C H R I S T O N PAGBABA park ko ng kotse ko sa tapat ng bahay nila Gianna, bumaba na ako. Nung makilala ako ng bantay nila, pinapasok kaagad ako sa bahay. "Si Summer?" Tanong ko sa katulong. "Hindi pa po siya gising sir, gisingin ko nalang po muna." Tumango ako. "Pakiready na din siya, may lakad kasi kami." Tumango ang yaya, kaya umupo na ako sa sofa nung iniwan niya ako sa sala. "Saan mo dadalhin ang apo ko?" Tumayo kaagad ako nung marinig ko ang boses na yun, lumingon ako sa direksyon kung saan galing ang boses na yun. Nung makita ko ang mommy ni Gianna na papalapit sa akin, lumapit agad ako dito para sana mag mano kaso dinaanan niya lang ako when I gesture myself para mag mano. I know she don't like me, I can feel it. Kaya pilit akong ngumiti at humarap sa kanya. "I am asking

