Nag-umpisa na namang mag-unahan ang mga luha ko dahil sa pagtawag ni Riko. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin dahil hindi ko kayang makita siya. "Julyen! Julyen!" Malakas na tawag ni Riko. Napahawak sa aking dibdib habang nasa likuran ng pinto. Hindi ko akalain na susunod agad si Riko pag-uwi. Bubuksan ko na sana ang pinto nang pigilan ako ni papa. “Pa…” Umiiyak na wika ko sa kanya. Nasa tabi din niya si Mama. Nagising siguro sila dahil sa ingay ni Riko. Lumabas si Papa sa pinto at nagpaiwan si Mama para samahan ako. "Anong ginagawa mo dito Riko?" Narinig kong wika ni Papa. "Papa andiyan po ba si Julyen? Please buksan niyo po ito gusto ko po siyang makita at maka-usap.” Paki-usap niya kay Papa. "Ayaw kang makita ng anak ko Riko kaya itigil mo na ang ginagawa mo.” "Papa kaila

