NILINGON ni Zoey si Zeus pagkapasok nilang dalawa sa bahay ni Greyson. Napansin naman niya ang paggala ng tingin nito sa loob ng bahay. Pagkatapos niyon ay tumigil ang tingin nito sa kanya. Nag-angat naman ito ng mukha para magpantay ang mukha nilang dalawa. Tinaasan naman niya ito ng isang kilay ng magtama ang mga mata nila. Mukha kasing may gusto itong itanong sa kanya sa sandaling iyon base sa tinging ipinagkakaloob nito sa kanya. "Yes, Zeus?" tanong niya sa anak. "Hmm... Mama, sa boss niyo po ang bahay na ito?" tanong nito sa kanya. Isang tango lang naman ang isinagot niya. Sinabi pala niya na 'boss' niya ang may-ari ng bahay noong isinama niya ang anak do'n noong kinuha niya ang folder na inuutos sa kanya ni Greyson. Matandain talaga ang anak niya dahil naalala pa nito ang sinab

