Isang buong araw na hindi tumawag o nagpakita si Paul kay Andrea.
Nasanay siyang sa mga nagdaang araw ay lagi itong nasa tabi niya na wari moy napaka-Sweet sa kanya.
Well, that’s what people believe especially their family.
Handa na ang lahat ng kailangan for their marriage. Papers, visitors, reception at ang gown na susuotin niya. Maaga siyang nagising ngayon to welcome her relatives from US. Hindi siya makapaniwalang bukas na ang kaniyang kasal.
Her dad and Mr. Juaquin Trinidad, her future father in law also took a leave today for the preparation of their wedding. Ayaw nilang ma-stress si Andrea sa araw ng kanyang kasal kinabukasan dahil sa pagod. Para lang siyang prinsesa na tagasabi ng ‘Yes’ or ‘No’ if she likes it or not. Pinipilit niyang magmukhang masaya sa harapan ng mga ito kahit punong puno siya ng galit at pagdaramdam.
In just six months Andrea, kaya mo 'to.
She is trying to convince herself.
“Hija, halika. Eto ang design ng cake na pinili mo para bukas. Do you like it? Did Paul call already?” Sunod-sunod natanong ni Don Alfonzo habang hawak-hawak ang folder mula sa kanilang event planner na mula pa sa ibang bansa.
“Y-yeah.. He said he’s busy today. Ayaw daw niyang mabahala ang mga empleyado niya while he is on a vacation.” Hindi niya alam kung saang sulok ng isip niya nakuha ang lumabas sa kanyang bibig para pagtakpan ang kanyang fiancé.
“Kaya naman pala hindi nanaman siya umuwi kagabi sa bahay.” Hayag naman ni Mr. Trinidad, ang ama ni Paul.
Hindi siya umuwi? Saan nanaman kaya siya nagpunta? Bulong ni Andrea sa sarili.
Napakahirap para kay Andrea ang magkunwaring masaya. Lalo na ang pakikisama niya sa kanyang Daddy na parang wala lang ang lahat ng nalaman niya.
But this is only within six months at handa na siyang panindigan ang plano nila ni Paul.
“Andrea, don't tell me wala kang bridal shower tonight? Gosh! Andy, last na to! “
Si Sab, ang kanyang maarte at sosyalerang kaibigan kasama si Nikki. Dumalaw ang dalawa sa kanya dahil nga bukas na ang kanyang kasal.
Nasa kwarto lang siya pag hindi kailangan ang kanyang ideya sa nalalapit na niyang kasal.
Hindi pa ito ang last at hindi na kailangan. Hindi naman forever ang kasal na ito.
Kamuntikan na niyang masabi.
“There's no need for that. My dad doesn't want me to go out. Dito nga lang ako nakakulong. Pumili lang ako ng mga gusto ko for my wedding. Sinukat ko lang yung pinadalang gown ni Paul. Yun lang. Ni hindi ako napagod.”
“Hoy Andrea, kaylan mo balak ipakilala samin yang fiance mo na yan ha? Aba kasal niyo na bukas bakla! Ni hindi man lang kami invited dati sa proposal niya sayo.”
Si Nikki naman ang nagsalita. Ang kanyang kaibigang wagas kung makasermon.
“Proposal nga diba? Anu? Aware ako na biglang magpo-propose sakin ang Boss ko?”
“Yan, isa pa yan. Nagtrabaho ka sa kumpanya niya? Ni hindi mo manlang na-share yung mya kilig moments niyo? Aba Andy buti pa nung nasa US ka, nakakachika pa kita. Ni ayaw mo pang tumawag. Bruha ka talaga, buti nalng may news paper at TV!”
Mahabang himutok ni Nikki sa kanya.
“Sorry na... Hindi ko rin alam. Sobrang bilis lang ng mga pangyayari.”“
"OMG! Andy! May nangyari? E di hindi kana virgin?!” Si Sab, exagerated talaga!
“Yuck! Sab ano ba! Ambaboy nito eh.. Wala! Ano kaba.”
“Grabe, samin ka paba maglilihim? Haha! Wag ka ng mahiya. Kaloka ka.”
Muling tumawa si Sab. Palibhasa sanay ito sa mga ganung usapan. Nabuntis ito nung college palang sila, and she wasn't sure kung sino ang ama nito sa dami nila.
“Hoy Sab. Wag mo ngang igaya yang tao sayo.. Tumahimik ka na nga diyan.”
Paninita naman ni Nikki na mas matanda sa kanila ng dalawang taon. Kasal na ito sa isang Lawyer na si Anthony, schoolmate nila nung college and is happy with her two kids.
“haha!! nagbibiro lang naman ako. Anyway, una na ako. May date pa ako e.” Kinikilig si sab. May bago nanaman itong blind date.
“Wag kang malelate bukas! Pag ako kinasal ng kulang ang abay lagot ka sakin!”
“I know right! Bye!” Saad pa nito habang papalabas ng kwarto.
“Going back to your fiance, Asan na siya? Ano nasa office pa? Don't tell me mas inuuna pa niya trabaho niya kesa sayo.”
Nakaarko nanaman ang mga kilay ni Nikki.
“Of course not. Ayaw nina Dad na pumunta siya dito sa araw bago ang kasal. Masama daw yun.”
“Sus, daming ek-ek. Hindi totoo yun. So pano? Pano ka nainlove ng ganun kadali sa lalakeng yun? Ilang months ka lang nagtrabaho sa kanya. Kinikilig ka na agad.”
Simpleng smile lang ang iginanti niya sa reaksyon ng kanyang kaibigan. Kung alam lang sana nito na halo-halong emosyon ang nagpapabigat ngayon sa kanyang dibdib.
“Seriously Nikki? Hindi kaba masaya na ikakasal na ako?” Paglilihis nito sa tanong ng kaibigan.
“Of course I am. Pero tignan mo naman yang sarili mo day! Ni walang bakas ng excitement. Ikakasal kaba talag?a”
Bakit ba ang tunay na kaibigan hindi napaglilihiman. Nikki, don't force me to say it. Sobrang bigat na ng dibdib ko. Ang hirap palang magsinungaling sa mga taong mahal mo. Sambit nito sa sarili.
“Hoy! Bat ka natahimik?”
“Wala, kinakabahan lang ako.” Sinikap niyang hindi tumingin sa mata ng kaibigan.
“Andrea, bago ang lahat. Nais ko lang ipabatid sayo. Marrying is not like a spoon of food that if it is hot, you can easily spill it.”
Tama, ngunit ibang kasal ito. Ito ang kasal na pagkatapos ng six months, isusuka nalanmg ako bigla.
"Thanks Nikki, alam ko naman 'yun eh.”
“E bakit ganun? Parang may nararamdaman akong mali eh. Bakit parang may kulang sa ngiti mo? Kilala kita Andrea, hindi ka makakalihim sakin.”
Hindi ito mapakali sa pagkakaupo sa kanyang kama samantalang si Andrea ay hindi naman makatingin sa kanya ng diretso.
“Ha? Lihim? Anong lihim, wala ah.” Pag-iwas nito.
“Sus-mar-yosep Andy. Naging intern tayo pareho ng isang kumpanya, ang kumpanya niyo mismo. Nung nag-US ka, nagtrabaho na ako agad. Alam ko kung ano ang ibig sabihin ng Merging sa dami na ng kumpanyang pinasukan ko.”
Of course, alam ni Andy ito. Alam din niya that her friend has that idea. Pareho silang nagtapos ng Business course. Tinignan niya ito sa mata.
“You think that is the reason kung bakit ako ikakasal?”
“Ikaw Andy? Ano sa tingin mo?”
Napayuko na si Andrea at tuloy-tuloy na ang pag-agos ng masasaganang luha mula sa kanyang mga mata.
“Anak nang-!”
Nanggagalaiti si Nikki ng makitang naiyak na ang kanyang kaibigan.
Niyakap niya ito.
“Bakit ka pumayag? Bakit mo hinahayaang hawakan ng Dad mo ang buhay mo? And worst? Bakit ngayon lang Andy. Sana sinabi mo saakin para sana natulungan kita kahit payo lang. Nasan na ang kilala kong palaban at brat na Andrea?”
“I thought I had a very wonderful proposal. Yun ang buong akala ko. Hindi ko alam na arranged marriage pala ito.”
“God, Andrea.. Alam ba ni Paul?”
“Siya ang nagsabi sakin. Na scripted lang lahat ng proposal niya. Kasi yun ang gusto ni Dad at ng Dad niya. Ang palabasin sa mata ng mga tao na nagmamahalan kami. Na wala kaming choice kundi pumayag kasi malaking kahihiyan kung ngayon pa ako aatras.”
“Then why the hell are you not doing anything to stop this?”
Napapalakas na ang boses nito.
“Nanganganib ng ma-bankrupt ang kumpanya nina Paul. Alam ni dad ang tungkol doon ang he also wanted to help them.”
“At kasama ka sa tulong na yun? Ano ka? Relief goods?”
“No, bata pa daw kami napagkasunduan na nina Dad na magpapakasal kami. And maybe it was also my mother's wish. Kasi gusto nilang sa pamilya lang namin umikot ang kayamanang iniwan sa kanila ng lolo ko.” Sinikap nitong pakalmahin ang sarili at ang kaibigan sa mga rason na kahit siya ay hindi niya matanggap.
“So ganun nalang yun? Oo ka nalang kahit di mo mahal yung tao? E siya? Mahal kaba niya? At bakit kaba kasi umo-O sa gabing yun!”
Oo Nikki tama ka, hindi niya ako mahal. Kasi may mahal siyang iba. Ako naman si tanga, sumakay sa drama.
Natahimik siya sa kadahilanang maski siya ay hindi niya maipaliwanag sa sarili kung bakit.
“Hindi na natuto ang Dad mo, sabi mo diba arranged marriage din yung sa kanila ng late Mom mo?” Dagdag pa nito.
Of course she knew everything. Siya ang crying shoulder ni Andrea mula pa nung bata pa sila.
“May annulment naman kung hindi magwork.”
Sorry Nikki, hindi ko pa pwedeng sabihin sayo ang tungkol sa prenuptial agreement namin ni Paul.
“Sus ginoo! Pakinggan mo nga yang sinasabi mo? And what if you will fall for him? Masasaktan ka lang kung hindi ka matututunang mahalin nung tao. Papahirapan niyo lang ang isat-isa.”
“Eh di pipigilan ko ang sarili ko. Ako mai-inlove dun? No way! That ice cold hearted business man? It's a NO!”
Pero oo, may kirot, may hapdi siyang nararamdaman.
“Yun na nga friend eh. You don't like each other pero pinu-Push niyo parin 'to. I will talk to him!”
“No Nikki. Just- Just let me handle this Ok? At walang pwedeng makaalam nito. Everybody knows the proposal was real. Even my relatives. At hindi rin alam ni Dad na alam ko na ang lahat. Na arranged marriage lang to. Dad really knows me. Alam niyang magrerebelde ako pag nalaman ko kaya dinaan nila sa ganito.”
“Hay naku Andrea, sige. Susuportahan kita dahil kaibigan kita. Pero kapag dumating ang araw na pagsisihan mo ang bagay na yan. Wag kang i-iyak iyak sa harapan ko at babatukan kita. Wag mong sabihing may nararamdaman kana sa Paul na yun kaya hindi ka tumatanggi sa papa mo?”
“Syempre wala! At hindi mangyayari 'yun. Ayokong kausapin si Dad, baka kung anong masabi ko. Napakaselfish ko naman kung sarili ko lang iisipin ko. Pano naman ang mga empleyado ng mag Trinidad kung magsasara ang kumpanya nila.”
“Wow! Clap! Clap! Clap!"
Pumalakpak pa ang kanyang kaibigan.
“At utang na loob mo pa palang isalba ang kumpanya niya?” Nakataas ang kilay nito. Para siyang ate sa kanya na labis naman niyang ipinagpapasalamat.
“You don't undrstand.”
Nalungkot ito. Sino nga bang makakaintindi sa kanya. She's doing it not only for them, it's for her Mom. Selfish na kung selfish. Pero tama na ang kahibangan sa arranged marriage na 'yan. Isa siyang Montemayor, remember? Hindi basta basta magpapatalo sa larangan ng business.
“Ok, fine. sige na. No comment na. Feel ko naman eh, you like him talaga.”
“Hindi ah!” Maagap nitong sagot.
"Hindi ko din alam, pero sa ngayon. Mas mahalaga ang kumpanya ng mommy ko."