CHAPTER 41 GWYNETH'S POV: (JANETH) "Anong ginagawa mo Gwyneth? — Saan ka pupunta? — Wala pang sinasabi ang doktor na pwede ka nang lumabas," bigkas ni Anthony sa akin nang makita niyang inaalis ko na ang oxygen na siyang nakakabit sa ilong ko. "Kailangan kong kunin ang anak ko. Kailangan ko siyang ilayo sa demonyong ama niya," madiin na sambit ko dahil sa galit ko kay David. Ngayong bumalik na ang ala-ala ko, panahon na para harapin ko si David at isiwalat sa mga pulis ang kahayupan na ginawa niya. Hindi ko man alam ang motibo kung bakit niya ako gustong patayin, pero nasisiguro kong siya nga ang mastermind nang pagdukot sa akin. Sapat ng ebidensya ang narinig kong utos niya sa mga armadong lalaki. Kaya wala nang rason pa para pagkatiwalaan ko si David. He betrayed me. Niloko at pinag

