Chapter 7

1026 Words
Pagpasok namin ni Tiya Melba sa maliit na pintuan ay sinalubong kami ng mausok at maingay na paligid. May kadiliman ang lugar at pawang mga nag-iinuman ang mga taong nakikita kong nakaupo sa bawat mesang naroon. Nakita ko ang mga babaeng nakasuot ng maiiksing damit habang nakatayo ang mga iyon sa ibabaw ng entablado. "Sigurado ka na ba rito sa papasukin mo, Nena?" nag-aalalang tanong sa akin ni Tiya Melba sa pabulong na paraan. "Huwag ka nang mag-alala sa akin, Tiya. Kayang-kaya ko na po ang sarili ko," nakangiting tugon ko sa tiyahin. "Pero, nahihiya ako sa iyo, Nena." Tumitig pa muna ito sa aking mga mata bago muling nagsalita. "Ikaw pa ang magsasakripisyo para sa ating lahat." Sa bahay pa lang ay nasabihan na ako ni Tiya Melba sa kung anong klaseng trabaho ang aking papasukin. Naisip kong mainam na rin ang pumasok ng trabaho para makatulong kahit pa'no kay Tiya at maaliw ko rin ang sarili. "Melba!" Napalingon kami pareho ng Tiyahin sa taong tumawag sa kaniya. "Gardo?" manghang tanong ni Tiya Melba sa lalaking nasa harapan na namin ngayon. "Siya ba ang sinasabi mong pamangkin?" Sinipat ako ng tingin ng lalaki mula ulo hanggang paa saka umikot-ikot pa ito sa amin ni Tiya Melba. "Oo, Gardo! Siya ang pamangkin ko, si Nena." Pagpapakilala sa akin ni Tiya Melba. "Ilan taon na ba siya? Mukhang napakabata pa niya. Baka naman makasuhan ako ng child abuse sa kaniya?" Sunod-sunod na tanong ng lalaking tinawag na Gardo ni Tiya. "Bente dos na siya saka sinabi ko rin naman sa kaniya kung ano ang magiging trabaho niya rito," paliwanag naman ni Tiya Melba. "Good!" bulalas na sagot ni Gardo. "Halika, Iha. Sasamahan na kita sa dressing room." Nakita kong inabutan niya ng pera si Tiya Melba. "Nena..." Ngumiti ako sa tiyahin saka niyakap ko pa muna ito. "Ayos lang ako, Tiya. Magkita na lang po tayo sa bahay," ani ko sa kaniya. Masuyong hinagod ko ang likuran nito saka kumalas na ako mula sa pagkakayakap sa kaniya. "Tara na, Iha!" Tumango ako kay Gardo saka sumunod ako sa paghakbang nito. Habang naglalakad ay papadilim nang papadilim ang lugar na aming tinutungo. Tanging spot lang ng liwanag ang nagbibigay silaw kung kaya kahit pa'no ay may naaaninag pa kami. Pagpasok namin sa maliit na silid ay agad akong ipinakilala nito kay Cecilia na siyang magtuturo sa 'kin ng mga dapat kong gawin sa itaas ng entablado. Iniwanan na kami ni Gardo sa maliit na silid na iyon. Inilibot ko ang paningin sa paligid. "First time mo?" tanong sa akin ni Cecilia habang ngumunguya ito ng bubblegum. "Oo!" kiming tugon ko rito. "Kaya pala parang mahiyain ka pa." Lumapit ito sa mga damit na nakahanger saka humugot doon ng isa at inabot niya iyon sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung ga'no kaiksi ang damit na isusuot ko. Sinipat ko iyon nang paulit-ulit at baka dinadaya lamang ako ng paningin ko. Ngunit, sadyang maiksi talaga! "May problema ba?" tanong sa akin ni Cecilia. "H-hindi kasi ako sanay sa ganiyang kasuotan," pautal kong tugon sa kaniya. "Naku, kailangan mo nang masanay Iha at araw-araw na ganito ang iyong susuotin dito. Ikaw pa naman ang 'Star of the Night!' ng club na ito," ani sa 'kin ni Cecilia. "S-star of the night?" utal kong tanong. "Uhuh! Star of the night! Ikaw kasi ang kapalit ni Olivia," nakangiting tugon naman nito. Napabuntonghininga na lang ako sa sinabi nito. Muli kong pinagmasdan ang damit at wala akong magawa kundi isuot iyon. Matapos kong maisuot ang damit ay pinahiran ako ng make-up sa mukha ni Cecilia. Manghang napatitig ako sa salamin nang makita roon ang sariling replika na malayong-malayo sa dating anyo. "Ang ganda mo! Tiyak na puputaktihin ka ng mga customer," puri sa akin ni Cecilia. Sasagot pa sana ako kay Cecilia ng biglang pumasok si Gardo sa may pintuan. "Ready na ba ang star of the night natin?" tanong niya kay Cecilia. "Yes, Boss!" malanding tugon naman nito. "O, ano pang hinihintay natin dito, ilabas na natin siya nang mabenta na!" Pumalakpak si Gardo dahilan para magkumahog sa paggalaw si Cecilia. Lumabas na kami ng silid at sinabi sa akin ni Cecilia ang mga dapat kong gawin. "Hindi ako marunong sumayaw, Cecilia," ani ko sa babae. "Hindi mo kailangang sumayaw dahil tatayo ka lang naman sa gitna ng mga magsasayaw. Ikaw ang star of the night, kaya tiyak na pag-aagawan ka ng mga customer lalo na sa katawan mong iyan." Kinilabutan ako sa paraan nang pagkakatitig sa akin ni Cecilia dahil para akong hinuhubaran nito. "Cecilia!" Napatili ako nang alisin nito ang nakapatong na telang tumatakip sa naglalakihan kong mga dibdib dahilan para kalahati na lamang niyon ang matakpan. Hinila rin ni Cecilia ang suot kong palda kung kaya tuluyan iyong nahubad sa aking mga binti dahilan para mahantad ang makinis kong mga hita. "Perfect!" malakas na sigaw ni Cecilia saka hinila na ako nito patungo sa may entablado. Hindi ko alam ang gagawin kaya para akong tanga na nakatayo lang doon habang pinagmamasdan ang buong paligid ng club. Naagaw ng pansin ko ang grupo ng kalalakihan na pumasok sa may pintuan ng club. Sinundan ko sila ng tanaw hanggang sa kanilang pag-upo. Panay ang kanilang mga tawanan at wari'y nagkakasiyahan sila sa kung anuman ang kanilang pinag-uusapan habang nag-iinuman. Napalunok ako ng laway nang dumako sa akin ang kanilang mga tingin. Nginitian ako ng morenong lalaki at tila lumundag ang puso ko sa ginawa nito. Naiilang na iniiwas ko ang mga mata sa kanila kung kaya nagawi iyon sa may pintuan kung saan pumasok naman mula roon ang isang matipunong lalaki na parang nakita ko na minsan, ngunit 'di ko lang maalala kung saan. Sinundan ko ng tingin ang lalaking may kakaibang dating sa akin na sa pakiwari ko ay may kung anong init itong binubuhay sa aking katawan na hindi ko lang mapangalanan. Napaawang ang mga labi ko nang salubungin ito ng morenong lalaki na siyang pinagmamasdan ko kanina. "Magkaanu-ano kaya sila? Magkakapatid kaya?" magkasunod kong tanong sa isipan. "In fairness, ang gwapo nilang lahat!" impit kong tili sa isipan habang nangingiting pinagmamasdan ko ang kanilang pagkukulitan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD