Chance
Tahimik at kaswal ang pakikitungo niya sa akin. Inabot niya 'yung bitbit na may kalakihang paper bag. Tumaas ang kilay ko. Hinaklit ko 'yun sa kamay niya at sinilip kung ano ang laman. Tumikhim ako. Yung uniform ko lang pala na iniwan sa bahay nila. Inirapan ko agad siya nang mapatingin ako. Pumasok na ako sa kwarto tutal wala naman akong balak kausapin siya. Narinig ko ang bawat pag apak niya na nakasunod pala sa akin.
"What are you doing here, you devil!? Get out!" Singhal ko. Nagulat siya sa reaction ko. He grinned like a devil. Tama, he's a devil. Nakapamulsa pa rin siya hanggang ngayon.
"Devil? Did you just called me devil, my sweet little angel?" Mapanukso at mapangakit ang tono niya.
I cursed under my breath and rolled my eyes. Parehas kameng nanatili lang sa kinatatayuan namin.
"Sweet little angel my ass. Ano na naman bang kailangan mo? Can't you understand? Bawal. Ka. Sa. Kwarto. Ko. Thank you na rin dahil binalik mo 'tong uniform ko. Sana si Matrix or kuya Maxell na lang pinapunta mo." Pagtataray ko. Ayaw ko na sana pang palakihin 'yung nangyari last time pero hindi pa rin niya ako tinitigilan.
O kung may balak ba siyang tigilan ako? Kung wala, ako na mismo ang magpapatigil sa kabihangan niya.
Umalis siya sa kinatatayuan niya at nag tungo sa kama. Lumukso ang puso ko sa kaba. Hinatak ko ang braso niya palabas sa kwarto pero kulang 'yun para mapahinto siya. Nakaupo siya sa kama at nakatayo ako sa harap niya. Humalupikpik ako. Naiiyak na naman ako sa inis pero sinikap kong wag ipahalata sakanya.
"I'll sleep here again. Tonight. I want to sleep beside you." Kaswal niyang sagot na sinamahan ng mapangakit na ngiti.
Napalunok ako.
"Bakit wala ka bang sariling kama? Lumayas ka na nga! Naiirita na talaga ako sayo!" Reklamo ko.
"Sorry, pero hindi mo ako mapapalayas dito."
"O? Sige. Edi jan ka na magisa mo!" Hinagis ko sakanya 'yung paper bag na hawak ko. Paalis na ako nung napigilan ako, nakayakap mula sa likuran ko. Nagpipigil din siya siguro ng inis sa akin. Tinanggal ko 'yung mga kamay niyang nakapulupot sa akin at bahagyang tinulak.
Mabigat at mabilis ang bawat paghinga ko.
"What do you want from me?! You're such an evil person, Maximus! Alam mo ba na mali 'tong ginagawa mo? You should respect me and my privacy!"
"Does wanting you makes me an evil person? So be it. I'll be the devil and I'll do anything to make you mine, my angel. Mine only!" Nagtiim ang bagang niya.
"Naririnig mo ba sinasabi mo? We're cousins! For pete's sake, sabay tayong lumaki!" Napuno ng galit at lungkot ang mata ni Maximus na direktang nakatitig sa akin sa katotohanang sinabi ko.
"We both know that we're not blood related. Remember? Napulot nga lang ako sa kung saan. I love you, my angel. And I want you to love me too. Give me a chance to prove to you that I am worthy of your love.." halos mamaos na ang boses niya sa pakudurog sa loob.
Nadudurog ako sa mga sinasabi niya. Nasasaktan akong makita siyang ganito. But I won't risk my family for this nonsense. This is i****t! For me, this is i****t. Naalala ko pa lang na naghalikan kami kagabi, nandidiri ako sa sarili ko.
I love my family, I love my cousins but not this kind of love. Lexus already has my heart.
"Wala kang dapat patunayan. Mag pinsan tayo. Hanggang doon na lang ang kaya kong ibigay sa'yo. Mahal kita pero hindi sa paraang gusto mo."
"Why, angel? Why? mahirap ba akong mahalin? Ginawa ko lahat para maging karapat dapat sa'yo. I want you to see the real me, my real feelings for you. Alam ko hindi ako naging mabait sa'yo but that's the only way para mapansin mo ako. Give me one chance. One chance is enough for me." May mga luhang pumatak sa mata niya na agad din niyang pinawi.
I need to be strong. I need to stand my ground. Masakit pero kailangan kong ipaliwanag sakanya na walang patutunguhan 'yung nararamdaman niya.
"I'm already in love with someone else." Tumingala si kuya Maximus sa kisame at mariin pinikit ang mata habang minamasahe ang batok. Kita sa mukha ang lungkot, galit, inis, pagkadurog.
Bumagsak ang balikat niya. At parang nanghihina habang papalapit sa akin. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. Tuluyang nadurog ang puso ko nung umiyak siya sa harap ko. Ito ang kauna-unahang pagkakataong nakita ko siyang umiyak. Nanlamig 'yung kamay ko.
"Yung Bustamante ba? He's not good for you and never will. Sasaktan ka lang niya. I will never do anything to hurt you. Pwede bang ako na lang? Please?" Muli, niyakap niya akong sobrang higpit. Impit na paginda lang nagawa ko. I'd die due to broken bones if he didn't let go. Niluwagan niya ang pagkakayakap nung napansing nahirapan ako.
"I don't know what to say to you, Maximus. Hindi ko alam. What can I do to make you stop?" Nangmamakaawang sabi ko. Nagbabadya na rin ang mga luha sa mata ko,
"Nothing. Hindi ako titigil na mahalin ka." Hinaplos niya ang mukha ko.
Nagiwas akong tingin. I want this argument to stop. Walang kwenta 'tong pinaguusapan namin at wala namang patutunguhan. Bahala na. For the first time, babaliin ko ang salitang binitawan ko. Mahirap, pero kung makikita ko lang ulit na umiyak si Maximus sa harap ko? Babaliin at babaliin ko ulit 'yon.
May soft spot ako sa pamilya ko. If I'm Lexus's 'Achilles heel', then my family are my 'Achilles heel.' At pamilya ko si Maximus... Kuya Maximus.
Tinanggal ko 'yung mga kamay niya sa mukha ko. I cleared my troat.
"Okay... I'll let you sleep here. Sa tabi ko. But promise me, you won't touch or kiss me again." He looked confused.
"I-I can't promise you that... I wanna hug you so bad. And I'll be damned kung hindi ko 'yun magagawa." May halong pait, lungkot at pagmamakaawa ang boses niya.
The mighty Maximus Chance Rizaldo finally shows his weakness at sa akin pa talaga. I am his weakness.
"Promise me." Utos ko, Humingang malalim bago sumagot.
"Okay. I promise,"
"Binali ko 'yung mga salita ko, kung alam mo lang. Hindi ka dapat nandito. Wala ka dapat dito. Pero pumayag ako, now, you made a promise and you must keep it. Break your promise or I'll never talk to you ever again."
Napatanga si Maximus sa kinatatayuan niya. Dumiretso ako sa closet para kumuha ng pajama at pumasok sa banyo. Hindi ko siya pinapansin o nililingon man lang. Kinagat ko ang pangibabang labi ko nung makapasok ako. Tama ba 'tong desisyong ginawa ko? Ginulo ko ang buhok ko. Nag shower muna ako saglit para mahimasmasan.
Nagtagal ako sa loob kakaisip sa kung anong mangyayari. I have known my cousins to be a man of their words. Basta sinabi nila, gagawin nila 'yun. All the way. Maximus promised me, ayun ang panghahawakan ko. He respects me. He said he won't do anything that may hurt me. I'll give him my trust.
Isang marahas na hangin ang binitawan ko bago lumabas. Doon pa rin siya humiga sa side na hinigaan last time. Mabilis ang t***k ng puso ko sa kaba. Pinagpapawisan ako ng malamig. Pakiramdam ko, bibigay ang tuhod ko sa bawat pag apak papalapit sa kama. Dinungaw ko ang mukha ni Maximus. Nakapikit na siya. Ganito lang din naman siya last time, akala mo tulog pero nag aabang lang pala ng pagkakataong sunggaban ka.
Dahan dahan pa akong umupo sa kama. Inangat ko ang paa ko para maiayos ang pwesto sa kama. Malaki at malawak 'yung kama pero nang nasa tabi ko na si Maximus, parang biglang lumiit at sumikip ito tulad ng nararamdaman ko ngayon.
"Ange-"
"Inaantok na ako." Putol ko.
Nagtalukbong ako ng kumot at tumalikod na. Tunog lang ng AC ang naririnig namin. Sobrang nagpapanting ang tenga ko sa nakakabinging katahimik sa buong silid. Mababaliw na ako nito! Dammit! Ilang minuto o oras na ba ang lumipas simula nung sinabi kong matutulog na ako?
Nanigas ang buo kong katawan nang maramdaman ang paggalaw ni Maximus. Nag iba siya ng pwesto. Nakaharap ba siya sa akin? Nakatalikod? Hindi ko sigurado.
"Gising ka pa?" He whispered in a very soft voice. Tumindig ang balahibo ko. Nakaharap siya sa akin!
"I-I'm sorry... I know you're just being nice to me. Gaya ng palaging sinasabi ni Matrix tungkol sa'yo, you're too soft for this mad world. You called me a devil and that's true. Hindi ako nananakit ng babae, pero marami na akong nasaktan at naagrabyado. I wasn't branded as the 'blacksheep' of this family for nothing. I was involved in drugs. Totoo 'yon pero tinigil ko na. I remember it clearly, the day you said that you'll always be here for me kahit na talikuran ako nila dad. Lahat lahat ng takot ko, nawala. Sa isang haplos lang ng kamay mo, nabura lahat ng masasamang alaala ko. You are my angel, Tori. You are my salvation. Niligtas ng anghel na katulad mo ang demonyong katulad ko. Please... love me. Choose me."
Tahimik akong humihikbi. Pinapatahan ko ang sarili ko sa paraang hindi mapapansin ni Maximus na gising pa ako. Narinig ko lahat. Malinaw at mapanakit. Pumasok na naman sa alaala ko 'yung mga nangyari noon. Nahulihan siya ng drugs sa kotse at ginamit niya 'yun as getaway car kaso... nakabangga siya ng isang bata. Dead on arrival.
Lahat kami nagulat at natakot. Pero dahil sa karangyaan at perang meron kami, napawalang sala si Maximus. Naghalo ang emotion na naramdaman ko. Bata pa ako no'n pero alam ko ang tama at mali. Nagbenta ng ipinagbabawal na gamot si Maximus at higit sa lahat... nakapatay siya. Gusto kong makulong siya noon pero gusto ko rin siyang mapawalang sala. Ganon siguro 'no? Ito ang realidad.
Walang laban ang mahirap sa mayamang mapera at may kapit sa politika. Nakakasuka man ang katotohanan na 'yun, ganito na ang mundo. A mad world, indeed.
Sinadya kong puntahan si Maximus noon dahil sa pagaalala noong nalaman kong ilang beses na siyang nag tangkang kitilin ang buhay niya. Galit ako pero takot akong mawala siya. Pinilit ni tita Alice na maging malakas at ituwid ang kamalian ni Maximus pero masyado siyang matigas. Wala siyang kinakausap o pinapapasok sa kwarto niya. Isang linggo na rin siyang hindi kumakain.
"Kuya? It's tori. Can I talk to you for a second? Saglit lang, please? Papasok na ako ha.." Kumatok muna ako ng tatlong beses bago nagdesisyong pumasok na. Hindi naman naka lock ang pinto kaya hindi na ako nahirapan pa.
Madilim ang buong paligid, pumunta ako sa bedside table para buksan ang lamp shade. Nakahiga sa sahig si Maximus. Napasinghap ako sa gulat sa malaking pagbabago ng itsura niya. Magulo ang buhok, nangayayat at miserable. Mas naging visible ang jaw lines at cheek bones nito.
Maingat kong iniupo ni Maximus at hinaplos ang braso niya na punong puno ng cuts. Nakatulala lang siya sa kawalan. Tahimik at walang emosyon. Pinigil ko ang luha ko sa pagpatak. Hindi niya kailangan ng taong kakaawaan siya at ayaw kong maramdaman niya na kinakaawaan ko siya.
"K-kuya?" My voice cracked. "I miss you so much. Miss ko na kakulitan at pang aasar mo sa akin. Miss ko na rin 'yung ice cream dates natin. Tanda mo ba 'yung nginudngud mo ako sa rocky road na ice cream? Sabi ko sayo noon, 'sana mamatay ka na!' pero joke lang talaga 'yun. How can I love you if you're dead? How can I hug you if you're dead? Kapag nawala ka, hindi mo ba ako mamimiss?" Walang emosyon akong tinignan ni Maximus. Matamis na ngiti ang ibinigay ko.
"I love you, kuya. I will always be here kahit na talikuran ka ng lahat. I'll always be here. Kahit na ayaw mo, kahit na magalit ka, I will never leave your side. We're partners diba? Sabi mo we're bonnie and clyde. You're aware that bonnie and clyde died together diba? Then I'll die too if you die." Bago ko pa makita ang reaction niya sa sinabi ko. Niyakap niya akong mahigpit na mahigpit at umiyak lang.
I hugged him too. I didn't cry. Pinigil ko. Nanatili lang kaming ganon sa hindi ko mabilang na oras o minuto. Natigil lang si Maximus sa pagiyak nang pumasok si tita Alice na mukhang kumaripas ng takbo papunta rito.
Umiyak na rin si tita Alice nung makita niya kaming dalawa. Agad na lumapit at dinaluhan kameng dalawa ni Maximus na magkayakap.
Ang tagal na noon. 11 years old lang ako nung mga panahon na 'yon at 18 na siya. May mga naisip akong bagay na nagpagulo sa akin, sa utak ko. i****t? Kung sa papel ang pagbabasehan, oo, i****t dahil legal na in-adopt nila tito si Maximus and that makes him a Rizaldo, my cousin. Kung sa dugo, siyempre hindi i****t.
Tita Alice wants me to end up with him. Sa tuwing tinutukso ako ni tita sa harap ni mommy, pinagtatalunan nila 'yon. Hindi man tutol ang lahat, alam ko na hindi rin nila gusto 'yung idea na maging kami talaga ni Maximus. Given na mahal ko siya, I know him ever since I was born. Pero 'yung love na hanggang pinsan lang.
Kung mamahalin ko man siya katulad sa paraang gusto niya, ayaw ko naman na dahil lang naawa ako sakanya. Hindi niya deserve ang ganon.
Pinikit ko na lang ang mata ko at pinilit ang sariling kalimutan 'yung mga naisip ko.