CHAPTER 44 DAVID's POV: "SUMASAKIT ang ulo ko sa babaeng 'yon David... Saan mo ba napulot ang yaya ni Darryl? — Sa isang bangketa ba? Kaya gano'n na lamang ang asal niya? May basurang pag-uugali ang yaya na 'yon!" malakas na sambit ni Gwyneth nang umalis sa harapan namin si Janeth. Nagawa ko na ring isara muli ang pinto para makapag-usap kami ng aking asawa. Ang totoo n'yan ay hindi ko na gusto ang lumalabas na salita mula sa labi ni Gwyneth. Naninibago ako sa mga kilos at pananalita niya. Hindi naman siya ganito dati. Hindi niya hilig ang manghamak ng kapwa o mangtapak ng ibang tao. Kaya pagtataka ang siyang umukit sa istura ko ngayon dahil sa inaasta ng asawa ko. "Oh? Bakit ganyan na lamang ang reaksyon mo? — Tatahimik ka lang ba honey at wala kang gagawin para mapaalis ang babaeng

