BS#2 WIWYM C48 ISAIAH POV Nang makita kong humandusay sa sahig si Mommy ay bigla nalang akong nanginginig. Tinangka ko silang lapitan pero hindi ko magawa dahil kailangan kong magtago. Mukhang wala na sa katinuan si Ashley, kaya kailangan ko siyang pigilan. Pero para akong mababaliw sa kakaisip sa mag-ina ko. Gusto ko silang lapitan para masiguro na ligtas sila, pero paano? “Isaiah!” Napasilip ako ng marinig ko ang boses ni Ansel. Muli naman akong nagkubli ng paputukan akong muli sa mga tauhan ni Ashley. Fvck! Ano ba kasi ang ginawa niya rito? At paano siya nakapasok sa room namin? Sinubukan ko ulit na sumilip ng marinig ko ang pagpapalitan nila ng putok. Damn! Kailangan kong makalabas dito! Hindi ako pwedeng magtago nalang. “Isaiah!” Muling tawag ni Ansel sa akin habang napatingin a

