"Nakita rin kita....Calvin Henric Vaxio..." tugon nito at nagsitayuan ang aking mga balahibo. Paano niya nalaman ang pangalan ko kung hindi ko pa siya nakikilala?
Ano ang nangyayari sa araw na ito?.....
______________________________
September 23, 2020
Time: 12:50
"S-sino kaba talaga....?" nanginginig kong tanong, wala akong nararamdaman na takot o pagaalala pero nanginginig ang aking katawan.
"Profe-...hindi pala, Mister Vaxio. Kailangan mong sumama sa akin" ani nya and she offered a hand to me, like asking me for her help.
Inatras naman niya ang kamay niya at umiling, "Ang tanga ko talaga, syempre hindi ka sasama sa hindi mo kakilala tulad ko" ani niya. Buti alam niya na hindi ako basta-basta sasama sakanya.
"Pero....pagkatiwalaan niyo ako Prof- I mean Mister Vaxio! Importante ang ipapakita ko sainyo, tungkol ito sa kinabukasan mo...at ng ibang tao." ani niya at nanlaki naman ang aking mga mata, tungkol sa kinabukasan ko?
Lumapit siya sa akin at inabutan ako ng isang papel, tumungo siya sa akin at binuklat ko ito. Magugulat talaga ako sa nakita ko dahil sarili kong pangalan ang nakalagay sa liham at totoong sulat kamay ko ito.
"Paanong-"
"Sumunod po kayo sa akin" ani niya at hinatak ako sa aking pulso. Saan naman kaya niya ako dadalhin?
.
.
Dinala niya ako sa isang madilim na garahe na nasa harapan lamang ng aking apartment. Puro kahon ang nasa paligid pero huminto yung babae sa isang kahong nakatakip ng kumot, inalis niya yung kumot at nakita ko ang kasing laki niyang device na puro wires at may mha buttons din.
"Ano ito?"
Humarap siya sa akin at ngumiti ng kaunti.
"Professor Calvin Henric Vaxio, andito ako para ibahin ang magiging takbo ng mundong ito!" wika niya na nagpataas sa aking mga balahibo.
"'Ibahin ang magiging takbo ng mundong ito'? Teka, ano at sino kaba talaga?!" tanong ko, lumuhod naman siya sa aking harapan at nginitian ako.
"Magandang Araw sa inyo, ako nga pala si Nicholas Zilch ang inyong naging alalay ng taong 2080" saad niya sa akin.
Alalay? Bakit naman ako magkakaroon ng alalay? Tsaka teka, sa 2080? Anong nangyari sa akin sa hinaharap? At...iibahin ang takbo ng mundo? Ano namang ibig sabihin nun.....