Tulad ng sabi ni Erica ay pumunta ako kinabukasan sa resort na sinasabi niya. Nakilala ko rin ang asawa niya at mabait naman ito, nakikita ko rin kung gaano nito kamahal ang pinsan ko. Hinatid nila ako dito sa resort na sinasabi niya at nakausap na rin niya ang kaibigan niya tungkol sa akin. Kaya binigyan pa nila ako ng discount, at sa isang executive room ang binigay nito sa akin. Nasa labas pa lang ako ng hotel ay talagang makikitang maganda nga ito. Malawak at napaka-refresheng ang simoy ng hangin...maging ang magandang dagat nito, na tila ba hindi mo aakalaing nasa pilipinas ka lang pala. Sinabi din sa akin ng kaibigan ni Erica, na may swimming sa rooftop ng hotel at nais nitong makapunta rin ako doon. Hinanap ko ang hotel room na binigay sa akin at nang makarating ako ay pumasok a

