"Buds, pasalubong namin pag uwi mo dito sa Pinas ah kahit fresh cow's milk will do. Siguraduhin mo lang na hindi panis pagdating mo dito sa Pinas ah." kahit kailan talaga si Gab katakawan lagi ang nasa isip. Buti nga at hindi sya nagkaka-extra fats. Sabagay lagi naman itong extra sa pabubuhat ng mga sako sakong palay sa Ricemill.
"Bakit naman kasi nagkasabay sabay pa ang problema ng mga kompanya ninyo."
"Ikaw pupuntang New Zealand, si Baby Meisha naman lilipad ng Korea, samantalang ang kawawang si Migs maiiwan ng Pilipinas."
"Baliw, akala mo lang yon. I have my own time to shine." pagtatanggol naman ni Migs sa sarili
"Sabagay pabor nga naman sayo, kasi mababantayan mo ang prinsesa mong walang kaalam alam sa estado ng buhay mo." tanong ko kay Migs.
"Sinagot ka na ba?" si Gab
"Mind your own business." Halatang iniiwasan nito ang mga ganong usapan.
"Sungit naman ni mysterious guy." naiiling nalang kami.
"Ikaw Dwayne, wala ka ba talagang balak ligawan si Meisha?" ako na nman ang nakita nila.
"Bakit mo naman isinisingit yan?" naaalibadbaran talaga ako pag si Meisha ang pinag-uusapan, nag-iiba ang t***k ng puso na tila ba ako knakabahan kaya hangga't maaari ayaw kong pinag-uusapan.
"May nagtatanong kasi sa akin about her. Balak yatang ligawan." ito na naman ang mapang-asar na si Gab dumali na naman.
"Yan ba yong sinasabi mong pinsan mong Astig na abogado?" ginatungan pa ni Arcie.
"Nadali mo Buds." naiiling nalang talaga ako kakapilut nila sa akin kay Meisha. Pati ito si Migs botong botonsa akin samantalang ako wala hindi boto sa sarili ko.
"Hoy hoy hoy, kayong dalawa wag ninyong nilalako sa kung sinu sino ang kapatid ko ha."
"Sino ba tong naninita satin kargador lang sa ginilingan ng palay to ah. Magsalang ka nalang ng gigilinging palay don boy, tutal yun naman ang gusto mo." tawanan kaming lahat."
"Naku Buds baka sundan ka ni Baby Meisha don sa New Zealand ihanda mo na ang sarili mo." natigilan ako sa sinabi ni Arcie na hindi naman talaga malabong mangyari.
"Tssss, hindi na bago sakin yan."
"Sana all sinusundan."
z z z z z z z z z z
Magdadalawang buwan na ako dito sa Rancho namin dito sa New Zealand, pero wala pang anino ni Meisha ang dumarating. Himala at nakakapanibago ngayon lang ako hindi pinuntahan non. Madalas dati - rati liliban pa talaga ito sa klase para lang sundan ako, kahit nasaan panig pa ako ng mundo naroroon, pero ngayon hindi pa ako binubwis*t. Dati - rati wala pang dalawang linggo nakabuntot na sa akin. Daig ko pa ang may asawang laging nakabantay sa bawat mga kilos ko.
Even phone calls wala akong natatanggap myla sa kanya.
Bigla ko tuloy na miss ang presensya niya at ang paghahabol niya sa akin para lang mapansin ko. Dinig kong sabi ng isang bahagi ng utak ko.
Bakit ko naman siya mamimimiss? Ano namang mamimiss ko sa brat na yon? Ang pagigiging makulit at mapilit niya? No way.
I don't missed her pilit kong ikinikintal sa isip ko.
z
z
z
z
z
z
z
Two months later, nagbalik na ako from Korea, pero hindi ko ipinaalam sa parents ko na dumating na ako ng Pilipinas.
Ayaw ko munang magkaroon ng update sa family ko dahil sigurado namang ipiplit lang nilang ipakasal kami ni Dwayne.
Kung alam lang nila kung gaano ko kagustong makasama siya sa lahat ng oras.
Kung gaano ako kasaya sa last will and testament na binasa ng lawyer ng mga Van Damme pero kung gaano ako kasaya ganoon din ako nalungkot sa pagtutol niya. Ayaw ko namang maging selfish at mauwi sa forced arranged marriage ang pagmamahal na meron ako sa kanya at kung ipipilit sisisihin ako ni Dwayne at mauuwi din sa Divorced. Kahit kahit kailang hindi ko pinangarap ang magkoroon ng failed and miserable marriage life kaya tama lang na pareho naming tinutulan yon.
Kung ganoon lang sana kadali ang lahat, pero hindi eh, baka mas lalo lang maging magulo ang lahat sa amin.
Ayaw kong umuwi ng bahay dahil sa tuwing nadadaan ako sa kwarto na Dwayne naaalala ko ang nangyari sa amin at kung gaano ako ka-rupok ko. At sa tuwing makikita ko si Dwayne at maririnig ang mga pang re-reject niya sa akin nasasaktan ako bumababa din ang self stem at confidence ko ng dahil sa kanya pakiramdam ko ang pangit ko, pakiramdam ko hindi ako kamahal -mahal.
Ano nga ba kasi ang gayumang ipinatake niya sa akin? Na overdose na yata ako sobra na akong nagpapakat*nga sa pag-asam na mahalin niya kahit sa katiting na porsyento lang kakapit ako. Wala eh mahal ko talaga siya at miss na miss ko ng makita siya na parang ayaw, ewan ko ba sa sarili ko na na lagi naman niyang ipinamumukha sa akin na wala akong kapag - a - pag-asang mahalin nia.
l
l
l
l
l
l
l
l
l
l
Bigla akong napabalikwas sa kama hinihigaan ko nang may maamoy akong kakaiba at maramdaman ko ang pagbaligtad ng aking sikmura.
"Ughm!" I went to the restroom as soon as I covered my mouth. I puked everything in my stomach into the sink, but halos laway lang naman ang inilalabas ko dahil kagigising ko pa lang naman at hindi pa nakakapag-almusal.
Naiiyak na ako sa kasusuka kalahating oras na nga yata ako dito sa loob ng banyo pero parang ayaw ko pang lumabas dahil pakiramdam ko patuloy paring hinahalukay ang sikmurako. Mapait na maasim ang isinusuka ko, at mayroon na ring lumalabas sa ilong ko! At kahit wala na akong mailabas, hindi pa rin mahinto ang pagsusuka ko. Pinagpapawisan narin ako ng malamig at nanghihina ang mga tuhod.
"Shang, bumangon ka na dyan para sabay na tayong mag - almusal bago ako pumasok."
Narinig kong tawag ni Pat pat habang kumakatok sa pinto ng kwarto ko. Dito muna ako pansamantalang nakikitira sa condo niya may dalawa itong kwarto na may kanya - kanyang comfortroom—kaya accomadating sa amin lalo't mag - isa lang naman siyang nakatira dito. Tuwang tuwa nga nang magpaalam akong dito muna tutuloy sa kanya. Hindi man lang ako pinatapos ng sasabihin.
"Papasok na ako ha?"
"Nasan ka bang babae ka. Hoy bakla." pasigaw na tanong niya sakin. "Anong namang nangyari sayo at nakasubsob ka dyan, umiinom ka ba gamit ang lavatory o nagliligo uwak ka gamit yan?" pabirong tanong pa nito ng makita ako sa loob ng banyo nakasubsob sa lababo habong tumutulo ang tubig sa bukas na gripo nito kaya basang basa narin ang buhok ko. Mabilis naman hinahagod niya ako sa aking likod ng naduwal na naman ako.
Nang bahagyang kumalma ang nararamdaman kong hilo at sakit ng sikmura ay kaagad akong nagmumog at naghilamos. Saka lumabas ng banyo at agad na sumampa sa kama.
"It hurts." Daing ko sa aking kaibigan.
"Alin? Saan ang masakit? Anong pakiramdam mo?" Inalalayan niya akong makasandal sa headboard ng kama.
"My throat, mukhang nagasgas na yata kakasuka ko kasi may bahid na rin ng dugo yong inilalabas kong suka kanina." napahilot ako sa aking sintido. "I feel dizzy, Pat. Nanghihina ako."
"Ano bang nakain mo bakit ka aga aga nagsusuka ka?"
"Wala naman. Hindi pa nga ako nakakakain diba?"
"Baka naman nagutuman ka?"
"Magugutuman ba ako? Eh nananaba na nga ako maya maya kaya ako nagugutom at kumakain."
"Wait. Nasusuka sa umaga at nahihilo. Morning sickness check. Laging nagugutom, at panay ang kain check. Nananaba check."
"Check ka ng check dyan. May maitutulong ba yan sa nararamdaman ko?"
"Naku, positive, may malubha kang sakit."
""What? " Tumulo agad ang luha ko." Mamamatay na ba ako? Hindi ko pa nga nakikita ang dream house, nature inspired ko."
"Ito naman, masyadong emotional check na check."
Kanina ka pa check na check dyan e. Lalo mo lang akong pinagwowory sa health ko.
"Need mo talaga magworry Shang. Kailan ang last mong reg**?
"Anong kinalaman non sa nangyayari sakin."
"Malaki, malaking malaki kung tama ang hinala ko. Kain na muna kaya tayo."
"Ano ba kasing niluto mo sakit sa ilong. Nasuka tuloy ako ng maamoy ko."
"Sinasabi ko na nga ba. Yong tanong ko muna ang sagutin mo. Kailan ka huling gumamit ng sanitary napkin."Binigyan niya ako nang makahulugang tingin.
"What? H-Hindi, hindi ko alam at hindi ko na matandaan." Nag-iwas ako ng tingin sa kanya sa totoo lang hindi ko na nga talaga maalala ni hindi na nga pala ako nakabili non.
Natutop ko ang aking bibig ng ma realized ang ibig sabihin ng mga tanong ni Pat pat sa akin.
"Is it possible???" malaking tanong sa aking isipan na kailangan ng agarang kasagutan.