Akala ko'y tapos na siya sa pagsisid sa ibabang bibig ko ngunit hindi pa pala. Pag-angat ng kaniyang ulo ay sunod na pumasok doon ang isang daliri ng kamay niya.
Paulit-ulit niyang inilabas masok do'n ang kaniyang daliri at napapaigtad ang katawan ko sa ginagawa niyang iyon.
Namimilipit na ang mga daliri ko sa paa sa tindi ng sensasyong idinudulot nito at pakiramdam ko'y may muling gustong sumabog mula sa loob ng aking puson.
"S-Seebb..." umuungol kong usal sa kaniyang pangalan saka pilit akong bumangon upang abutin ang binata.
Kinilabutan ako nang ipagapang nito ang kaniyang bibig sa aking hita saka paakyat na tinungo ang pusod ko hanggang sa tumapat siya sa aking dibdib.
Nilaro-laro pa muna niya ang mga iyon bago tuluyang itinapat ang kaniyang mukha sa aking mukha.
Matiim na tumitig ito sa mga mata ko at natutuwa naman akong pagmasdan ang bilugan niyang mata na wari'y nangangako sa akin ng kung ano.
Masuyong hinaplos nito ang aking pisngi. "Ayoko nang bumalik ka pa sa club."
"P-pero kailangan kong magtrabaho," utal kong tugon sa kaniya.
"Susustentuhan ko ang pangangailangan mo," pahayag nito sa akin.
Kay gandang pakinggan ng kaniyang iniaalok ngunit hindi naman kayang tanggapin ng aking kalooban.
Hindi ako tulad ng ibang babae na mapagsamantala at lalong ayokong umasa sa pangako ni Seb dahil ayokong masaktan sa bandang huli.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kama saka bumaba roon.
"Hey!" maagap akong hinapit sa baywang ni Seb upang pigilan sa aking ginagawa. "Saan ka pupunta?"
"Uuwi na sa amin at baka hinahanap na ako," pagdadahilan ko sa kaniya saka pilit kong tinabig ang kamay nitong mahigpit na kumapit sa aking baywang.
"Mamaya na..." malambing nitong bigkas.
"Hindi maaari, Seb. Baka nag-aalala na sa akin ang mga kasama ko sa bahay," giit ko naman sa kaniya.
Muli pa sana akong magdadahilan sa kaniya ngunit nahila na ako nito pabalik sa kaniyang katawan.
"Ihahatid kita, promise!" malambing nitong wika saka sinelyuhan niya Ng kaniyang labi ang aking mga labi.
Wala na akong ibang nagawa pa kung hindi ang tumugon na lamang sa kaniyang paghalik hanggang sa tuluyan kaming nauwi sa mainit na pagsasanib ng aming mga katawan.
********
Matapos ang ilang oras naming pagniniig ay inihatid nga ako ni Seb sa bahay.
Saktong naabutan ko pa roon si Tiya Melba kung kaya kinausap ko ito nang masinsinan tungkol sa desisyon kong paglipat ng tirahan.
"Sigurado ka na ba sa desisyon mong iyan, Nena?" malungkot na tanong pa sa akin nito.
"Opo, Tiya! Mas mainam po kasi kung malapit lang din sa club ang uuwian ko para kahit pa'no ay makatitipid po ako sa pamasahe. Kung minsan din po kasi madaling araw o umaga na rin halos natatapos ang trabaho ko," paliwanag ko pa sa tiyahin.
Malungkot na tumitig ito sa aking mga mata at pilit inarok ang katotohanan sa mga sinabi ko.
"May problema ka ba rito sa bahay, Nena?"
"Wala naman po, Tiya Melba." Pilit na ngiti ang ipinaskil ko sa labi para alisin ang pag-aalala ng aking tiyahin.
"Kahit hindi ka magsabi sa akin ng totoo Nena, nararamdaman kong may problema kang itinatago. Itinuring na kitang anak kaya alam kong may problema ka," malungkot nitong saad na pilit ding ngumiti sa akin.
"Tiya Melba..." Naluluhang lumapit ako sa kaniya saka humagulgol ng iyak sa dibdib nito. "Sorry po!"
"Nauunawaan ko kung hindi mo pa kayang sabihin sa akin ang anumang dahilan mo, Nena. Basta lagi mo lamang tatandaan na kakampi mo ako sa lahat ng iyong problema. Huwag kang matakot magsabi sa akin ng mga bagay na mahirap maunawaan ng iba sapagkat pilit kong uunawain ang lahat ng iyon para sa 'yo. Minahal na rin kita na parang tunay kong anak, kaya kung kinakailangan kong gawin ang tama, gagawin ko para sa 'yo at kay Linda. Mahal na mahal ko kayong dalawa lagi mong tatandaan sana iyan," mahabang pahayag ni Tiya Melba na lalong nagpahagulgol sa akin.
Marahang hinagod nito ang aking likuran saka pilit akong pinakakalma sa aking pag-iyak.
Biglang pumasok mula sa pintuan si Tiyo Gener at pasalampak na umupo ito sa may sofa na nakaharap sa aming dalawa ni Tiya Melba.
"Ano'ng drama niyo?" ngumunguya ang bibig nitong tanong sa amin.
"Hoy, Gener! At sa'n ka na naman galing damuho ka?" pagalit na tanong ni Tiya Melba sa walanghiyang asawa nito.
"Saan pa ba sa palagay mo, Melba? E 'di sa trabaho ko," nakabusangot na sagot naman ni Tiyo Gener.
"Trabaho o sugal? Kailan pa naging trabaho ang pagsusugal? Wala ka ng ibang inatupag kundi ang magsugal nang magsugal, palagi ka rin namang talo. Mano bang ihinto mo na ang pagsusugal nang makatulog ka naman dito sa bahay," litanya pa ng tiyahin ko sa asawa nito.
"Pwede ba, Melba. Umalis ka na nga! Ang ingay mo! Bwisit na buhay 'to!" pabalagbag na tumayo si Tiyo Gener saka sinipa niya ang bentilador.
"Wala kang ambag pambili sa bentilador na iyan. Si Linda ang bumili niyan kaya wala kang karapatang sipain iyan." Tumayo ang tiyahin mula sa pagkakaupo saka nilapitan nito si Tiyo Gener upang paghahampasin sa dibdib.
Sumulak ang dugo ko sa ulo nang makitang itinulak ng walanghiyang tiyuhin ang asawa nitong si Tiya Melba dahilan para matumba ang isa sa sahig.
"Walanghiya ka!" Mabilis akong tumakbo palapit kay Tiyo Gener saka buong pwersa kong itinulak ang lalaki sa kaniyang dibdib.
Nawalan ng balanse sa pagkakatayo si Tiyo Gener kung kaya natumba rin ito sa may sahig.
Napalakas yata ang pagkakatulak ko sa kaniya dahil umiigik ang mukha nito sa sakit.
"Iyan ang nababagay sa iyong hayop ka!" hiyaw ko pa sa lalaki.
"Walanghiya ka! Huwag ka lang talagang magpapahuli sa akin dahil titiyakin kong may masamang kalalagyan ka, Nena," singhal sa akin ni Tiyo Gener.
"Hinding-hindi mangyayari iyon!" tugon ko naman sa kaniya.
"Lumayas ka rito sa pamamahay ko!" hiyaw pa ni Tiyo Gener na hindi maikilos ang balakang mula sa pagkakaupo sa sahig.
"Aarrghh!" nakangiwing anas nito saka tinawag pa si Tiya Melba upang humingi ng tulong.
Nilapitan ko ang tiyahin upang tulungang makatayo mula sa pagkakatumba sa sahig. Inalalayan kong makapasok hanggang sa loob ng aking kwarto ang tiyahin.
"Mga walanghiya kayo!" Narinig kong sigaw ni Tiyo Gener na hindi ko pinagkaabalahang tulungan sapagkat mas mahalaga pa rin si Tiya Melba sa akin.
"Siya ba ang dahilan kung bakit ka aalis?" seryosong tanong sa akin ni Tiya Melba.
Hindi ko sinagot si Tiya Melba, nagpatuloy lamang ako sa pagkuha ng medicine kit upang gamutin ang sugat sa braso nito.
Hinawakan nito ang isang kamay ko kaya napigil ako sa ginagawa. Matamang tumitig ako sa kaniyang mga mata saka humugot ng ilang buntonghininga.
"Mabuti pang mag-impake ka na ng mga gamit mo, Nena. Alam kong babalikan ka ni Gener sa ginawa mo sa kaniya. Hindi kita kayang proteksiyunan mula sa kaniya dahil asawa ko pa rin siya at ama ni Linda. Ayokong magkaroon kayo ng lamat sa isa't isa ng dahil lang sa walanghiyang ama nito. Pasensiya ka na kung iyan lang ang tanging maitutulong ko sa iyo, Nena." Gumagaralgal ang tinig ni Tiya Melba habang nagsasalita.
"Tiya Melba..." naluluhang usal ko.
"Mahal kita, Nena! Kaya gusto kong mapabuti ka. Piliin mong maging masaya parati, Anak. Huwag mo sanang kalilimutang ngumiti ng totoo parati. Alam kong mas mapapabuti ka kung lalayo ka sa amin." Niyakap ako nang mahigpit ni Tiya Melba kung kaya tuluyan na akong napahagulgol ng iyak.
"Maraming salamat po sa lahat nang ginagawa mo para sa akin, Tiya Melba. Mahal ko rin po kayo ni Linda. Asahan niyo pong patuloy ko kayong tutulungan," madamdaming wika ko sa tiyahin na sinagot naman nito ng mahigpit na yakap.