Hindi mawala sa isip ni Cassy ang huling binitiwang salita ni Raymond sa kanya, tungkol sa nararamdaman ni Lance kay Erries. Alam niya sa sariling dehado ang nararamdaman niya para sa binata, dahil may ibang babae itong mahal. Subalit, nasa isip pa rin niya ang huwag sumuko agad, lalo na at mahalaga sa kanya ang binata. Panghahawakan niya ang karapatan niya bilang fiancee nito at hindi niya iyon bibitawan para lang sa nararamdaman ng dalawa. Matapos nilang magkausap ni Raymond ay humingi siya ng tawad dito sa mga nangyari, Lalo na sa nagawa niya Kay Chandrie. Ngunit, hindi niya pa mahaharap ang kaibigan dahil sigurado siyang galit pa rin ito. Hinayaan naman niyang maunang umalis si Raymond at nang makaalis ito ay nagpasiya na rin siyang umalis doon. Nagpasiya siyang sa mall na lang kakai

