C6
Nang makarating ako sa bahay ni lola ay agad akong yumakap sa kanya at humagulgol ng iyak.
“Lola Maria,” sambit ko habang umiiyak.
“Apo, huwag ka nang umiyak, na miss kita ng husto apo, kayo ni Ansel.” ngiting wika ni lola ng kumalas na ito sa pag-yakap sa akin at pinunasan ang aking mga luha.
“Kumusta na ang maganda kung apo hmm, bakit iyakin ka pa rin,” hindi ko naman mapigilang mapangiti, dahil sa sinabi ni lola. Sa kanya ko lang kasi nararamdaman ang totoong pagmamahal na hindi ko nararamdaman sa mga magulang ko. minsa naiisip ko na lang na baka ampon ako nila mommy at daddy.
“Halik na apo, siguradong napagod ka sa byahe at alam kung gutom ka na rin,” masayang wika ni lola sa akin. Dati gusto kong sumama sa kanya ngunit dahil sa pagmamahal ko kay Isaiah ay mas pinili kong makasama ito at kahit sa malayo ko lang siya nakikita ay masaya na ako.
Masaya kaming nag-kwentohan ni lola bago ako pumasok sa aking silid. Nang mahiga ako sa kama ay hindi ko maiwasang mapa-iyak ulit. Dahil naalala ko na naman ang ginawa niya sa akin.
“Bakit mo ba ginawa sa akin ‘to Isaiah, wala naman akong masamang ginawa sayo, eh, minahal lang naman kita ng totoo.” iyak ko pang wika habang nakatingin sa kanyang picture sa aking phone.
“Siguro kailangan ko nang tanggapin na hindi mo talaga ako gusto at kahit kailan hindi mo ako magugustuhan,” wika ko sabay punas ng aking mga luha. Kailangan ko na siyang kalimutan para hindi na ako masaktan pa ng dahil sa kanya. Isa-isa kong binura ang kanyang mga picture na nasa phone ko. mga stolen shot ito sa tuwing palihim ko siyang sinusundan sa school.
Kinabukasan ay maaga akong ginising ni lola para samahan sa bago kong papasukang paaralan.
“Lola, hindi po kaya nakakahiya doon,” wika ko habang sakay kami sa kotse ni lola.
“Apo, bakit ka naman mahihiya sa kanila sa ganda mong ‘yan,” ngiting wika ni lola sa akin. Si lola lang ang laging nagsasabi sa akin na maganda ako.
Nang marating namin ang bago kong papasukang school ay si lola na ang kumausap sa office at pinapasok naman ako sa isang classroom. Hindi ko naman mapigilang mahiya lalo na at pinag-titinginan ako ng mga estudyante.
“Guy’s let’s welcome your new classmate.” wika ng professor habang nakatayo ito sa harap ng mga estudyante. Tumingin naman sila sa akin kaya humarap ako sa kanila.
“M-my name is Charlotte Garcia. I am eighteen years old and I am from the Philippines, n-nice meeting you,” wika ko sabay yuko.
Itinuro naman sa akin ang aking upuan kaya umupo agad ako rito.
“Sinusundan mo ba ako?” Napalingon ako sa aking katabi dahil sa kanyang sinabi, at biglang namilog ang aking mga mata ng makilala ito, dahil siya ang bagong kaklase ko rati na laging nanghihiram sa akin ng bullpen. Pero bakit din siya nandito.
“A-anong ginagawa mo rito?” takang tanong ko sa kanya.
“Nag-aaral bakit?” kunot-noo niya namang sagot sa akin.
“Ikaw bakit ka nag-transfer dito? Siguro stalker kita kaya sinusundan mo ako.” wika niya na ikinakunot ng aking noo.
“Ano?” hindi ko namalayan na tumaas ang aking boses dahil sa sinabi niya, kaya napalingon sa amin ang mga kaklase namin.
“By the way I’m Raven.” wika niya sabay taas ng kanyang kamay.
“Charlotte,” sambit ko habang inabot ang kanyang kamay.
“Iknow,” ngiting wika niya sa akin.
“Paano mo nalaman? Siguro ikaw ‘yong stalker ko.” kunot-noo kong wika sa kanya na ikinangiti niya.
“How can I forget your name, diba sinabi mo kanina ang pangalan mo. At isa pa ang mga ballpen mo na hiniram ko nilalagyan mo ng pangalan tsk.”mahabang wika niya.
“May pangalan naman pala. Bakit hindi mo binabalik? Ngayon may ballpen ka na ba? Baka manghiram ka na naman,” wika ko habang pinipigilan matawa. Akala ko rati masungit siya pero hindi naman pala. Siguro rin hindi ko lang napapansin siya dahil kay. Hmm, kailangan ko na siyang makalimutan, Charlotte ano ba.
“Nalipasan ka ng gutom?” wika niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
“Sira,” sambit ko na ikina-ngiti niya.
Nang tumunog ang bell ay nanatili lang ako sa aking upuan, wala naman kasi akong mapupuntahan at wala rin akong kilala bukod kay Raven na kaklase ko rin dati.
Napalingon naman ako ng may nag-abot sa akin ng pagkain.
“Kunin mo na nangangalay na ako.” Kunot-noo niyang wika kaya agad ko itong kinuha.
“Salamat, nag-abala ka pa.” wika ko habang binuksan na ito.
“Bakit hindi ka lumabas para makita mo ang buong school.”aniya.
“Huwag na mas maganda naman dito.” aniko.
“Tsk. Halika na nga.” wika niya sabay hila sa akin.
“Hoy! Raven saan mo ako dadalhin ha?” tanong ko sa kanya habang hila niya pa rin ang aking kamay.
“Mamasyal tayo.” aniya na ikinabilog ng aking mga mata. Baliw ba siya saan naman kami pupunta.
“Raven. Saan ba tayo pupunta baka hahanapin ako ng lola ko.” wika ko sa kaya habang nasa parking lot na kami.
“Tsk. Ang laki mo na, takot ka pa rin sa lola mo. Get in.” wika niya habang pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan. Hindi ko naman mapigilang mamangha dahil sa ganda ng kanyang sasakyan isa kasi itong sports car na kulay itim.
“Hindi ko alam na gentle man ka pala.” wika ko nang makapaupo na siya sa driver seat.
“Tsk, of course, hindi lang ako gentleman mabait pa.” pagyayabang pa niya na agad kong ikina-iling.
Lumipas ang isang taon na namamalagi ako sa poder ni lola. Unti-unti ko na rin nakalimutan si Isaiah, dahil kay Raven. Simula ng maging magkaibigan kami ay itinuturing ko na siyang kapatid. hindi rin siya mahirap pakisamahan kahit minsan ay lalabas talaga ang kanyang kayabangan. Natoto na rin akong magsuot ng mga sexy na damit dahil sa kanya. Pati ang aking malaking salamin ay pinatanggal na niya dahil ang pangit pangit ko raw kapag suot ito.
“Iha, nandyan na si Raven sa baba hinihintay ka.” wika ni lola habang nag-aayos ako sa aking sarili.
“Opo lola, bababa na po ako,” sagot ko sa kanya.
“Saan na naman kayong dalawa pupunta?” ani lola.
“Sa bar po la, saglit lang naman po kami.” wika ko sabay yakap sa kanya.
“Mag-ingat kayo apo. Alam mo ba masaya ako at unti-unti nang bumalik ang mga ngiti mo,” wika ni lola habang hinahaplos niya ang aking pisngi.
“Anyway iha, tumawag ang daddy mo. Hindi mo pa rin ba siya kausapin?” wika ni lola habang niyakap ko siya. simula kasi ng makarating ako dito ay itinago ko na ang aking phone. Sa email ko lang din nakakausap ang kapatid ko.
“La, ayaw ko pa po muna makipag-usap kay daddy baka po pauwiin niya ako,” wika kokay lola habang bumaba na kami ng hagdan.
“Hi, ang tagal niyo naman kung hindi lang kayo maganda iniwan ko na kayo.” wika ni Raven sa natatawang bosses.
“Hay, nako ikaw talaga apo. Kaya feeling ko bumabata ako dahil sa mga sinasabi mo.” wika ni lola sa natutuwang boses. Simula kasi ng ihatid ako dito ni Raven apo na rin ang tawag ni lola sa kanya.
“Sinabi ko na nga sa inyo na ipakilala kita sa lolo ko para may love life kayo.” ani Raven na agad ikinalaki ng aking mga mata.
“Raven! Ano na naman ba kalokohan mo.” singhal ko sa kanya. Habang natatawa lang sa amin si lola.
“Bakit mo naman kasi itulad sa iyo si lola na walang love life.” asik niya rin sa akin.
“Sira ka ba?” singhal ko naman sa kanya.
“Hay, nako kayong dalawa talaga, nag-uumpisa na naman kayo.” saway ni lola sa amin.
“Paano kasi la, lagi ka na lang niyang nirereto sa lolo niya.” maktol ko namang sabi kay lola.
“Anong gusto mo. Ikaw ang ipakilala ko. ouch!” daing niya ng hampasin ko siya sa dala kong bag.
“Umalis na nga kayong dalawa para matigil na kayo.” wika ni lola sa natatawang boses.
“Sige po la, basta la ipakilala ko sayo si lolo.” ngiting wika ni Raven habang hinihila ko na siya.
“Mag-ingat kayo!” wika ni lola habang sumakay na kami sa sasakyan ni Raven.
“Ang bagal mo naman magpatakbo pangit.” wika niya kaya nilingon ko siya.
“Ikaw kaya mad-drive? Alam mo ngayon ko lang na-realize na kaya mo pala ako tinuruan mag-drive dahil gagawin mo lang akong driver. Look sayang ang ganda ng damit ko.”wika ko sabay irap sa kanya, dahil simula ng tinuruan niya akong magmaneho ng sasakyan ginagawa na niya akong driver. Lalo na kapag nalalasing siya at minsan naman may kasamang babae.
“Hahaha ano ba ‘yan ang slow mo naman bakit ngayon mo lang alam.” tawa pa niyang sabi sa akin, kaya inirapan ko na lang ito.
“What if magpatayo tayo ng hotel natin pangit? May pera ka naman siguro.” wika niya kaya napalingon ulit ako sa kanya.
“May savings na naman ako pero hindi pa ‘yon gaano kalaki.” sagot ko sa kanya dahil maganda naman ang idea niya.
“Okay lang ‘yan magsimula na lang muna tayo sa maliit.” aniya na ikinatango ko.
“Kailan natin gagawin ‘yon?” ani ko.
“Bukas i-withdraw mo na ang pera mo para makabili na tayo ng maliit na building. Ipapa renovate na lang muna natin.” aniya. Kaya tumango ako. Sana lang maging successful ang gagawin namin.