Chapter 16

1033 Words
Ipinasakay ko muna si Nena sa loob ng sasakyan saka nagpaalam ako rito na may kukuhanin lang sandali sa loob ng club. Alam kong nagtampo si Kobie sa 'di ko pagpayag na ihatid nito pauwi ang dalaga. Ngunit mas hindi ko gustong isipin na masundan pa ng kung sinong lalaking customer si Nena lalo na't nalaman ko pang ako ang nauna sa kaniya. Marami na akong naikamang babae ngunit iba si Nena sa lahat. Hindi ko alam kung bakit pero parang may kakaiba akong nararamdaman sa kaniya na 'di ko mapangalanan. Pagpasok ko sa loob ng club ay agad kong hinanap ang manager na naghatid sa amin kay Nena. Nakita ko ito sa may harap ng entablado kaya dali ko itong nilapitan at kinausap. "Hi!" bati ko sa manager. "Yes, Sir? What can I do for you?" magalang niyang tugon sa 'kin at tila hindi ako nito nakikilala. "I'm Kobie's friend, ang lalaking nakasama ni Nena sa loob ng room." Pagpapakilala ko sa kaniya upang maalala niya ako. "Oh!" nakabilog ang labing bulalas nito sa akin. "I want to pay all Kobie's expenses," ani ko sa manager. "Ay Sir, kabilin-bilinan po ni Sir Kobie na huwag nang tanggapin ang anumang ibabayad mo dahil bayad na po niya iyon. Kayo na lang pong dalawa siguro ang mag-usap," pahayag naman nito. "Hindi lang naman iyan ang gusto kong bayaran. I'm going to pay Nena services for a week including with the incentives," paliwanag ko naman sa kaniya. Nanlaki ang mga mata nito nang iabot ko sa kamay niya ang cheque na may nagkakahalagang kalahating milyon. "A-ang laki naman nito, Sir?" kandautal nitong wika. "Of course, you need to give the rest of money to Nena. Hindi pwedeng ako ang magbigay niyan sa kaniya, right?" saad ko sa manager na itinango-tango naman sa 'kin ang ulo bilang tugon sa sinabi ko. "Good!" nakangiting bulalas ko. "Thank you for doing me a favor. One more thing, hindi mo na papasukin si Nena rito. If kulang pa ang ibinayad ko, call me." Inabot ko sa kaniya ang calling card. Tuluyan na akong tumalikod sa Manager saka humakbang na palabas ng pintuan ng club. Habang naglalakad ay 'di ko naiwasang mapangiti nang maisip ang ilang oras naming pinagsaluhan ni Nena. Masyado itong palaban pagdating sa kama at kaybilis din niyang matuto. Halos makalimutan ko na ngang birhen pa ito. Talaga namang hinahanap-hanap ng buong sistema ng katawan ko ang kalambutan ng katawan nito. Nahinto ako sa paglalakad nang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon sa loob ng bulsa ng pantalon saka sinagot ng 'di tinitingnan kung sino ang natawag. "Seb!!!" Matining na boses ni Mama ang bumungad sa 'kin mula sa kabilang linya. "Where are you? Madaling araw na pero wala ka pa rin sa bahay!" natitilihang sambit nito. Napakamot ako sa ulo nang marinig ang sinabi ng aking ina. Minsan talaga gusto ko nang magtampo kay Mama, dahil pakiwari ko'y para pa rin kaming mga maliliit na bata kung itrato nito. Pero hindi ko naman magawa-gawang magtampo sa kaniya dahil kapag magkakasama naman kami ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nila sa amin ni Papa. "Hi, Ma! Pauwi na po ako. May ihahatid lang po muna akong kaibigan," sagot ko sa ina sa kabilang linya. "Kaibigan o babae?" Narinig ko ang marahas na paghugot nito ng buntonghininga mula sa kabilang linya. "Hon, hayaan mo na ang anak mo. Binata na 'yan. Isa pa, mainam ngang bigyan na niya tayo ng apo nang magkaroon na tayo nang malalaro. Masyado mong hinahanap-hanap ang pag-aalaga sa mga bata kaya ka ganiyan," narinig kong sabat ni Papa kay Mama. Napatawa naman ako sa sinabi ng ama. Ito ang dahilan kung bakit hindi ako rebeldeng anak kahit pa napakahigpit sa amin ni Mama. Palagi kaming ipinagtatanggol ni Papa at parati rin itong nagpapaliwanag sa mga bagay na minsan hirap namin maintindihan. Naalala ko tuloy nang magdesisyon akong kumuha ng kursong education. Alam kong na-disappoint ko sila ni Mama noon pero sinoportahan pa rin nila ako. Kahit pa nga nagkaroon ako ng problema sa pagiging intern ko. Hindi nila ako hinusgahan sa kung ano ang narinig lang nila na balita, bagkus ay mas pinakinggan nila ang mga paliwanag ko. Natuwa sila nang maka-graduate ako dahil akala nila ay sasaluhin ko na ang mga negosyo ng aming pamilya. Ngunit nagulat sila nang magsariling sikap ako ng negosyo sa paniniwalang kaya kong patunayan ang sariling kakayahan sa kanila ng walang anumang manggagaling mula sa kanila. Napatunayan ko naman ang sarili dahil matagumpay ang negosyong naitayo ko. "Isa ka pa! Kaya ang mga anak mo ginagawa lang biro ang lahat ng mga sinasabi ko," asik ni Mama kay Papa. "I love you, Hon!" Napangiti ako nang marinig ang malambing na winika ng aking ama sa ina. Ito ang totoong dahilan kung bakit sa kabila ng pagiging successful ay hindi ko piniling umalis sa puder ng mga magulang. Kulang ang buhay ko kung hindi ko makikita ang bangayan at lambingan nilang dalawa. "Bye, Ma! See you later!" Paalam ko sa ina na nakalimutan na yatang nasa kabilang linya ako. "Seb!!!" Pinindot ko na ang end button call para patayin ang tawag ng aking ina. Naiiling na naglakad ako patungo sa sasakyan kung saan natanaw ko ang nakatulog ng si Nena. "Tsk! Kawawa naman. Napagod ng husto sa ginawa naming dalawa," ani ko sa isipan. Dahan-dahan akong sumakay sa loob ng sasakyan upang hindi ko ito magising. Pinagmasdan ko ang maamong mukha nito at tunay ngang nakakaakit ang taglay niyang kagandahan kung kaya naman hindi ko masisisi ang mga kaibigan na mahumaling din sa kaniya. Pakiwari ko nga'y nahumaling din ako sa taglay nitong kagandahan kung kaya ganoon na lamang ang pagbakod ko sa kaniya mula kay Kobie. "Bakit pakiramdam ko'y matagal na kitang nakilala?" Hinaplos ko ang makinis nitong pisngi at may kung sino akong naaalala sa kaniya mula sa nakaraan ngunit hindi ko iyon mapagsino. Nakagat ko ang ibabang labi nang dumako ang paningin ko sa kaniyang mapulang labi. Parang gusto kong muling halikan at namnamin iyon. Hindi ko na napigilan pa ang sarili at tila may sariling isip ang aking ulo na kusang dumukwang palapit sa kaniyang mukha upang gawaran ito ng halik sa labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD