Itinuon ko ang isip ko sa trabaho. Dahil ayokong isipin si Riko. Maya-maya ay bumukas ang pintuan abala kaming lahat sa pagtratrabaho ngunit napatingin ako sa nakatayo sa pintuan dahil kay Josie. Nakita ko ang pagbabago niya kumpara kahapon mas maayos na ang itsura niya. Kahit ang ibang staff ay nakangiti na ulit sa kanya. Mukha na ulit siyang mabango. Sabagay mabango naman talaga siya at hindi ko maitatangi na namimiss ko ang amoy niya. “May kailangan po kayo sir?” Tanong ni Josie. “I just want to say sorry sa mga nangyari noong nakaraang buwan. Sana kung may napagalitan man ako sa inyo. Patawarin niyo sana ako at unawain. I’m sorry.” Nakayukong wika ni Riko. Nagulat naman ang lahat sa sinabi ni Riko. Kahit ako ay napatigil sa sinabi niya. “Wala yun Sir naintindihan ka namin.” Sago

