KANINA pa nakahiga si Zoey sa kama pero hindi pa rin siya dalawin ng antok. Mukhang namamahay pa din siya. At nang hindi pa siya makatulog sa sumunod na sandali ay bumangon na lang siya sa kama. Pagkatapos niyon ay lumabas siya ng kwarto at tuloy-tuloy na lumabas ng bahay. Nagtungo siya sa poolside ng bahay. Umupo siya sa may gilid niyon at itinampisaw ang mga paa sa tubig. Napatitig din siya sa asul na tubig. At parang inaakit siya no’n na maligo. At nang hindi siya makatiis ay tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa gilid ng kama at nagpalinga-linga siya sa paligid. Wala siyang makitang tao. At alam niyang mahimbing ng natutulog si Greyson sa oras na iyon. Hatinggabi na kasi, eh. Tinanggal ni Zoey ang suot na loose t-shirt. Sa loob niyon ay tanging itim na panty lang ang suot niya. Wal

