IX

1639 Words
Napalingon si Warren nang marinig ang tunog ng pagtama ng takong niya sa bato. Nakaupo kasi ito sa may gilid ng pool kaya naman napagdesisyunan ni Stacy na komprontahin ito ngayong gabi. May bitbit siya na mga kopita ng wine at isang bote niyon. She took a deep breath. Is she really going to do this? Lalasingin niya ang kanyang asawa para lang malaman at mapaamin ito sa totoong motibo nito sa kanya? “O, Stacy. Bakit gising ka pa? Gabi na, a.” Napalunok siya bago naglakad papalapit rito. “Wala, hindi lang ako makatulog. Care if I join you?” Umiling si Warren at umusog ng kaunti. She sat on the metal chair, pouring some wine on the glasses. Iniabot niya ang isa kay Warren habang sinisimsim niya naman ang laman ng isa pa. Pareho silang walang kibo habang pinagmamasdan ang kalmadong tubig sa pool. Tahimik, siguro ay dahil na rin nasa pampribadong subdivision sila. “Something bothering you?” “Hmm? Wala, a,” tipid na sagot niya kahit na ang totoo ay humahanap lang siya ng tiyempo para mapaamin ito. “Lamig, ‘no?” “You want me to embrace you?” “Ha? Hindi, a!” gagap niya. “Ano lang… Basta, malamig.” Warren softly chuckled as he drank the contents of his glass. “You’re amusing.” Napalunok siya. Punyeta naman, Anastasia! Huwag kang papadala sa tawa ni Doc, umayos ka. “Next week, baka bumisita si Papa,” saad nito. “Alam mo naman, curious. So maybe by next week, kailangan nating matulog sa iisang kuwarto. Is that fine with you?” Tumikhim siya. “E sa’yo, okay lang ba?” “Of course, I guess. Ikaw, baka hindi okay sa’yo. I can tell Papa na i-postpone na lang muna ang pagbisita niya.” “No, actually, okay lang…” “Good,” mahinang sabi nito bago inubos ang natitirang laman ng kopita nito. Sinalinan nito ulit niyon ng laman pagkatapos ay iniabot sa kanya ang bote. “Need a refill?” Tumango na lang siya at hinayaan ito na salinan pa ang baso niya. Hindi niya alam kung paano ililiko ang usapan patungo roon. “Anyway, do you need some maids? I can’t bring you to work everyday, baka makakuha ka pa ng sakit. Isa pa, mabuburyong ka lang doon,” sabi nito. “Kailangan ko pa ba ng maids?” “Well, this place is huge for you alone. Isa pa, hindi naman stay-in. Pagdating ng hapon, solo na natin ulit ang mansiyon. If that’s… okay with you.” Tumango siya. Dead silence. Nararamdaman na ni Anastasia ang unti-unting pag-init ng kanyang katawan dahil sa alak. Hindi naman kasi mataas ang tolerance niya sa alcohol. Isa pa, naliliyo rin siya sa mga titig ni Warren noong gabing iyon. Tila ba may… binabalak. “Uhm, Warren, kuwentuhan mo naman ako tungkol sa sarili mo,” request niya. “Para kasing halos lahat ng tungkol sa akin, alam mo, tapos ikaw, hindi kita kilala. E ‘di ba, mag-asawa tayo?” “Uy, naku-curious siya sa akin…” “’Wag na nga lang,” asar na saad niya na mas ikinatawa ni Warren. “Joke lang, ito naman, hindi mabiro.” Tumikhim ito at tumitig sa kopita nito ng alak. “Well, there’s nothing much interesting about me. Thirty-five years old, a surgeon and a medical director, kung papalarin e magiging medical CEO in the near future… You know, same old stuff. Miguel’s the one who’s more interesting between the two of us, and I’m just the boring end of the stick so…” saad nito. “’Yon na ‘yon? E puwede ko nang mabasa ‘yan sa tabloid, e. I mean, tell me something more personal.” “What, like height? Length of my pen*s? Define personal, princess. Too broad.” “Jeez, not that personal! Ano namang pakialam ko sa haba ng ano mo?” “Well, aren’t you curious?” buska pa nito. “You’re blushing, princess.” “At bakit naman ako maku-curious kung jutay ka o dakota, aber? At saka hindi ako nagba-blush, lasing lang ako.” Lalong lumakas ang tawa nito. Maluha-luha na ito nang mahimasmasan at sandaling binasa ang mga labi nito ng wine. “Jeez, you’re freaking straightforward. Well to answer that, I am your husband after all. And… married couples do something inside the bedroom aside from sleeping.” Napalunok siya. This is it. Sasabihin na niya talaga. “But are you interested on women, Warren?” Napakunot ang noo nito. “Huh?” Hindi siya nagpatinag. “I mean… are you interested on girls? Because…” “Because?” “Because this whole marriage for convenience ruse might