CHAPTER 8

2083 Words
Rinne's POV What the hell is happening? Hindi ko na rin alam sa sarili ko kung ano ang nangyayari. Hindi naman siguro ako nag-hahalucinate lang diba? totoo ang lahat diba? Gusto ko nalang sapakin sarili ko upang matauhan. Napaupo nalang ako bigla sa may sala sabay bagsak ng bag na dala ko at nagpakawala ng malaking hininga. Hindi ko maiwasan hindi alalahanin ang mga nangyayari kanina. "That kiss mark shows that I'm your only CEO" Sa lahat ng sinasabi niya iyan lang ang nakatatak sa isip ko. Bakit parang ang iba niya kanina? He's not the CEO that I knew way back before. He was always like an angry beast most of the time but earlier he looked like a teenage bad boy who's falling inlove deeply with his favorite girl pero yun nga lang hindi sa akin siya na-fall malay mo diba my nakita sya doon sa London? He told me na pumunta daw ito sa London pagkatapos kong nag-resign. Flashback "I went to London and stayed there for three months" aniya habang sinikap ko naman tumitig sa mga mata niya ng diretso. "And why the hell did you sign that damn resignation letter?" Tinaasan ko siya ng kilay sa tanong niya. Ano? ako pa ba talaga ang tatanongin mo? Sino ba ang nagbigay sakin non? "Pardon?" wala sa sarili kong tanong pabalik. "I'm talking about the damn resignation letter" he said in husky voice. "You told me to sign that letter" saka ko binaba tingin ko. Wala ba talaga siyang balak pakawalan ako? nakakaadik na yung bisig niya e. Nakahawak parin ito sa beywang ko. And our gap is just one inch away. "I gave you that, yes but I thought you don't like to be fired?" sumeryoso bigla ang itsura niya. Nagiwas saglit ako ng tingin. Kung sasabihin ko kaya sayo na nahihirapan at nasasaktan na ako kaya ako umalis? 'yan ang gusto kong sabihin pero wala akong lakas na loob. Ano nalang ang i-dadahilan ko? Lumunok muna ako. "Hmmm akala ko kasi pinapaalis mo talaga ako" saad ko sabay iwas ng tingin mula sa titig niya. Nahuli ko ulit itong sumulyap sa labi ko. "You were supposed to come with me if you didn't sign that resignation letter. I badly need my secretary that time for my international business trip" aniya na para bang pagod na pagod siya. Wait, did I hear it right? Sasama sana ako sa kanya sa London? "Believe me, what I did to you was just my way of giving discipline to my employees and..." bahagya itong ngumisi at pabitin na binigkas ang huling salita. "You were just fell in my trap" confident pa nitong sambit saka niya ako dahan-dahan binatawan. Nagjojoke ba siya? Sayang ang London kung sa ganun! At eto naman ako si tanga kumagat sa mansanas na akala ko binigay sa akin pero hindi pala. Dahil sa hiya hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko. Napatingin nalang ako sa malayo. Kahit nabitawan na niya ako prente parin itong nakatayo sa harap ko. Tumango-tango nalang ako because of the realization that I was just fell in his trap. Mga CEO nga naman. What do we expect from people whose mindset was all about business? Krriririririiinngggg! His phone was suddenly rang at mabilis din niya itong sinagot. "Okay. I'll be right there" tugon nito sa kabilang linya saka ibinalik sa loob ng kanyang bulsa ang cellphone niya. Binigyan niya muna ako ng nakakaloko na ngiti bago nagsalita. "Thanks for today" sumeryoso naman bigla ang aura niya "And I wanna take a sip of my coffee tomorrow and please don't be late. If you do? well you'd better think of it Love" Ano? tanong ko sa loob ng isip ko at nakatulala lang sa kanya. "Are you listening?" napatango nalang ako bigla. "Good. I gotta go and I'll see you tomorrow Love. No, I mean Ms. Sandievo" huling habilin niya abgo umalis. End of the flashback "Waaaahhhhh Mamashie!" Napadilat ako at nagmadaling umupo dahil sa pagsigaw ni Ameerah. Naaninag ko ngayon ang isang batang nakatakip sa kanyang labi na nakatayo sa harap ko. Napahawak ako sa aking dibdib sabay buntong ng hininga. Baby naman ang ganda ng panaginip ko kanina e. Umaga na pala. Hindi ko namalayan na dito sa sala ako nakatulog. Umayos muna ako ng upo bago humarap kay Ameerah. "Hi baby good morning but why are you shouting?" Hihilain ko sana si baby Ameerah pero nagpumiglas ang bulilit. "Bakit anong meron sa akin kung bakit ayaw mo? Hug your Mamashie baby" lambing ko sa kanya. But she just shook her head. Ano problema ng batang 'to? "Kinagat ka ng bubuyog Mamashie. Yuck!" saad nito na parang nag-iinarte. Bubuyog? Saan naman? "Hah? What are you talking about baby?" tanong ko sabay tingin sa katawan ko. "Look on your neck Mamashie. Bubuyog just bite you" saad nito sabay turo sa leeg ko. Ano? kaagad akong tumakbo papunta sa kwarto ko sa itaas at dumiretso kaagad sa banyo. Mabilis kong hinarap ang salamin. Maski ako napatakip sa aking mga labi dahil sa matinding gulat. This was his kissmark. Ang pula ng nasa leeg ko. May lahing vampire ba ang mokong na 'yon? Nakaramdam ako ng init sa mukha ko. Akala tuloy ni Ameerah bubuyog kumagat sa'kin. "See Mamashie? Bubuyog just bite you because your blood is so sweet?" nabaling sa likuran ang atensiyon ko nang narinig ko ang boses ni Ameerah. Sumunod pala ang bulilit. Nagbuntong hininga muna ako sabay hawak sa kissmark sa my parte ng leeg ko. "It's not a bubuyog baby, kagat lang 'to ng lamok okey?" saka ko siya nilapitan at pilit kinarga. Lamok nga ba? "Yuck Mamashie! don't touch me Haha kinagat ka ng bubuyog eh" suway nito sa akin pero kiniliti ko nalang. "Hahhaha Mamashie" halakhak ni Ameerah saka ko ito kinarga pababa. "Stop with the bubuyog thingy okey? it's time to eat our breakfast" pero patuloy parin sa paghahalakhak ang bulilit. Today is my first day again. Bigla nalang sumagi sa loob ng isip ko. "I'M LATE!" sigaw ko nung naaksidente akong tumingin sa orasan na nakasabit sa may pader sa aming sala. 8:00 am na? Nagmadali kong pina-upo sa hapag kainan si Ameerah. "Baby eat your breakfast with Lola Maring and go to school okey? wag matigas ang ulo" sambit ko kay Ameerah na ngayo'y nakatulala lang sa akin habang minamadali ko naman nilalagyan ng pagkain ang plato nya. "Sige ka kung magpasaway ka baka kagatin ka din ng bubuyog" bahagya akong napahinto dahil sa sinabi ko. Bakit ko yun sinabi? napailing-iling nalang ako. "Ayaw mong mangyari yun sayo diba?" "Yucks Mamashie! It's true bubuyog bite you not lamok" nag-iinarte nitong usal sakin at ngumuso. Psssh ang cute. "Psssh stop talking about bubuyog okey? kumain kana" saka ko ito hinalikan sa kanyang noo. "Magandang umaga Iha" bati sa akin ni Lola Maring mula sa kusina habang dala-dala niya ang platong may laman na hotdog. Matamis akong ngumiti sa kanya "Magandang umaga din po Lola" tugon ko kaagad. "Sige La, Ikaw na muna bahala kay Ameerah" paalam ko bago sila tinalikuran tsaka mabilis ko naman tinahak ang hagdanan pataas. "Rinne hindi kana ba kakain?" narinig kong sigaw ni Lola mula sa ibaba. "Hindi na ho" halos pasinghal na sigaw ko naman. Late na ako super. Late na talaga ako. Ang tanga ko talaga baka sumbatan na naman niya ako nito. HEIDEN'S POV "Hey? Oh come on bro don't tell me I was just like talking to a ghost?" I blinked my eyes many times when a sudden voice interrupted me. What the hell is happening? Lately I'm always like this. Palagi nalang ako natulala. This is bad. "What?" inis kong tanong pabalik. "Anong what? crap! kanina pa ako dada ng dada dito about sa problema ng Hotel Resort mo sa Pampanga and after all, what lang ang isasagot mo sa akin? you were not listening the whole time aren't you?" pagmamaktol ni Jeyo. I just rolled my eyes at prenteng naka-upo sa coach dito sa opisina. Shit! I couldn't get enough thinking about her. I mean what happened yesterday. I just marked her a bee bite. No, that was definitely a kiss mark actually. Ang dami palang hassle bago ko pa e launch ang bagong Hotel Resort ko sa pampanga. Malas. I need to hire a number of employees at may mga kulang pa sa mga internal and external requirements. It's not always easy as the way people think of it before I could establish my Hotel Resort. There would be a rough road ahead of me. Well, there's no way to quit. "Fine! Just leave all those damn papers on the table and leave" inis ko din sumbat sa kanya. Napangiwi naman sa akin ang labi ni Jeyo. I sighed then lean backward. "I'm just tired man, you can go" mahina kong saad. Then I closed my eyes. "What the fvck is wrong with you?" bulalas ni Jeyo sa tabi ko pero binigyan ko lang siya ng death glare. "Seriously Mr. CEO? It's just 8:00 am in the morning and you were already tired?" I woke up so early today kaya kulang ang tulog ko. Teka nga, wala pa dito ang dalaga kong secretary? Late na naman ata siya? Tsss. She's dead! Actually I don't have any intention to let her pay the 5 million. I don't know. I just found it reasonable to get her back. Yeah I'm heartless kaya binanta ko pa siya. I'm her only CEO right? I wonder how was her youngest sister right now? did she survive the surgery? "Don't tell me sampo naikama mo kagabi kaya ka napagod ng ganyan ngayon?" mapang-asar na tanong pa ni Jeyo sa tabi ko. Akala ko ba umalis na 'to? Mabilis kong inihagis sa kanya ang maliit na pillow sa coach. "Screw up! What the hell are you talking about galung-gong?" I hissed irritatedly. "Get lost!" Fuck!! I'm not a womanizer. Kung meron man akong gustong ikama yun ay isang tao lang. He smirked. "Fine! The Heartless CEO is now acting innocent huh?" natatawa pa niyang saad. "Langya mo ninakawan mo pa ako ng trabahante" pag-iiba niya ng usapan pero nakangisi parin at umiiling. True I'm innocent. Umayos ako ng upo saka binigyan siya ng makahulugan na ngisi. "Hiniram lang siya ng bar mo but she was originally owned by her former CEO and that is me" "Sound so possessive now Mr. CEO? believe na talaga ako sa galawan mo ang badoy" humalakhak pa ang loko. I sighed. Wala akong magawa sa galung-gong na 'to. Mas umiinit ang ulo ko isabay mo pa ang pagkalate ng Ms. Secretary ko. Where is she right now? Don't tell me she refused my offer? I mean my threat? "Tssk. She's damn late" I uttered suddenly leaning back again while ignoring Jeyo behind. Bahala siya dyan. "Fine! gusto mo ata ipagpapatuloy ang napakasarap na panaginip mo with your--" saka niya inihagis sa akin ang mga papel na hawak niya. Ang loko lang. Napapikit naman ako saka tumango nalang pero sa loob ng isip ko pinapatay ko na siya. He chuckled. "Baka ako pa sumbatan mo kung hindi ka masasarapan so, aalis nalang siguro ako. Take your time Dude" halos natatawa niyang wika. "Get lost or else I'll end your life here instantly" I shouted annoyingly pero mabilis naman umilag ang loko mula sa inihagis ko sa kanya. Mabilis niya tinakbohan ang pintuan habang tumawa. "Great! you're a good moody type" nakangisi niyang saad bago lumabas. Sinulyapan ko naman ang sapatos ko sa sahig. "Asshole" I cursed silently. Saan na ang babaeng 'yon? I mean my Secretary? Late na naman siya. Well, she's definitely dead. Rinne's POV Papasok na ako ngayon sa Ingrids building pero habang naglalakad ay napaisip ako. Mamimiss ko si Ma'am Jullie dahil naging magkaibigan kami sa loob ng kunting panahon. Nagpaalam na din ako sa kanya bago ako umalis sa pagiging server or waitress. Halos mawalan ako ng hininga sa kakatakbo. I'm damn late! Pero natatakot ako at kinakabahan. Baka sigawan at sumbatan niya ulit ako. I know him that much. Hindi ko naman kasi sinasadya tsaka nilagyan ko na ng ban aid ang kagat ng bubuyog sa leeg ko. Nagpakawala muna ako ng malaking hininga bago binuksan ang pinto papasok sa opisina ni Mr. Ingrid. Direstso akong sumulyap sa lamesa niya pero Juicekolord! Halos maibuga ko ang sinabi ko dahil sa kaba. Naaninag ko ang blankong mukha niya na matalim na nakatitig sa'kin. "YOU'RE FIRED" Na naman? was he being serious?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD