CHAPTER 34 GWYNETH's POV: (JANETH) Sa huling pasya ko, ang trabaho ko pa rin ang pinili ko... Hindi ko kayang talikuran na lamang ang bata gayong nakita ko sa mata nito ang pagkalungkot nang sabihin ko sa kanya na magreresign na ako sa trabaho. I don't know why. Pero pagdating talaga sa batang ito ay nanlalambot ang puso ko. Pakiramdam ko, may puwang siya sa dibdib ko na hindi ko malaman kung bakit. Nagawa ko tuloy na talikuran si Anthony para lang sumama kay Sir David. Ito lang kasi ang naisip kong paraan para hindi na lumaki pa ang gulo. Bukod do'n ay ayoko ring malaman ng binata ang naging atraso ko kay Sir David... Isang kahihiyan 'yon para sa akin. At tsaka, nai-abot na ni Hanna ang perang kinuha ko sa wallet ni Sir David — na alam kong kailangan ito ni Anthony para sa kanyang i

