015: Letting You Go

638 Words
Nandito ako ngayon sa park hinihintay ang boyfriend ko na si Liam. May sasabihin daw siya sa aking importantante. Kinakabahan ako sa sasabihin niya and I don't know kung bakit. Three years na rin kami, tagal na 'di ba? And may sasabihin din ako sa kaniya. "Buddy," hindi ko napansin na nandito na pala siya. "Nandito ka na pala sorry hindi ko napansin," nakangiti kong sabi. Yes, Buddy ang call sign namin. Para naman maiba. "Ano ba iniisip mo?" He asked "Kasi ang tagal na pala natin no, parang kailan lang no'ng nanligaw ka," nakangiti ko pa ring sabi. "By the way ano pala ang sasabihin mo?" I asked him. Umupo siya sa tabi ko at huminga siya nang malalim. "Luanne, I'm tired." Nakayuko niyang sabi. "Then rest Buddy," nakangiti ko pa rin ako "Luanne alam kong alam mo kung ano ang ibig sabihin nang sinabi ko," this time he look at my eyes, wala akong nakikitang emosyon sa kaniyang mga mata. "Bakit? May nagawa ba akong mali? Sige aayusin ko, tell me kung ano 'yon," I said, I bit my lower lips para mapigilan ang luhang gustong kumawala sa aking mga mata. "No, wala kang nagawang mali." "Then why Liam?" "Luanne, sorry I know na nag promise ako sayo and sorry kung hindi ko yun matutupad," walang emosyon niyang sabi at agad na tumayo. "Ano aalis ka na? Aalis ka ng hindi ko nalalaman kung bakit napagod ka sa relasyon natin? Liam naman oh, pwede bang sabihin mo sa akin kung bakit ka napagod? Kung bakit ka na sumusuko?" No response Pumunta ako sa kaniyang harapan. "Liam sabihin mo sa akin kung bakit?" "Luanne, may mahal na akong iba, sinubukan kong kalimutan siya. I tried my best to forget her pero wala eh. I deeply fall in love with her. Sorry Luanne, pagod na rin kasi ako. Hindi na ikaw eh, hindi na ikaw yung nakikita kong kasama sa pagtanda. Si Dianne ang nakikita kong kasamang tumanda. " Nanghina ako sa narinig ko at hindi ko na rin napigilan ang mga luha ko. Bakit si Dianne pa? Bakit yung Bestfriend ko pa? "B-Bakit si D-Dianne pa?" tanong ko sa kaniya. "Luanne I'm so sorry." "Liam ang sakit eh. Bakit sa dinami-rami ng babae sa mundo, bakit si Dianne pa?" wala akong nakuhang sagot mula sa kaniya. "Liam, mahal kita sobra at alam kong alam mo 'yon hindi ba?" Tumango lang siya bilang sagot. "Luanne-" "Shhh listen to me. Mahal kita. Masaya na ako pag nakikita kitang masaya. Liam ang hirap sa part ko na gawin ito pero kahit na masakit at mahirap I need to do this. Kung sa kaniya ka masaya, sige, I am letting you go. And sana hindi mo ako makalilimutan," nakangiti ko pa ring sabi habang basang basa na ang aking mukha dahil sa luha ko. "Luanne I'm so sorry. Hope you'll forgive me and thank you for letting me go," sabi niya sabay yakap sa akin. Niyakap ko rin siya pabalik, hinigpitan ko kasi alam ko na heto na ang huling yakap niya para sa akin. "Hahaha sige na puntahan mo na si Dianne, pakisabi na rin na mahal ko siya. At ikaw mahal kita." Pinunasan niya ang mga luha ko. "Don't worry sasabihin ko 'yon." "And Liam please huwag mo siyang sasaktan ah? Mahalin mo siya ng higit sa binigay mo sa akin, mumultuhin kita kapag ginawa mo yun," pabiro kong sabi. "Don't worry hindi ko siya sasaktan. I have to go. Hinihintay na niya ako," he said. "Sige ingat." Tumango lang siya bilang sagot. Nagsimula na siyang lumakad. 'Hindi ko man lang nasabi sayo na heto na ang huling linggo ko dito sa mundong ito. Ayos na 'yon, ayaw ko rin namang mag stay ka dahil naaawa ka. Sana magtagal kayo ng aking kaibigan. I love you so much Liam.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD