ERRIES POV Pabagsak akong humiga sa kama, matapos kong makapasok sa hotel room. Mas pinili kong mag isa sa kwarto kaysa magkaroon ng kasama, dahil sagabal lang iyon sa akin. Napapikit ako at hindi pa rin mawala sa aking isipan ang tungkol kay Truce. Hindi ko alam kung ano ba ang dala niya sa akin. Tsk! He did approached me, and I'm sure, he have a reason to it. He's worried about Lance, because of me. Hmmm.. Tumayo ako at kinuha ang bag, saka kinuha ang phone. Kinontak ko si Juliana para alamin ang tungkol kay Truce. Nakakailang ring pa lang ay sinagod na agad niya. "Hello, bessy? What can I do too you?" Naipaikot ko na lang ang aking mata dahil sa landi ng boses niya. Sanay na naman ako sa ganoong ugali niya, pero kapag narinig siya ng iba ay talagang iisipin ng mga ito na malandi nga

