KABANATA 1

1529 Words
Gone "How's your day, Seven?" Si dad, habang pababa ako sa sasakyan. Mukhang kakarating lang din niya galing sa law firm na pinagtatrabahuhan niya. "Just like yesterday," Tamad kong sagot.  Wala naman akong ganang makipagkwentuhan kay dad kapag tungkol na sa school. I think he knows that but still ask me the same damn question. Sabay na kaming pumasok sa loob. Ibinaba ko muna 'yung shoulder bag ko sa may couch. Si daddy naman ay pumunta muna sa kanyang office sa itaas. Dumiretso na ako sa kitchen para hanapin si mommy. Nanibago lang ako, ito kasi 'yung unang beses na hindi niya ako sinalubong sa paguwi. Madalas ay siya 'tong bumabati at nanguusisa kung may bago bang pangyayare sa school, kung may kaibigan na ba ako. "Yaya, where's mom?" Tanong ko. Galing na akong kitchen, garage, garden, pool area, entertainment room, gym, pero wala akong nakita ni anino ni Mommy. Nataranta naman 'yung dalawang maid at nagtulakan pa kung sino sa kanilang dalawa sasagot sa tanong ko. "I'm asking po. Sa'n si mommy?" Kinalma ko ang sarili. Ayaw kong magkaroon ng dahilan para mas masira pa ang araw ko. Badtrip na nga ako sa school pati ba naman dito sa bahay. "Ma'am ano po kasi..." "What?!" Bahagyang tumaas ang tono ng boses ko, lalong nataranta 'yung maids. Sa buong buhay ko ay ngayon lang din ako nakapagtaas ng boses sa maids. This isn't my usual self but... there's something bothering me about their reactions. "Di po naming alam ma'am..." Nakayukong tugon ng isa. Sa inis ko ay umalis na lang ako sa pool at pumunta sa office ni daddy para tanungin kung nakita niya si mommy. "Daddy? Do you know where's mo—" Napatigil ako nang makitang umiiyak si daddy, may hawak hawak na kapirasong papel sa kamay. "Dad?" Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Naramdaman ko na lang na may tumutulong luha na pala sa mga mata ko. I have a bad feeling about this.  Samu't saring ideya ang pumasok sa isipan ko kung bakit wala si mommy at bakit umiiyak si daddy. Nakatayo ako sa tapat ng  table ni dad kung saan siya nakaupo. Sobrang okupado ang pagiisip nito kaya hindi niya siguro napansin ang presensya ko. "Dad? W-what's wrong? Where's... mom?" Alangang tanong ko. Nanunuyot ang lalamunan ko at lalong tumindi ang takot ko nang nag-angat siya ng tingin sa'kin. Hindi ako nagdalawang isip na lapitan si dad. Niyakap niya akong mahigpit kasabay ang pag buhos ng mga luha niya, ganoon din ako. I'm scared. I'm so damn scared! I don't have any idea on what's happening but seeing my tough father breakdown like this!? Para akong sinusunog ng buhay. Ang sakit sakit. Sobrang sakit! Bumaba ang tingin ko sa table at sa lukot lukot na papel na kanina lang ay hawak niya. Sinuri ko 'yong maigi. Kinalas ni dad ang pagkakayakap sa'kin at pinunasan ang kanyang luha. Parehas kaming nagkatinginan, mukhang alam niya ang gusto kong iparating sa mga tingin ko. Hindi siya kumibo. Matapang kong kinuha ang papel at binuksan, naramdaman ko agad ang kamay ni dad sa balikat ko. "What the hell is this?! DAD! This isn't true!" Bulalas na wika ko. Ang bilis nang t***k ng puso ko. Gustong gusto ko ring magwala sa kinatatayuan ko! Hinding hindi kami iiwan ni mommy! I saw everything with my own eyes. I saw how she cares about me, about my dad and this family! She loves us dearly! This is impossible! I shook my head hysterically and screamed at the top of my lungs. "This was all made up! MALI 'TO! MAHAL TAYO NI MOM!" Patuloy lang ang pagsigaw ko.  Dad hugged me so tight that I almost lost oxygen. Pinagpupunit ko ang papel na hawak ko hanggang sa wala nang matira. Hinawakan niya ang mukha ko, pinapakalma ako. "Shhh, shhh. Anak... Anak." Walang masabi si dad. He's also breaking pero pinipilit niya akong pakalmahin. "B-baka ano.. baka biro lang 'to! Baka.. anjan lang si m-mommy pinapanuod tayo.." I sound stupid, pero sana ganon na lang nga diba? Sana biro na lang 'to. Umiling-iling si dad, bumuhos na naman ang mga luha ko. "Maybe she was kidn*pped? Dad! Do something! This can't be happening! I don't want this! Dad!" Napaupo ako sa sahig sa panghihina ng tuhod. Nalulunod ako sa sarili kong mga salita, sigaw ako nang sigaw na halos nabingi na ako. "Masama ba akong anak? Masyado ba ang maarte kaya ayaw na sa'kin ni mommy?" Paulit ulit na tanong ko sa sarili ko na pilit namang pinapaliwanag sa'kin ni dad na walang mali sa'kin. "No! Anak, listen to me. Walang mali sa'yo. Mahal na mahal ka namin, anak" "P-pero... b-bakit? Anong mali? I want to know! I want to understand why! Mom wouldn't do something like this!" Sigaw ko. "I-I don't know anak.." Namamaos at nanghihinang wika ni dad. I feel so lost. Dad is also lost. Wala siyang maisagot sa mga tanong ko. Alam kong pati siya'y 'yun din ang tanong sa sarili. Saan siya nagkulang at saan nagkamali. This is a nightmare! Kung panaginip man 'to... gusto ko na magising!  'Yung perpekto at buong pamilya ko, ngayon ay wasak at kailan man ay hinding hindi na mabubuo. Halos hindi ko na maidilat pa mga mata ko sa pamamaga. Hindi ko na alam kung hanggang anong oras kami nagiyakan ni dad basta ang alam ko... iniwan na kami ni mommy!  Dad knocked at my door three times as he called my name. Hindi ako sumagot sa mga tawag niya. Magang-maga rin ang mata ni dad. Mukang papasok pa ring si dad sa office kahit na maga rin ang mata niya, mukang walang tulog. Umupo siya sa gilid ng kama ko at binaba ang dala dalang tray para sa breakfast ko. "Good morning, Sev." Pagod na bati ni dad, kahit na mukang bibigay na ay pinilit paring ngumiti at magmukhang matatag sa harap ko. Nag iwas akong tingin at baka maiyak na naman ako sa sakit. "Kainin mo 'to bago ka pumasok. Umuwi ka rin ng maaga ha?" Hinalikan niya ako sa noo at tumayo na sa pagkakaupo. Hindi ko pa rin magawang tumingin kay dad. Naririnig ko ang mga yabag ng sapatos ni dad papalayo sa kama ko, ramdam ko na rin ang mga luhang gustong kumawala sa mata ko. "Be strong, anak. Mahal na mahal kita." 'Yun ang huling sinabi niya bago isinarado ang pintuan at kasabay ang pagbuhos ng mga luha sa mata ko. Ilang beses na nag ring ang phone ko sa tawag at text ng mga pinsan ko sa'kin. Wala na ring natitirang lakas pa sa katawan ko para bumangon at kunin iyon. Lumipas ang buong araw na nasa loob lang ako ng kwarto.  Kung hindi tulog ay umiiyak naman. Narinig ko ang boses ng mga pinsan ko sa labas ng kwarto. Mukhang dito na sila agad dumiretso after matapos ng mga klase nila. Sa mga katok at tawag nila, ni isa wala akong sinagot. Alam nila na ayaw kong pumapasok sila sa kwarto ko na walang pahintulot. Bilin din ni dad na walang lalaki ang maaring makapasok sa kwarto ko, maliban sa kanya. Pinsan man o kaibigan, bawal. Dipende na lang kung may pahintulot ko. Nagtakip na lang ako ng tenga dahil rinig na rinig ko ang mga tawanan nila. "Si Harem muntik na mahuli ng president ng SSC na may kahalikan sa lab!" Sabay tawang malakas ni Matrix. "Si Hanabi 'yon diba?" Tanong ni kuya Xenon. "Oo! 'Yung namahiya at nambasted sa kanya." Sagot ni Matrix. "Gago! She's not even my type, assholes!" Giit ni Harem "Kaya pala homescreen mo 'no? Kasi 'di mo type..." Sarkastikong wika ni Matrix. Sa may pintuan pa talaga sila nagkwentuhan. Tungkol sa school at babae lang naman ang pinaguusapan nila. Nagaalala lang naman sila sa'kin. Sa tingin nila ay kahit sa ganong simpleng paraan makakatulong na sila para mawala ang lungkot ko kahit papaano. Antagal din nila sa pintuan ko at gumabi na. "Ri, uwi na kami ah! Sunduin ka namin bukas." Kumatok si kuya Xenon. Nag vibrate ang phone ko at binasa mga text messages. Harem:  We're worried about you, Ri. : ( Matrix: Pasok ka bukas! Libre kita ng paborito mong Lasagna. Kuya Xenon: See you tomorrow, Princess! Ni isa ay wala akong nireplyan sa kanila. May mga na-received din akong text galing kay daddy, lolo. Habang binabasa ko 'yun ay naiyak na naman ako. "Ang tagal tagal ko namang magising!" Sabi ko sa sarili ko habang sinasampal-sampal ang sarili. Fuck! I need to be strong for myself and for dad. Kapag naging mahina ako, pati si dad ay maapektuhan. Iniwan na talaga kami ni Mom.  Isang linggo rin akong hindi pumasok pero ang alam ni dad ay pumapasok ako. Naghahanap lang talaga ako ng information kung nasaan si Mommy. Itinago ko rin sa mga pinsan ko 'yung plano ko dahil pipigilan lang naman nila ako. Sa loob ng isang linggo na 'yon, wala akong nahanap na kahit ano. Nanatiling tanong sa isipan ko kung bakit niya kami iniwan at kung nasaan lugar siya. Mom is an orphan. Wala rin akong kakilalang mga kaibigan niya dahil lumaki siya sa Laguna.  Ang alam ko ay pinahanap ni dad si mommy sa laguna pero walang bakas na tumapak ang mga paa niya sa kahit saang parte ng Laguna. Secret affair? 'Yun ang naisip ko. 'Yun ang huling pwedeng maging dahilan ni mommy pero iginiit 'yun ni daddy. Hindi raw ganong klaseng babae si mommy. Of course! No. Never in my wildest dreams na magkakaroon ng secret affair si mommy... Sana...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD