pat at ng pinsang niyang makatayo saka ako nagpagpag ng dumi sa dress ko. "Ikaw naman kasi baka mapaanak ng wala sa oras tong kaibigan ko."
"Nope, ok lang ako. Ang effective naman kasi ng acting niyo."
"That's only for my vlog. Is it ok if I upload this video of us on social media?"
"Sure, as long as walang nakakasira ng image ko dyan. Kaya lang pangit ko pa naman." ngiwi ko habang nagpupunas ng luha. Napaluha naman, kasi ako sapinaggagagawa ng mga ito.
"Ikaw babaita ka, kasabwat ka dito ano?" lingon ko kay Pat na hindi na nag-abalang sumagot at nag peace nalan ng kamay nito sa akin.
Dapat in inform niyo ako para naman itinodo ko na ang acting ko.
Eh di hindi prank un. Hindi na makatotohanan, kasi alam mo na.
"Sabagay."
"By the way, Madam Meisha. Im Roxie. Roxie Altamirano nice to finally meet you.
"Nice meeting you too."
" Alam mo Madam your so innocent, beautiful in and out. Ang seksing buntis niyo po."
"In and out na agad hindi mo pa nga ako kilala."
"Sino ba namang hindi makakakila sa isang Meisha Resnik Colin bukod sa maganda na matalino pa at mula sa kilalang mayamang angkan. Complete package ka na po madam."
"Sinabi mo pa napaka down to Earth, pa nitong kaibigan ko."
"Lalo naman ang kuya nito napaka aloof nga lang at may pa mysterious eme eme pa. May picture ba kayo non pwede makahingi, masilayan ko man lang kung papalicious ba?"
"Asus, para-paraan ka din couz."
"Baka lang naman makalusot."
"Wag ka ng umasa."
"Ang harsh mo naman sakin."
"Roxie, sayo ba ang place na'to, ang ganda?" putol ko sa usapan nila, na curious kasi ako sa nagmamay ari ng property na to ang ganda ng concept. Mukhang pareho kaming magisip.
"How I wish, madam."
"Kung ganon kanino pala ito?" nagkatinginan si Roxie at Pat Pat.
"That's for you to find out, Madam YSA. For now, ikutin muna natin ang lugar na ito using this e-bike. Para naman hindi po kayo mapagod hirap pa namang magkikilos kapag buntis."
"Naranasan mo na couz.?"
"Ang magbuntis? Of course. Can't you see how big my baby fats bump is?" hinihimas himas pa nito ang may kalakihang tiyan, sabay pa kaming magkaibigan na humalakhak ng pinalaki pa sa nito all2 9opagliyad. Nagkatawan kami pati ang camera man niyang kasama na nagco - cover ng video.
"Naku I'm sure mag- e - enjoy kayo. Tara, let's ride."
Gamit ang dalawang E-bike nilibot namin ang Place at namangha ako nakita ko sobrang ganda at well-organized lahat. May nadaanan kaming plant nursery, mga naka-hydrophonics na mga lettuce na nakakulong sa net syempre para hindi atakihin ng mga insektong mapaminsala at marami pang iba't ibang uri ng mga gulay at prutas gaya ng saging at papaya. Maliliit pa ang mga fruit-bearing trees na nakita namin. Mayroon din mini fish pond, at mushrooms house.
Napansin kong nagpa - practice sila ng diversified farming kasi lahat ng pangngailang ay narito na halos lahat.
Narito kami ngayon sa isang overview looking na side ng property tumambay muna kami sa isang cottage na bahay kubo na naroon. Ang edge ng overview looking ay binakuran ng salamin, na swak sa panlasa ko maganda naman talaga kapag salamin para tanaw mo parin ang paligid kahit nakaupo kapa. Parang wala lang harang pero secured parin at the same time ang mga batang magagawi dito lalo pa't may swimming pool sa parting iyon ng property.
Ganda ng swimming pool. Rock formation ito na hinulma para gawing pool may artificial falls pa sa kabilang dulo ng falls at fountain naman sa gitna na nag we wave din ng bahagya ang tubig, napaka - unique.
"Mukhang private resort ang place na'to. Pasok na pasok s tourist destination. Open ba ito for tourists?"
"Depende sa desisyon ng may-ari."
"Anong ibig mong sabihin."
"For opening palang kasi ito kaya nakadepende sa may - ari kung for vegetable production lang ito o i-o-open for publicity pero syempre hindi libre. Pwede din naman kasi itong hotel, resort, and events place or staycation place di ba. Ang daming pwedeng plano dito."
"Kung ako ang tatanungin lahat ng iyon pwedeng pwede sa lugar na'to."
"Corek madam."
"Kailan pala ang opening nito. Mukhang tapos naman na to e. Pwede ng iopen for public pars ipakilala namay nag - e - exist na ganito ka relaxing na lugar.
"Maybe this week na po madam."
"And I'm so excited." kinikilig pang sabi ni Pat.
"Kilig na kilig ka ah, as if kasama ka sa tagumpay ng lugar na'to." nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Naman! Kasi kung hindi kukurutin ko sa labi ng pep* niya ang may-ari nito pag nagkataon."
"Ewan ko sayo." Natatawa kong sabi. "Speaking of hotel, pwede ba tayong magpalipas ng gabi dito parang ang sarap lang kasi ng idea na gigising kang magigisnan ang nakakarelax na place na'to."
"Sure, na sure, kukurutin ko sa singit ang may - ari nito pag hindi pumayag."
Makahulugang ngiti naman ang nakita ko kay Pat pat.
"Chill ka lang Shang, there's more surprising and exciting parts awaiting for you." Kumindat pa hindi naman marunong dalawang mata tuloy ang pumikit at bahagya pangnakabuka ang bibig at nakatikwas ang mga labi. Napahawak nalang ako ng aking maumbok na tyan na natatawa sa hitsura niyang mukhang ewan.