"Malapit na ako!" hinihingal kong sambit sa babaeng kaniig ko.
Nandito kami ngayon sa hotel ng babaeng nakilala ko kanina sa party ni Jerome.
Ito ang kusang lumapit sa akin saka pilit akong inakit na hindi ko nagawang tanggihan gawa ng sulsol nila Jerome at ng iba pa naming kaibigan.
Malakas na napaungol ako nang isubo nito ang dalawang itlog na nagtatago sa ilalim ng aking hotdog. Nang isubo nito ang matigas kong hotdog at paulit-ulit niyang inilabas masok sa loob ng kaniyang bibig, tuluyan nang pumutok ang semilya ko sa loob ng kaniyang lalamunan na umalpas pa gawa ng sobrang dami.
Ipinahid nito sa alaga ko ang katas na kaniyang sinalo sa kamay at saka ginawa niyang lotion iyon upang gawing pampadulas pataas pababa sa aking sandata.
Muling tumirik ang mga mata ko sa ikalawang pagkakataon dulot ng sarap na ginawa nito at naramdaman ko ang muling pamumuo sa bandang puson ko hanggang sa tuluyan iyong sumabog.
"Hey, hindi mo ba ipapasok ito sa loob ng kweba ko?" mapang-akit nitong tanong sa 'kin saka muli niyang hinaplos ang naninigas ko na namang sandata.
"Sorry, Babe. It's too late! My wife is waiting," turan ko sa babae saka kumalas ako mula sa pang-aakit pa sanang ginagawa sa akin nito.
Hindi ko alam kung saan ito mas nagulat, doon ba sa ginawa kong paglayo sa kaniya o sa winika kong may asawang naghihintay sa akin.
"M-may asawa ka?" utal nitong tanong habang nakamaang pa sa ginagawa kong pagbibihis.
"Yes!" walang kaemo-emosyon kong tugon sa kaniya.
"H-how come na may asawa ka? Jerome told me that you're still single," patuloy nitong saad sa akin at halos 'di makapaniwala ang reaksyon ng kaniyang mukha.
"Jerome is joker!" Isinara ko ang huling butones ng polo saka tinalikuran ko na ito palabas ng kwarto na 'yon.
Tiningnan ko ang pambisig na relo at wala sa sariling napakamot ako sa ulo. "Patay na naman ako nito kay Mama!"
Dali-dali kong binuhay ang makina ng sasakyan saka pinaharurot ko na iyon paalis sa lugar na iyon.
Nang makarating ako ng bahay ay maingat ang ginawa kong pagkilos. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto saka humakbang ako na tila isang magaang na papel upang hindi makalikha ng anumang ingay.
"Where have you been?" mataray na tanong sa akin ni Mama na 'di ko napansing nasa b****a pala ng hagdan.
"I'm hanging with my friends, Ma," kakamot-kamot sa ulong tugon ko sa ina saka lumapit ako rito upang humalik sa pisngi nito.
"Really?!" nagdududang tanong pa nito.
"Yes, Ma! Birthday po ngayon ni Jerome kaya nagkaroon po ng kaunting inuman sa kanila," paliwanag ko pa sa ina.
"You lie to me, Seb!" nakasimangot na anas nito.
"Look at your polo, Seb. It's full of lipstick again!" Hinawakan pa ni Mama ang kwelyo ng suot kong polo.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang nagkalat na lipstick doon. Hindi ko maalalang hinalikan ako ng babaeng iyon sa kwelyo ng suot kong polo.
"Sh*t!" mahinang mura ko.
"Honey, binata na si Seb. Alam na nito ang mga ginagawa niya sa buhay, kaya hayaan mo na siya magsaya paminsan-minsan," wika ni Papa habang bumababa sa may hagdanan.
Napangiti ako nang makita ang pagkindat sa akin ng ama. Lumapit ako rito at saka nagmano sa kaniya.
"Diyan kayo magaling na mag-ama! Basta talaga sa kalokohan, tandem kayong dalawa!" Piningot kami pareho ni Mama sa tainga ni Papa.
"Aray!" sabay pa naming bigkas ni Papa na pareho nang nakangiwi ang aming mga mukha sa ginagawa sa amin ni Mama.
"Masakit na, Honey!" reklamo pa ni Papa.
Binitiwan ni Mama ang aming mga namumulang tainga. Panigurado naman akong namumula na iyon dahil ramdam ko pa rin ang sakit nang pagpingot sa akin nito.
"Siguraduhin mo lang Seb na hindi mo mabuntis iyang mga babaeng ikinakama mo. Akala mo siguro hindi ko alam ang mga pinaggagagawa mo sa labas. Puro ka na lang barkada! Kung itinuloy mo na lang sana ang pagtuturo mo, mainam pa!" mahabang litanya sa akin ni Mama na sinabayan pa nito nang pagkumpas ng kaniyang kamay.
"Don't worry, Ma. Gumagamit po ako ng condom para safe," nakangising tugon ko sa ina.
"G*go!" galit na asik sa akin nito na tinawanan naman namin ni Papa.
"Anak sa LiquidDoze Bar mo rin ba kinikilala ang mga babaeng ikinakama mo?" nakakalokong tanong sa akin ni Papa.
"Hindi po, Pa! Mas maraming sosyal na club kaysa sa laos at lumang bar na 'yon."
"What did you say?" nakasimangot na tanong ni Mama.
"Honey, relax! Palibasa kasi tambay ka sa LiquidDoze Bar kaya ang bilis mong mapikon kapag sinasabi iyong laos at luma," natatawang saad ni Papa.
Napaatras kami ni Papa pareho nang makita ang nakakatakot na anyo ng aking ina.
"I don't care kung sabihan man ninyong laos at luma ang LiquidDoze Bar, tanggap ko na 'yan dahil matanda naman na talaga tayo, Baste. Pero ang marinig mula mismo sa bibig ng anak mo na pumupunta pa ito ng club para lamang kumuha roon ng babaeng ikakama niya..." Dinuro pa muna ako ni Mama bago ito muling nagsalita.
"Ay, p*ta! 'Di ka na naiiba pa sa mga GRO roon na nagbibigay ng aliw gamit ang kanilang mga katawan!" matigas na sabi pa nito.
Napamaang naman ako sa sinabi ng aking ina at 'di ko akalain na seseryosohin pala nito ang biro ko. Tinapik ako ni Papa sa balikat na siyang dahilan nang pagkauntag ko.
"Anak, isama mo naman kasi kami minsan diyan sa mga club ng Mama mo para 'di siya nanggagalaiti sa galit. Alam mo naman na favorite place niya ang mga ganiyang lugar," mapang-asar na wika ni Papa.
Ayon kay Papa, mahilig si Mama tumambay noon sa LiquidDoze Bar kasama ang mga kaibigan nitong sina Tita Laureen, Tita Airah, Tita Teria at Tita Marla.
Doon din sila unang nagkita at nagkakilala ng dahil lang sa boteng inihagis nito. Napakatapang kasi na tao ni Mama at wala itong inaatrasan kahit pa nga luko-luko.
Si Papa nga tumitiklop kapag nagsisimula nang magbunganga si Mama.
Pero bilib din naman ako sa pagmamahalan ng mga magulang ko. Imagine, nakabuo sila ng dalawang dosenang anak at ako ang masasabing maswerteng nilalang na siyang pinakapanganay sa lahat ng magkakapatid.
Natutunan kong mag-alaga ng mga makukulit na bata. Kaya nga teacher ang kinuha ko. Kaya lang nagkaroon ako ng record no'ng nag-intern ako sa isang eskwelahan, limang taon ng nakakaraan.
'Di ko kasi napigilan ang sariling sapakin ang isang estudyanteng lalaki na binabastos ang kaklase nitong babae.
Kitang-kita ng dalawang mata ko kung pa'no nito pinisil ang dibdib ng dalaga saka iginapos pa ang mga kamay nito sa upuan. Nagdilim ang paningin ko nang aktong hinuhubad na ng batang lalaki ang suot niyang sinturon kasabay ang kaniyang pantalon.
Nang mailabas ko ang dalaga mula sa silid aralan na iyon ay nanginginig ito sa takot saka pilit na nagpupumiglas at tumakbo ito palayo sa akin.
Bagay na nasaksihan ng ibang mga guro kung kaya inisip nila na ako ang nangmolestiya sa dalaga.
Hindi ko nagawang maipakita ang video sa kanila dahil pakiramdam ko ay walang kahit na sino ang dapat makakita sa katawan ng dalaga. Pakiwari ko'y ako na lang dapat ang makakita niyon.
"Baste!!!" natitilihang hiyaw ni Mama na siyang nagpabalik sa lumilipad kong diwa.
Yakap-yakap na ni Papa si Mama sa baywang saka hinahalik-halikan na nito ang huli sa kaniyang mukha.
Naiiling na napangiti na lamang ako sa kanilang dalawa saka humakbang na ako paakyat ng aking silid.