be… inconvenient for you. I mean, you don’t have to hide who you really are when you’re with me, Warren. I do understand that we all got different s****l preferences and--” “What? You’re losing me there, Stace. Mukhang masama talaga ang epekto ng alak sa’yo.” “No, I’m… I’m sober. Really. I just want to let you know that… you don’t have to pretend as a straight man in front of everyone, you know… Who cares if you like boys too, right? Hindi mo naman kailangang magpakasal para lang—” “Jesus, Anastasia. You’re confusing me.” “I’m not confusing you. You’re just denying it.” “Denying what?” Pagak siyang tumawa. “Come on, Warren. Seriously? Sa akin mo pa ba ikakaila? You’re good with women’s fashion. Cosmetics. May pilantik ang daliri mo kapag nagsusulat o kapag may ginagawa. Anlagkit ng titig mo do’n sa ginamot mong Vlad ba ang pangalan no’n or whatever. I’m not dumb, and my gay-dar is not broken.” Humahagalpak na ng tawa ang kausap na lalong kinainis ni Anastasia. She stood up but Warren quickly pulled her down. Napalunok siya nang makita ang titig nito sa kanya. Danger. Real danger. “Sige nga, Stacy. Give me your reasons why you think I am gay.” “Well, una sa lahat, magaling ka sa pagpili ng damit ng babae, pati na rin sapatos. Not to mention that you know how to use makeup. Dude, walang lalaking gano’n. Well, except if you’re…” “Another reason?” “’Yong mga kilos mo, pati na rin ‘yong pilantik ng daliri mo kapag may ginagawa ka… I’m telling you, it’s freaking obvious so stop this now and just admit it.” “Dalawang rason lang? Napaka-judgemental mo naman, Stacy.” “Isa pa, anlagkit ng titig mo do’n sa Vlad na ‘yon!” nanghuhuli na saad niya. Napatayo siya at sinalubong ang mga ginintuang mga mata ni Warren. “Nagsa-shining, shimmering, splendid pa ‘yang mga mata mo habang pinapanood mo siya na maglakad papalayo. Ay naku, Warren. Sinasabi ko sa’yo, huwag ako--” “May girlfriend na si Vlad, Anastasia.” Natigilan siya sa pagkaseryoso ng tinig nito. “Isa pa, por que ba may pilantik ang daliri ko, bakla na agad ako? It became a mannerism for me, woman, since I used to play the piano.” Tumayo ito ay inubos ang laman ng baso nito. “Isa pa, maalam ako sa fashion dahil mama’s boy ako dati. My mom loves to shop for clothes, and she always lets me tag along. Minsan pa nga napagti-trip-an nila ako at nilalagyan ng makeup. Wala akong girlfriend since birth because I have always considered relationships to be just a mere distraction. My profession is hectic and I don’t want to have a demanding woman frantically demanding for my time and affection.” “Warren…” “You listen too much on other people. Kung anong sabihin nila, pinaniniwalaan mo kaagad. And why are you so worked up on knowing my sexuality, anyway?” “Kasi naman--” “Kasi naman ano?” He softly chuckled as he massaged his temple. "So you're accusing me of being a closet queen, Anastasia?" Bagaman bahagyang umiikot ang paningin dahil sa epekto ng alak ay napatango si Stacy sa itinuran ng asawa. Pagak siyang tumawa. "Haler, bakit ka naman biglang mag-aaya ng shotgun marriage, 'di ba? Tapos no'ng kasal pa natin, hindi mo ako hinalikan. Hindi mo rin ako matitigan kahit na naayos na ang mukha ko. Alam ko naman na pangit ako at mukhang ulikba pero—" Napalunok siya at natigilan. Paano ba naman, may sumilay na ngisi sa mga labi ni Warren Saavedra. Ang bilis ng t***k ng puso ni Stacy ay mas lalo pang tumindi nang naglakad ito papalapit sa kanya. Ilang pulgada na lamang ang pagitan ng kanilang mga mukha nang bumulong ito sa tainga niya. Ang malalim at malamig na boses nito ang dahilan ng pagtayo ng balahibo niya sa batok at panginginig ng kanyang mga tuhod. "Oh, so you've been anticipating a kiss from me, princess? Well, the long wait's over." Sinalubong siya ng tsokolateng mga mata nito. "And for the record, princess, I'm not gay and you're not ugly. Kaya kong patunayan 'yon sa'yo ngayong gabi. Brace yourself, because I'll definitely—" Tila nahipnotismong napapikit ang dalaga nang lumapit ang mga labi nito sa kanya. Naghintay. Nag-asam. Humihiling, na sana ay hindi siya biguin ni Warren ngayong gabi. "—make you the happiest tonight."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD