Chapter 2: The Witch

731 Words
El Margareth’s POV Apat na buwan na rin akong kasal sa pinakagwapo kong asawa at kahit isang segundo ay wala akong pinagsisihan. Tinitigan ko ang repleksyon ko sa salamin at hinimas ang maliit na bukol ng tiyan ko. At the age of 16, kilala ko na si Rayver at alam na naming pareho na ikakasal kami pagka-edad ko ng 20. Yes, arranged marriage still exists. Ganoon ang nakasanayan ng pamilya namin at sa oras na ito, wala akong pinagsisihan. Ang kondisyon ni Papa, matapos ang anim na buwan mula sa araw na ikinasal kami, tsaka na niya ipapamana sakin ang parte ng Hacienda El Mira. I care less though. After I graduated college, I married my king and now I’m having our little prince. Wala nakong mahihiling pa. Perpekto na ang takbo ng buhay ko ngayon “Kukunin niyo rin po ba ‘yan, ma’am?” tanong sakin nung saleslady. Nagsusukat kasi ako ng kulay pink na floral dress na hanggang tuhod. Free flowing lang ito para hindi maipit ang tiyan ko. “Yes, kukunin ko na.” Ini-scan lang ng saleslady ang price tag dahil sinuot ko na. Inayos ko din ang butterfly na hairclip ko habang nakalugay ang buhok kong hanggang sa bewang. Naka flats lang rin ako na sandals dahil hindi naman talaga ako mahilig mag heels kahit nung di pa ako buntis. Isa pa, hindi naman ako maliit para sa isang babae. I’m 5’6” tall and my husband is 5’11”. ‘My husband’. Kinikilig pa rin ako sa katagang ito at hindi ko maiwasang mapangiti. “Saan tayo Senyorita?” tanong ni Kuya Rick, ang personal driver ko. “Sa office ni Rayver, kuya.” Tugon ko pabalik at tumango lang siya.  Dala-dala ko ang paborito niyang lasagna na iniluto ko kanina. Gusto ko lang kasing mag surprise visit dahil lately, palagi na siyang nag-oovertime sa trabaho lalo na’t tumataas ang demands ng market. Nung nakarating na ako sa office, nakita ko agad ang secretary ng asawa ko na si Trixie. Parang gulat pa ito na nakita ako. “Hi Trix. Andiyan ba si Rayver?” tanong ko. Ewan, feel ko din ang asawa ko mismo ang pinaglilihian ko o sadyang miss ko lang siya lagi. “Nasa office po Mrs. Salvador. May ka meeting siyang client.” “Ganoon ba? Sige iaabot ko lang naman ‘tong luto ko. Puntahan ko muna ah?” saka ko nilampasan agad si Trixie dala na rin sa excitement. Siguro si Mr. Valerio lang iyong ka-meeting ni Rayver kaya walang problema. Third Person’s POV Natatarantang di-niall ni Trixie ang telepono niya para sana ipaalam sa boss niya na andito ang kanyang asawa pero patuloy lang ito sa pagri-ring at walang sumasagot. “Lagot na.” bulong ng sekretarya sa sarili niya.   Hindi kumatok si Ema sa pintuan ng opisina at bigla lang itong pumasok habang nakangiti. Agad napawi ito at nabitawan ang bitbit na supot ng lasagna. Nasaksihan na rin niya kasi ang pinagkakaabalahan ng asawa maliban sa trabaho. Nakaupo si Rayver sa swivel chair habang nakakandong sa kanya si Vichelle, naglalampungan na parang wala ng bukas. “Overtime pala ah. Get off my husband you w***e!” walang sabi-sabing sinugod ni Ema si Vichelle, galit na galit ito at hinila ang buhok ng babae. “Ema! It’s not what you think!” sigaw ni Rayver sa pinaka cliché na linya ng mga cheaters. Gasgas na gasgas na ito. “Pati ba naman asawa ko aagawin mo, Vichelle! Ang kapal ng mukha mo!” Ema shouted at her while pulling her hair as hard as she could. Nagpa-panic si Rayver at parang hindi pa pumuproseso sa isipan niyang nabisto ang kagaguhan niya sa asawa.   “He doesn’t love you, Ema! Mas masarap pa ako sa kama at pinakasalan ka lang niya dahil sa yaman mo!” Vichelle shouted back and pulled Ema’s hair as well. Narinig ng ilang employees sa labas ang ingay sa loob ng opisina pero takot silang makialam. Ang sekretaryang si Trixie ang naglakas loob na itulak ang ibang katrabaho para pumasok sa opisina pero ang naabutan niya ay ang nasa sahig na si Ema habang may dugong umaagos sa paanan nito.   “No… no. Anong ginawa mo… hindi pwede…” Ema stared in horror. “s**t! Anong ginawa mo, Vichelle?!” tarantang sigaw ni Rayver at agad na binuhat ang umiiyak na asawa at nagsisigaw sa mga tauhan na ihanda ang sasakyan. Nagmadali ang mga ito patungo sa ospital pero sa isang iglap, gumuho ang perpektong mundo ni Ema sa kataga ng doctor. “I’m sorry, Mr. and Mrs. Salvador. Hindi nakakapit si baby.”   That line, changed her life forever. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD