017: When The Nature’s Gift Mad

403 Words
Naglalakad ako pauwi ng marinig ko ang inuutos ni Aling Rosa sa kaniyang anak na si Peter. "Pakitapon nga itong basura." Agad namang ginawa ng huli ang inuutos ng kaniyang ina. Pero imbes na sa basurahan ay sa tabing ilog niya ito itinapon. Napailing at napabuntong-hininga na lamang ako bago nagpatulo sa paglalakad. Pero agad ring napatigil dahil nakita ko si Mang Nestor na pinuputol ang punong-kahoy na nasa tabi ng kanilang bahay. "Mang Nestor bakit niyo po pinuputol yung puno?" tanong ko sa kaniya. "May gagawin lang Gina," sambit niya. "Pero po-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng tinignan niya ako ng masama. Kaya mas pinili ko na lamang na lumisan sa lugar na iyon. Malapit na ako sa aming bahay ng makasalubong ko ang mga minero sa mga bundok na nandirito sa Cagayan Valley. Bakit ba nila sinisira yung kalikasan? Hindi ba nila alam yung magiging epekto nito sa mamayan ng Cagayan. What if may dumating na bagyo? What if may darating na mga sakuna? Hindi sila nag-iisip. Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng aming bahay. Pumasok na ako at naabutan ko si Mama na nasa sala. Hinalikan ko siya sa pisngi at nagmano na din. "Kamusta sa school Gina?" tanong ni Mama, umupo naman ako sa kaniyang tabi. "Nakakapagod po pero kaya pa rin naman," sabi ko sa kaniya at tumango lamang siya bilang tugon. Bigla na naman akong napaisip dahil sa nasaksihan ko ngayong araw. "Mukhang malalim iniisip mo ah?" Pansin ni Mama sa bigla kong pagkatulala. "Wala Ma akyat na po ako," sagot ko sa kaniya. Hindi ko na inantay pa ang sagot ni Mama at tuluyan ko ng isinarado ang pintuan ng aking silid. --- It's been months since they did it. Habang lumilipas ang mga araw, parami nang parami ang umabuso sa kalikasan. And now, we're here stuck at the roof our house. Binagyo at binaha lang naman kami. Ang daming umiiiyak, ang daming humingi ng tulong. Pero wala kaming magawa. Wala! Everyones screaming because of agony, hunger and because of regrets. "Kung hindi lang sana inabuso ng mga tao ang kalikasan hindi sana tayo binabaha at binabagyo. Parusa na ba sa atin ito? Nakalulungkot lang at ngayon nga'y malapit ng mabura ang Cagayan sa mapa ng Pilipinas." Npabuntong-hininga ako. "Tunay ngang nasa huli talaga ang pagsisisi," ang sambit ng babaeng hindi ko alam kung bakit nandirito sa aking tabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD