Six Months Later…………….... JULYEN POV Anim na buwan na ang nakalipas mula nang makiusap ako kay Papa na ilayo muna ako kay Riko. Alam kung mali ang naging disesyon ko na hindi harapin ang naging problema naming dalawa bilang mag-asawa pero wala akong ibang maisip na paraan para mabawasan ang sakit na nararamdaman ko kundi ang lumayo sa kanya. I am in so much pain physically and emotionally. Yung tipong ayaw kong makita kahit anino niya. Dahil sa sobrang sakit nang ginawa niya sa akin. Naintindihan ng mga magulang ko na kailangan ko ng sapat na panahon para pag-isipan ang lahat ng mga nangyari. Kaya pumayag sila na manatili muna ako sa California. Makalipas ang isang linggo ay umuwi na rin sila sa Pilipinas. Nanatili naman ako dito sa bahay bakasyunan namin. Mahirap mag-isa, but I give my

