Rinne's POV Lumunok ako bago ko naisipang lumabas. Hindi ko na kasi narinig ang sagutan nilang dalawa. Siguro umalis na sila. Hindi ko maintindihan ang mga pinag-sasabi nila kanina kasi hindi ko naman masyadong narinig pero ang sakit na dinadama ko ay sariwa parin sa sistema ko. Saktong pagbukas ko ng pintuan ay naaninag ko ang mukha ni Elvira katabi si Jeyo at Ameerah na tinago niya sa likod. Jusko anong ginawa nila dito? "Mamashie!" sambit kaagad ni Ameerah nung makita ako. Nahagip ng paningin ko ang matalim na titig ni paris sa'kin na nalipat kay Ameerah. Sumulyap ako kay Heiden na ngayo'y punong-puno na ng pagkalito kung ano ang gagawin. Agad akong lumapit kay Ameerah. "Why is she calling you Papabee Heiden?" nangangalit na tanong ni Paris Kay Heiden. Jusko! bakit hindi to ma

