C H R I S T O N Tinawagan ako ni Ashley at pinapapunta niya ako kila Gianna, pinapamadali niya ako kaya nag drive agad ako papunta kila Gianna. Dire-ditetso ako pumasok ng bahay at laking gulat ko na walang malay si Gianna sa mga bisig ni Ashley. "Hindi pa sumasagot si David." Nag aalalang sabi ni Manang kaya ako na yung bumuhat kay Gianna para isakay sa kotse ko. "Keep on calling him, do you know who's her doctor?" "Yung pinsan niya si Louvie." Tiningnan ko si Ashley. "Get her number to them and call her, atleast do something." Utos ko. At nag madali na akong lumabas habang buhat si Gianna. Nung makita ko nakasunod sa akin si Ashley, sa likod ko siya pinaupo para alalayan si Gianna. Sumakay na din ako para mag drive, narinig ko na nakausap na ni Ashley ang pinsan ni Gianna. "What

