C50 CHARLOTTE POV Napalingon ako kay Isaiah habang mahigpit niya akong niyakap mula sa likuran. “Bitawan mo nga ako!” Inis kong sigaw sa kany. Kararating lang namin sa bahay at ito na naman siya, nilalandi ako. Akala niya siguro ay natutuwa ako sa kanya. May pasigaw-sigaw pa kasi siya at ayaw akong sundin. “Wife, bakit ba galit ka na naman sa akin?” Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. “Bakit hindi? Eh pinapahiya mo ako sa mga kaibigan mo!” Irap kong wika habang pilit na inalis ang mga braso niya na nakapulupot sa bewang ko. “Akala ko ba mahal mo na ako?” Natigilan ako dahil sa kanyang sinabi. Hindi ko kasi akalain na kaya niyang mag-drama, kaya hindi ko mapigilan matawa. “Kita muna! Pinagtatawanan mo lang talaga ako.” Binitawan niya ako, kaya napatingin ako sa kanya na umupo sa

