"YOU what?" ulit na tanong ni Jackson kay Greyson ng ikwento niya dito ang tungkol kay Zeus ng minsang tawagan siya nito. Kung nasa harap niya ito ay alam niyang nanlalaki ang mga mata nito dahil sa gulat sa sinabi niya. "I'm a father now," ulit na wika niya dito. Wala naman siyang narinig na sagot nito mula sa kabilang linya. Mukhang inaabsorb pa ng isip nito ang sinabi niya. Pero mayamaya ay narinig niya ang boses nito ng muli itong magsalita. "How come na ngayon mo lang nalaman na may anak ka?" tanong nito sa kanya. "Hindi sinabi sa 'yo ni Zoey ng maghiwalay kayo?" dagdag pa na tanong nito, mababakas sa boses nito ang kuryusidad. Napapikit naman siya ng mga mata sa narinig na sinabi nito. At sa sandaling iyon ay nakaramdam ang puso niya ng kirot. "Sinabi niya sa akin," halos pabul

