THIRD PERSON'S POV Bumaba si Lance sa hagdan mula sa kanyang kwarto, upang sumalo sa kanilang hapunan. Habang pababa siya ay napakunot-noo siya, nang marinig ang pamilyar na boses mula sa kanilang sala. Nakikilala niya ang mga boses na iyon at nang tuluyan na nga siyang bumaba ay nakita niya ang kanilang bisita. Lumingo sa kanya ang babaeng hindi naman niya nais na makita ng sandaling iyon. "Babe!" tawag ni Cassy sa kanya at tumayo ito upang lumapit sa kanya. Agad itong yumukap sa kanya nang makalapit ito. Wala siyang naging tugon sa yakap nito at nanatiling blanko ang kanyang tingin, bago inilipat sa kanyang magulang ang kanyang mga mata. Doon niya nakitang nandito rin pala ang magulang ni Cassy. "Ijo," tawag sa kanya ng ama ni Cassy. Tumango lang siya dito at muling tiningnan si Ca

