CHAPTER 30 GWYNETH's POV: (JANETH) Ang panaginip ko kagabi, hindi ko maintindihan. Pakiramdam ko ay naging totoo ang halik. Halos ilang minuto na tuloy akong nakahawak ngayon sa aking labi at iniisip kong mabuti kung meron ba akong nahalikan. "Wala ka yata sa sarili mo, Janeth? — Alas otso na, pero wala ka pa ring na-ihandang almusal... Ano bang nangyayari sa'yo?" pagsisitang tanong ni Sir David sa akin nang maabutan niya akong tulala sa kusina at hindi ko man lang nagagalaw ang aking kamay. "P-pasensya na ho Sir, may gumugulo lang sa isipan ko... Medyo hindi kasi maganda ang panaginip ko," turan ko sa kanya upang ipaalam dito ang dahilan nang aking pagkatulala. Bigla namang umiba ang reaksyon ni Sir David at tila napalunok na lamang siya ng kanyang laway. Kaakibat nito ay tinalikura

