CHAPTER 2

2385 Words
Kinabukasan, isang Duday na iika-ika ang pumasok sa dining room. Suot niya ang kaniyang mini skirt at long sleeves na uniform sa university. Agad naman siyang napansin ni Don Hayco kahit nakatutok ito sa pagkain ng almusal, kasalo si Asher. “What happened to you, Duday?” tanong ng don. Biglang napatayo ng tuwid ang dalaga dahil sa magkahalong emosyon; natatakot siya kay Don Hayco at naiinis siya kay Asher. Kulang na lang ay hilingin n'ya sa Diyos na lamunin na siya ng tiles na kinatatayuan niya. Paano ba naman kasi niya sasabihin sa lahat na hindi umubra ang pang-aakit niya kagabi kay Asher kaya itinulak siya nito dahilan para sumakit ang balakang niya? “Wala po. Nadulas lang po ako kagabi.” Yumuko ang dalaga para iwasan ang nakakalokong tingin ni Asher. “Bakit ka nga ba nadulas, Duday?” nang-aasar na singit ni Asher sa usapan nina Don Hayco at ng dalaga. “Bwisit ka! Isumbong kaya kita sa lolo mo. Ikaw na nga itong hahalikan, itinulak mo pa ako,” gusto sanang sabihin ni Duday pero tumahimik na lamang siya. “Duday, join us. Kumain ka na para makapasok ka ng maaga sa school,” saad ng Don. “Next time, you should be careful. Gusto kong maikasal kayo kaaagad ni Asher kaya dapat hindi magkasakit ang sinuman sa inyo.” Dahil sa narinig, biglang tumayo ang binata. Padabog na ibinagsak niya ang hawak na knife and fork. “I lost my appetite. Lolo, I have to leave now. May meeting ako with Mister Cheng,” paalam ni Asher. “Hayaan mo nang mga managers natin ang humarap sa intsik na iyon. Ihatid mo sa Sta. Teresita University si Duday.” Dahil sa eksena sa harapan niya, magalang na tumanggi si Duday sa alok ni Don Hayco na sabayan itong mag-almusal. Nagsinungaling na lamang siya at sinabi sa matanda na kumain na siya kahit ang totoo ay nagugutom na rin siya. Lalong nagalit naman si Asher sa ginawa ng dalaga. Ang buong akala ng binata ay nagpapalusot lamang si Duday para maihatid nga n'ya. Sa huli, pumayag si Asher na ihatid si Duday sa Sta. Teresita University. Doon kasi nag-aaral ang dalaga ng kursong Hotel and Restaurant Management. Nagpaalam din si Asher sa kaniyang lolo na hindi muna siya papasok sa Vilgara Corporation— ito ang kumpanya ng pamilya nila na nagma-manufacture ng alak at softdrinks. Hindi na nag-usisa ang don kung bakit, agad nitong pinayagan ang paborito niyang apo. Samantala, kinikilig na lumapit kay Duday ang bestfriend niyang si Franz. Lihim nitong tinutukso ang dalaga dahilan para mapabungisngis si Duday. Nang nakita sila ni Asher, lalong uminit ang ulo ng binata. “Pakisabi kay lola na pumasok na ako. Mamaya na lang kami mag-usap pag-uwi ko,” bilin ni Duday kay Franz. “Kahit bukas ka na umuwi,” tukso ni Franz sa bestfriend niya. “Ako na ang bahala kay Manang Celia. Galingan mo ha. Bukaka agad para sure na sure na pasok na pasok.” “Ano? Iyang bibig mo talaga, Franz.” Hinaplos ni Duday ang braso n'ya dahil kinilabutan siya sa sinabi ng kaniyang kaibigan. “Oy, green minded ang ferson. Ang ibig kong sabihin, akitin mo ng todo si senyorito para makuha mo ulit ang puso niya.” “Gaga,” bulong ni Duday kay Franz sabay kurot niya sa tagiliran nito. “Maiwan na nga kita.” Dahil hindi na maipinta ang mukha ni Asher, nagmamadali nang sumakay sa sasakyan nito ang natatarantang si Duday. Hindi man umiimik, alam ng dalaga na galit ang kaniyang senyorito. Ngunit hindi niya nagawang pigilan ang sarili nang spray-han siya nito ng alcohol. “Ano ba, senyorito?” Iniharang ni Duday ang mga palad niya para hindi tumalsik sa mukha niya ang alcohol. “Oh, the germ is violently reacting sa alcohol,” nang-iinis na turan ng binata. Biglang nagbago ang expression ni Duday. Kahit nanggigigil ay ngumiti siya ng ubod tamis. Tiningnan niya ng malagkit ang lalaking kamukha ng isang sikat na matinee idol ng Pilipinas. Sino nga ba ang hindi magkakagusto sa katabi niya? Kahit moreno kasi ito at sakto lang ang height dahil sa pagiging pure Filipino nito, hindi maiiwasan na hindi kiligin ang sinumang babae dahil sa taglay nitong kagwapuhan at ka-sexy-han. Palibhasa mahilig mag-exercise ang binata, very firm ang mga muscles nito. “Huwag mo akong inisin, senyorito. Baka sa halip na umayaw ako sa kasal na gusto ng lolo mo ay magmadali pa ako na mangyari iyon,” banta ni Duday sa katabi niya. Natigilan si Asher. Ibinato niya ang hawak na sprayer sa dashboard ng kaniyang bagong biling mamahalin na sasakyan. Nagbanta siya na kapag ginawa ng dalaga ang sinabi nito, gagawin niyang impyerno ang buhay ng babaeng katabi niya sa driver's seat. Napaismid si Duday. Oo, mahal nga n'ya si Asher. Ngunit isa na yata sa pinakahuli niyang gagawin ay pakasalan ang kaniyang senyorito. Alam niyang isinusuka siya nito dahil sa nangyari sa bunso nitong kapatid kaya naman kuntento na siya na mahalin ang binata sa paraan na alam niya. She doesn't want to live in hell. She likes to explore the world and travel from one country to another. Iyon ang dahilan kaya nga HRM ang kinuha niya dahil gusto niyang makasampa rin sa mga cruise ship. Wala sa vocabulary niya ang maging sunod-sunuran lang sa lalaking kailanman ay imposible nang mahalin pa siya. Habang patungo sa school, walang kibo si Duday. Pinagpapawisan kasi siya ng malapot. Kahit gustong-gusto niya ang kaniyang senyorito, ayaw na ayaw niyang napapalapit dito. Dahil sa nararamdaman niyang tensyon kaya nagkunwari siyang nagbabasa ng libro kahit ang totoo ay para siyang bulag dahil hindi niya naiintindihan ang bawat salita. Sa sobrang pagkakayuko, wala siyang kamalay-malay na hindi na papuntang university ang tinatahak na daan ng Rolls-Royce na pagmamay-ari ni Asher. Hanggang sa dalawin siya ng antok at naidlip siya. "Here we are, my princess," bulong ni Asher sa natutulog na dalaga. Napaangat naman ito agad ng kaniyang ulo. Namutla si Duday. Familiar sa kaniya ang lugar na kinaroroonan niya. Isa iyon sa mga properties ng mga Vilgara na matatagpuan sa isang maliit na baryo ng Culaylay. Noong bata pa siya, ilang beses na siyang dinala roon ni Don Hayco. Kahit sobrang elegante ng lugar, hindi iyon na-a-appreciate ni Duday. Ang takot na nararamdaman niya ay mas lalo pang pinalala ng madilim na panahon dahil sa nagbabadyang ulanin. Napatingin ang dalaga sa relo niya. Dalawang oras din pala ang itinagal ng biyahe nila ni Asher. Late na siya para sa unang subject. "Senyorito, bakit mo ako dinala rito sa La Gerna?" tanong ni Duday sa nakangising binata. "You'll find out later," malamig na tugon ni Asher. "Come-on in." Nagpatiuna ng lakad si Asher. Sumunod naman sa kaniya si Duday habang ipinupunas nito ang mga palad sa maikli niyang palda na 'di lalampas sa tuhod. Kahit binati ng mga katulong sa mansion, hindi man lang kumibo si Asher. Si Duday ay bahagya lamang yumuko sa nasa 50's ng lalaki na ang pangalan ay Alex— siya ang caretaker ng La Gerna. "Follow me," utos ni Asher sa walang imik na dalaga. "Senyo…" "Shut up!" putol ng binata sa sasabihin ni Duday. Di na kumibo ang dalaga. Napatingin na lang siya sa malaking larawan ng mga miyembro ng Vilgara na nakasabit sa puting dingding ng mansion. It has been a decade since she visited the Vilgara mansion which was named in memory of Gerna— Don Hayco's late wife. She was banned visiting the area because of Asher's parents. She heard that it was Asher who requested his father and mother to stop her visiting the place. She was hurt pero hindi niya naman masisisi ang lalaking matagal na niyang minamahal. Alam niyang ang kasalanan niya sa pamilya nito ay hindi niya kayang pagbayaran kahit buhay pa niya ang maging kapalit. Muntik nang mapaiyak si Duday nang bahagyang sumagi sa isip niya ang nakaraan. Subalit agad din siyang natauhan dahil sa dumadagundong na boses ng kaniyang senyorito. "Get inside the room!" he shouted. Wala man siyang idea sa kung ano ang mga susunod na magaganap, Duday slowly walk towards the room kung saan pumasok si Asher. Though she wanted to run and leave the mansion, hindi niya magawang tumakbo palayo sa lalaking tila ba gayuma na pilit siyang inaalisan ng katinuan. Bago pa man tuluyang makapasok ang dalaga sa silid, muli na namang sumigaw ang binata. "Move faster," utos ni Asher. Although napansin nito na natatakot si Duday, mas lalo itong ginanahan na asarin ang dalaga. Ang pilyong binata ay nakaisip ng kalokohan. "I said faster. Come near me," muling sigaw ni Asher sa dalagang tila ipinako na sa may pintuan. "Senyorito, anong pinaplano mo?" nauutal na tanong ng dalaga. "Damn it! You have no right to question me. I am your boss and you are just my pathetic maid." Dumagundong ang boses ni Asher sa buong silid kaya lalong nanginig ang tuhod ni Duday. "Get inside. Now!" Parang robot na sumunod si Duday sa utos ng kaniyang amo. Ngunit halos matumba siya nang ihagis ni Asher ang puting towel sa mukha niya. Walang kaabog-abog na sinabi ng binata na maligo raw ang dalaga dahil ayaw nitong makipag-séx sa mabahong babae. Dahil sa narinig, kumulo ang dugo ni Duday. Inihagis niya pabalik kay Asher ang towel na hawak niya. "Huwag na huwag mo akong babastusin!" Dinuro ng dalaga ang binatang tila tuwang-tuwa pa na nagalit ang una. "Baka makalimutan kong amo kita, senyorito." "Really?" Nang-aakit ang mga ngiting gumuhit sa labi ng pilyong tagapagmana ng mga Vilgara. Kasabay noon ay dahan-dahan nitong tinanggal ang mga butones ng kaniyang puting long sleeves. Ngunit sa halip na matuwa, lalong kumulo ang dugo ng dalaga kaya pumihit siya para lumabas ng silid. "Buksan mo ito, senyorito," galit na saad ni Duday habang kinakalampag niya ang pintong naka-automatic lock. "Bakit mo ni-lock ito? Ibigay mo sa akin ang remote ng pintuan," patuloy ng dalaga. Humalakhak lang si Asher. "Come-on, Duday. Ever since we were young you wanted me so badly, right? Now, touch me. Feel every inch of my muscles. Cares me. Make me happy. Malay mo, mapapayag n'yo ako ni Lolo na pakasalan kita. All you have to do is to satisfy me in bed." Nang-iinsulto ang bawat bitaw ni Asher ng salita dahilan para lalong magwala si Duday. Sa halip na mag-init ang kaniyang katawan dahil sa pagkakalantad ng hubàd na katawan ng lalaking matagal na niyang inaasam, kumulo lamang ang dugo ng dalaga. "Ako ba talaga ang may gusto na maangkin ka, or vice versa, senyorito?" Matapang na tanong ng dalaga sabay dahan-dahan siyang lumapit sa naghihintay na binata. Unti-unti rin niyang binuksan ang suot niyang blouse. "Huwag na tayong maglokohan pa. Alam ko rin naman na gusto mo ako, 'di ba? Bakit nga naman hindi tayo magpakasasa sa katawan ng isa't-isa tutal naman ay pareho tayong hindi pwedeng tumanggi sa kasal na gusto ng lolo mo?" Nang nalaglag sa sahig ang blouse ni Duday, tumambad kay Asher ang dalawang matayog na bundok na kahit sinong lalaki ay matatakam na hawakan. Napalunok si Asher dahil sa sensation na hindi niya napigilan. Bigla rin siyang napahawak sa kaniyang sandata na kanina lang ay halos hindi kayang lumaban pero ngayon ay tigas na tigas at handa na sa bakbakan. Napamura si Asher. His temperature increased in an instant. Hindi niya inaasahan na lalaban si Duday gamit ang akala niyang kahinaan nito. Samantala, pigil na pigil sa emosyon niya si Duday. Kahit na mukha siyang palaban na babaeng walang dangal, sa kaibuturan ng puso niya ay takot na takot siya. Gulong-gulo rin ang isip niya ngunit mas lumapit pa siya kay Asher para hawakan ang matipunong dibdib ng lalaking tila nahipnotismo na sa taglay niyang alindog. “Don't you dare lay your filthy hands on me.” Garalgal ang boses na saway ni Asher kay Duday. “Kinakabahan ka ba, senyorito? Ayaw mo na bang ituloy natin ang sinimulan mo?” nanghahamon na tanong ni Duday sa binatang tila naihipan ng hangin sa pagkakatulala. “Don't touch me. Pick-up and wear your uniform, then wait for me outside.” Pagkarinig ni Duday sa sinabi ni Asher ay para siyang nabunutan ng tinik. Dali-dali niyang inayos ang damit at lumabas ng silid. Makalipas ang halos kalahating oras, muling nagharap sina Asher at Duday. Dahil sa sobrang tahimik nila, dinig na dinig nila ang huni ng mga ibon na lumilipad-lipad sa kulay gintong resthouse na kinaroroonan nila. Maging ang galaw ng dahon ng mga puno na nakayuko na sa bubong ay parang musika na nanunuot sa kani-kanilang tainga. Sa pagitan nila ay ang mga lumalamig ng pagkain. Kapwa walang gana ang dalawa. Subalit pareho nilang batid na dapat silang mag-usap sa ayaw at sa gusto nila. “Senyorito, may exam ako ngayong araw,” nasambit ni Duday dahil sa kawalan niya ng masasabi. “To hell with your exam. Do you think I care if you fail? No, I don't. I will never ever be empathetic to you. You deserve to suffer until you die. I will never give you a chance to be happy.” Sa sobrang galit ni Asher ay pinukpok nito ang lamesa kaya umingay bahagya sa kinaroroonan nila. “Sorry po,” mahinang usal ni Duday. “Your sorry couldn't return my sister's life!” Dahil sa sinabi ni Asher ay tumulo ng kusa ang mga luhang kanina pa pinipigilan ng dalaga. “Alam ko po, senyorito.” Biglang pumailanlang sa buong paligid ang mala-demonyong tawa ni Asher. Ngunit bigla iyong naglaho sa hangin nang sumulpot sa kinaroroonan nila ang isang hindi inaasahang bisita. “Senyorito William!” sigaw ni Duday sabay tayo. Walang pakialam na tumakbo siya palapit sa lalaking nakabuka na ang mga braso. “I missed you,” saad ng lalaking nasa twenty-three years old din. Pumulupot ang mga braso nito sa maliit na bewang ng dalaga. “I missed you too, senyorito,” masiglang sabi rin ni Duday. Napasimangot si Asher. Hindi niya gusto ang nakikita niya. Kulang na lang ay sugurin n'ya sina William at Duday para mailayo niya ang huli sa kinasusuklaman niyang pinsan. Hanggang sa hindi na kinaya ni Asher ang selos na nararamdaman niya. “William, don't touch my girl! She's mine,“ sigaw ni Asher na ikinabigla nina William at Duday.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD