P A T R I C I A Nung dinaanan ko ang room nila David, nagtaka ako kung bakit nakabukas ang pinto nila. Kaya lumapit ako dito para silipin, kumunot noo ko na ang kalat ng kwarto may vase na basag, kaya pumasok ako sa loob. "Mr. Villafuerte?" Biglang bumukas ang pinto ng bathroom at lumabas doon si David na may dalang bag. "David." Pero hindi niya ako pinansin, dadaanan niya lang sana ako kaya pinigilan ko siya. "What's wrong?" "Pay the damage I did, mauuna na ako sa inyo." "How about your wife?" Tanong ko nung mapansin ko hindi niya kasama si Gianna. "May sumundo na sa kanya." Pagkasabi niya nun iniwan na niya ako. Kaya nag madali ako pumunta sa kwarto ko, niligpit ko ang mga damit ko, nilagay ko ito sa bag ko. Hindi na ako nag palit ng damit, lumabas na ako sa kwarto dala ang

