NAPATINGIN si Zoey sa cellphone niyang nakalapag sa center table nang marinig niya ang pagtunog ng social media account niya tanda ng may gustong tumawag sa kanya. Dinampot naman niya iyon para tingnan kung sino ang gustong makipag-video call sa kanya. At nakita at nabasa niya na si Samantha iyon. In-accept naman niya ang pakikipag-video call nito hanggang sa nakita niya ang nakangiting mukha nito sa screen ng cellphone niya. Napansin din niyang nakahiga ito sa sofa sa condo nito. Mukhang wala itong ginagawa sa sandaling iyon. "Hi, Zoey," nakangating bati nito sa kanya nang makita din siya nito. "Oh, hi," ganting bati din niya sa kaibigan. "Kamusta?" tanong niya dito. "Okay lang naman," sagot ni Samantha sa kanya. "Ikaw, kamusta ka diyan?" tanong nito. Nginitian naman niya ito. "Ok

